SEVENTEEN JEONGHAN

44 3 0
                                    


♡︎𝑹𝒆𝒈𝒓𝒆𝒕𝒔♡︎

"Hannie!" Tawag ko sakanya ng makarating ako sa rooftop, lumingon naman ito sakin at nginitian ako pabalik "Let's play" yaya ko at tumabi sakanya

"Anong klaseng laro na naman ba yan Hon?" Tanong niya at inakbayan ako "One lie, One slap" sagot ko sa tanong niya dahilan para magsalubong ang kilay niya

"Pwede ba ako mandaya sa laro na yan?" Tanong niya kaya agad ko siyang hinampas ng mahina "Pati ba naman dito mandadaya ka pa" sambit ko na ikinatawa niya

"Paano ba laruin yan?" Tanong niya sakin "Madali lang naman to e, Tatanungin kita at pagmali ang sagot mo sasampalin kita. Ganon lang" pagpapaliwanag ko sakanya, tumango-tango naman siya

"Paano kung tama ang sagot ko? Sampal pa den ba ang makukuha ko?" Nagtataka niyang tanong "No. Kiss ang makukuha mo" sagot ko

"Kiss sa lips?" Tanong niya habang nakangisi "Sa cheeks lang no! Wag ka nga!" Sambit ko dahilan para umiling-iling siya "Gusto ko sa lips" sabay turo sa labi niya

"Cheeks nga lang e" sabi ko dito at tinuro ang cheeks ko, kitang-kita naman sa mukha niya ang disappointment "Gusto ko lips" pagpilit niya sakin

"Cheeks nga lang, makakadami ka niyan sakin e" hindi ko pagpayag dahilan para magcross-arm ito "Edi wag na tayo maglaro kung sa cheeks lang den naman" nagtatampo nitong sabi at tinalikuran ako

"Oo na! Oo na sa cheeks na!" Pagpayag ko, agad naman itong tumingin sakin habang nakangiti ng malawak "Game na" sambit niya, kaya nagsimula na akong mag-isip ng mga itatanong ko sakanya

"Mahal mo ba ako?" Seryoso kong tanong sakanya, agad naman siyang tumango "Of course, ikaw lang ang nagiisang Hon ko" nakangiti niyang sambit dahilan para mapangiti den ako at halikan siya sa labi

Sana nga mahal mo talaga ako, Sana nga ako lang ang nagiisang Hon mo

"Ako lang ba?" Tanong ko ulit sakanya dahilan para magsalubong ang kilay niya "Teka, bakit ganyan ang mga tanong mo sakin?" Nagtataka niyang tanong

"Sige na, sagutin mo na lang" sambit ko, tumango naman siya "Ikaw lang wala ng iba" sagot niya kaya hinalikan ko ulit siya

Sana nga ako lang, Sana ako lang yung babaeng mahal mo

"Mahalaga ba ako?" Tanong ko sakanya, hinawakan naman niya ang magkabila kong pisnge "Sobrang halaga mo sakin Y/n" sambit nito at ngumuso, natawa naman ako sa ginawa niya at hinalikan siya sa labi

Sana nga mahalaga pa den ako sayo Jeonghan, sana nga

"Ako lang ba yung babaeng hahalikan mo?" Tanong ko sakanya, sumeryoso naman ang mukha niya "Yes, ikaw lang yung babaeng hahalikan ko" sambit niya at hinawakan ang kamay ko, hinalikan ko siya at pilit na ngumiti sa harap niya

But I saw you yesterday with a girl and you two are kissing

"Ipagpapalit mo ba ko?" Tanong ko sakanya at tinignan siya sa mata, napalunok siya bago sumagot "No." Tipid niyang sagot at umiwas ng tingin sakin, hinalikan ko siya sa labi at yumuko

Napakagat ako sa labi at napatinggala para pigilan na hindi tumulo ang mga luha ko

"Mahal mo pa den ba ako?" Tanong ko sakanya dahan-dahan namang siyang lumingon sakin at umiling, agad ko siyang sinampal "Sinungaling! Alam kong mahal mo pa den ako!" Bulyaw ko sakanya

"Ako pa den ba?" Tanong ko ulit sakanya, umiling siya ulit dahilan para sampalin ko ulit siya "Sinungaling! Alam kong ako pa den!" Bulyaw ko ulit sakanya kasabay ng pagkuyom ng kamao ko

"Mahalaga pa den ba ako sayo?" Tanong ko at tinignan siya sa mga mata, sasagot na sana siya nang unahan ko siya "Naging mahalaga ba ako sayo?" Pagpalit ko sa tanong ko, sinagot naman niya iyon ng tango

Seventeen One-ShotsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora