Episode 9: Unexpected Visit

0 0 0
                                    

Alam na niya ang mga dapat iwasan, pero hindi pa rin maiiwasan na maalala ni Jessica ang ilang parte ng nakaraan niyang buhay. Ang galing niya sa pagpana, noong napadaan sila sa archery class. Ang luma nilang bahay ng dalhin siya ni Ronan sa kanila.
Mali ang naging desisyon ni Ronan na maging kampante sa pagdadala kay Jessica sa kanilang bahay. Sa bawat sulok, may mga na bigla na lang lumalabas sa isip niya, mga bagay na mula sa kanyang nakaraan.
“Ayos ka lang..?” tanong ni Ronan kay Jessica ng biglang sumakit ang ulo nito dahil sa mga ala-ala. “Jessica..” at kinomfort ang babae..
“Ahh.?? Ayos lang..” sagot niya habang nakahawak ang kanang daliri sa noo. “Ano yun..? Isang pangitain.?” tanong niya sa isip.
Lumalabas ang mga dating ala-ala ni Jessica. Nakikita niya sa panaginip niya ang dating siya sa lumang panahon. Ang bahay, ang gubat, ang lawa at ang matamis na ngiti ng isang nilalang. Ang galit, ang poot, at ang mukha ng lalaking pumatay sa kanya na hindi niya maaninag. Gabi-gabi niya itong nararanasan, kaya isang araw, mag-isa siyang dumalaw sa bahay nila Ronan, at nagbabakasakaling makita doon ang sagot ang kanyang katanungan.
“Baka may alam si Ronan sa history ng bahay.? Wala namang pasok ngayon kaya ayos lang siguro kung surpresahin ko siya..” ani Jessica at mabilis na nagbisekleta papunta sa bahay ng kasintahan.
Nagkataong walang tao sa bahay nila Ronan ng mga oras na iyon. Kasalukuyang nasa lawa sa Ronan at niluluksa ang anibersaryo ng pagkamatay ni Anna..
“Salamat, dahil muli kang nagbalik sa buhay ko.. Anna, ipinapangako kong, hinding-hindi ka na ulit mawawala sa tabi ko. Mabubuhay ako kasama ka habang-buhay..” habang nakatayo sa harap ng puntod ni Anna at naisip na gawin ring halimaw si Jessica upang sila ay magsama na habang-buhay. At maya-maya pa ay naglakad na pauwi sa kanila..
Samantala, tahimik na umakyat ng gate si Jessica dahil walang nagbukas sa kanya sa labas at naisip na baka natutulog ang kasintahan sa loob. Pagka-pasok, agad siyang tumungo sa kwarto ni Ronan, upang ito ay gulatin.. Ngunit sa kanyang pagpasok, wala siyang nadatnang tao sa loob ng kwarto kaya naisipan niyang gumala nalang sa loob ng bahay..
“Nakapunta na ako dito pero hindi ko pa to naiikot ng lubusan.. Lalo na ang isang parte ng bahay..” pagtataka niya sa isang pasilyo sa loob ng bahay na ayaw papuntahan sa kanya ni Ronan.. “Hemp. Ano kayang meron dun.?” tanong niya sa isip. Gusto niyang pumasok pero ayaw niyang suwayin ang sabi sa kanya ng kasintahan, pero may isang matinding enerhiya ang tumutulak sa kanya papunta sa pasilyo.. “Pumasok ka.. Pumasok ka..” isang boses sa isipan niya.. “Agghhhh..” napasigaw siya na agad namang narinig ni Ronan mula sa malayo..
“Jessica..?” napatanong siya habang naglalakad.. “Hindi..!!” ani niya ng maisip ang mga maaaring matuklasan ni Jessica sa loob ng bahay nila.. Kaya, mabilis syang tumakbo pauwi at sinubukang pigilan ang babae sa mga maaaring makita.
“Ugghhh..” ani Jessica habang bumibigat ang paghinga at hawak-hawak ang ulo. “Anong meron dun..?” sa isip niya at seryusong tiningnan ang pasilyo. “Gusto kong malaman..” pilit niya at agad na tumakbo papunta sa pasilyo. At doon sa may dulo, may isang lumang pinto papasok sa isang kwarto, na agad ay kanyang pinasok..
Laking gulat ni Jessica sa mga nakita. Ang mga lumang larawan ni Ronan, habang suot ang mga damit na karaniwang lamang isinusuot daang-daang taon na ang nakalipas.. Mga pinta at gamit na hindi ginawa sa kasalukuyang panahon..
Dahil sa mga katanungan, naghalungkat pa ng mga sagot si Jessica sa loob ng kwarto. Hanggang sa may nakita siyang isang malaking kahon, at kanya itong sinubukang buksan, ngunit siya ay nabigo sapagkat ito ay may kandado. Pinilit niya itong buksan ngunit bigo pa rin siya, hanggang sa naalala niya ang kwentas na naiwala ni Ronan na iniabot sa kanya ni Bryan.
At ng mga sandaling iyon, si Ronan ay nasa harap na ng gate ng bahay. At naamoy nga niya si Jessica na pumasok ito sa loob.
“Hindi.. Nandito siya..” at kinabahan siya habang mabilis na pumasok sa loob ng bahay..
“Pwede ko namang subukan..” isip ni Jessica at ipinasok ang susi sa loob ng kandado at matagumpay niya itong nabuksan.. “Aha..” pagkatuwa niya. “Alam kong magagalit sakin si Ronan kapag nalaman niya to, pero may kakaiba kasi talaga sa bahay na to, at mukhang malapit ko ng malaman kung ano..” at inangat ang takip ng kahon, at doon, nakita niya ang kanyang larawan na ipininta ni Ronan, isang libong taon na ang nakakalipas.. “Huh..? Hindi..” pagkabigla niya. “Ugghhhhhh……” napasigaw siya ng biglang lumiwanag ang buong katawan niya. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso niya, pati na ang ihip ng hangin sa loob ng kwarto.. Pumasok sa loob ng katawan ni Jessica ang mga ala-ala ni Anna hanggang sa ang katawang lupa ni Jessica ay tuluyan ng naagaw ng kanyang nakalipas na pagkatao..
“Jessica..?” sigaw ni Ronan habang tumatakbo papunta sa pasilyo kung saan naroon ang kasintahan. “Hindi..” sa isip niya. “Hindi, hindi, hindi..” At pagdating niya sa kwarto, nadatnan niya si Jessica na nakatalikod at nakaluhod sa sahig at nakayuko ang ulo. “Jessica.?” at tumigil saglit sa pintuan at naghihintay sa susunod na mangyayari…
Hindi gumagalaw si Jessica, nakaluhod lang siya at nakayuko. Mabigat ang tensiyon sa paligid. Pinapawisan si Ronan, dahil kung masama ang susunod na mangyayari, hindi niya yun matatanggap.
“Jessica.?” muli niyang tawag at nagsimula ng humakbang papalapit. “Ummm..? Jessica, ayos ka lang ba.?” kunyare niyang tanong. At ng malapit na siya, sinubukan niyang hawakan ang likod ng babae upang malaman kung ano na ang nangyayari dito.

Meet Me In Your Next Life - A Vampire And A Hunter Story Where stories live. Discover now