CHAPTER 17

398 58 1
                                    

[Gen]

Ilang kilometro ang layo ni Gen mula sa kabahayanan ng bundok Agbiag, mula sa kanyang pwesto ay kitang kita niya ang madilim na lugar ng mga demonyo.

Para lang isang tahimik na nayon ang nakikita ngayon ni Gen pero alam naman niyang hindi ito isang ordinaryong nayon lang, nasisiguro ng binata na ang nayon na ito ay ang pugad ng mga demonyo.

Kahit na malayo ay amoy na amoy din ng binata ang pamilyar na amoy ng mga demonyo, matagal na panahon siyang nanatili sa kamay ng mga demonyo at pamilyar na siya sa amoy ng mga ito.

Nabobolok na bangkay, ito ang naamoy ng binata.

Mula sa kanyang pwesto ay pinagmamasdan niya ang nayon ng mga demonyo, mag-isa lang ang binata dahil sa inutusan niya ang dalawang kawal na magmasid sa ibang pwesto. Sa tulong narin ng isang Spell na ginawa ng isang kawal ay nakakapagkomyonikasyon parin silang tatlo kahit na malayo ang mga pwesto nila.

"May tatlong demonyo na nagbabantay sa tarangkahan ng nayon." Nagsalita ang isang kawal.

"Sa loob naman ng nayon ay may isang pamilya ng Magical Beast ang pinagsasaluhan ng mga demonyo." Saad naman ng isang kawal.

Malaki ang naitulong ng Spell na ginawa ng isang kawal dahil sa kaya nilang mag-ulat kay Gen ng mga nakikita nila. Malaki rin ang naitulong ng dalawang kawal sa binata dahil sa nagbibigay rin ang mga ito ng mga dapat gawin na sinang-ayunan naman ng binata.

"Aatake na tayo, siguraduhin niyo lang na walang makakatakas na kahit isang demonyo." Si Gen ang nagsalita at narinig naman ito ng dalawang kawal, mahina lang ang kanilang mga boses dahil sa malakas ang pakiramdam ng mga demonyo at baka mabisto pa sila.

Naghanda ang binata at ang dalawang kawal, nagbilang ang binata at ilang sandali ay mabilis na tumakbo ang tatlo papasok sa nayon ng mga demonyo.

Gamit ang buong bilis ni Gen ay narating niya agad ang tarangkahan ng nayon at naramdaman naman i'yon ng tatlong demonyo na nagbabantay sa tarangkahan, tinalon ni Gen ang tarangkahan at gamit ang kanyang sibat ay mabilis niyang inatake ang isang demonyo.

[Second Skill: Spear Strike!]

Hindi na nakailag pa ang demonyo sa ataking i'yon ng binata, tumama ang patalim ng sibat ni Gen sa dibdib ng demonyo dahilan upang mamatay ito. Naglaho na parang abo ang katawan ng demonyo at walang bakas ng kahit ano ang naiwan dito.

Nangmakabawi naman sa matinding gulat ang dalawang demonyo ay agad na silang umatake sa binata, gamit ang kanilang mga matatalas na kuko ay pinag-aatake nila ang binata.

Ngunit hindi naman nagpabaya ang binata at sinalag ang atake ng dalawang demonyo, gamit ang kanyang pinakaunang Skill ay inatake niya ang isang demonyo at ibinalibag ito sa lupa dahilan upang mabasag ang bungo nito.

Naglaho ang demonyo at isang demonyo nalang ang kaharap ngayon ng binata, nagalit ang isang demonyo at mabilis na umatake sa binata. Hindi naman nagpahuli ang binata at sinabayan ang bilis ng demonyo, winasiwas ni Gen ang kanyang sibat at naputol ang dalawang kamay ng demonyo. Napasigaw sa sakit ang demonyo habang si Gen naman ay walang sinayang na oras at pinutol ang ulo ng demonyo.

Tumakbo agad si Gen sa kabahayanan ng nayon at doon ay nakita niya ang dalawang kawal na kasama niya at nakikipaglaban din ang mga ito. Mabaho ang buong nayon at pumapasok sa ilong ng binata ang nabobolok na amoy patay.

Hinalughog niya ang mga kabayanan at may mga nakikita siya mga batang demonyo, sa paglabas ng binata ay nakita niyang napapalibutan na ng demonyo ang kanyang kasamahan.

Tumakbo patungo doon si Gen at tinulongan ang dalawang kawal, malalakas naman ang dalawang kawal dahil sa pareho itong Level 7. Ang pinagkaiba lang ay isang Fighter ang isang kawal at ang isa naman ay isang Mage.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon