CHAPTER 13

260 13 1
                                    

"Hoy gagi hindi na!babalik ko nalang." ibabalik ko na sana ang mga stick ng pigilan niya ako "Okay lang kain kapa" "Sure ka?osige kuya pakibalik niyan kakainin ko." kita ko ang pag singkit ng mata niya tsss gutom nga kasi ako e "Haynaku 'tay salamat naman at sinalo mo ang pang isang buwan kong allowance" nag sign of the cross pa siya "Anong tatay?anak ka beh?anak ka?" agad din naman siyang sumagot "Hoy sabi kaya ni Arlon okay lang bakit ba?bakit gusto mo rin siyang tawagin ng tatay?ay mali di bagay sayo dapat DADDY" nanlaki ang mata ko ay hinampas siya ng cup ng palamig na naubos ko "Abat."

"Hoy Hela hiramin ko muna si Chellsy ha?"

"Kahit wag mo na 'yang ibalik,Yum."

"Sige ganyanan pala ha.."

"Charot!,balik kayo sabay sabay na tayong umuwi."

Nang maka alis sila ay kami lang dalawa ni Arlon ang natira.Tahimik lang kami habang ako ay tuloy lang ang pagkain sa nilibre niya.

"Ahm so...gusto mo ibili kita ng water?"

Nagulat ako ng bigla siyang mag tanong.

"Lah,hindi na.Gagsti ka HAHAHA." para akong tanga tawa ng tawa doon.

"Ahuh,sige."

Isusubo ko na sana ang last na fish ball ng may tumawag sa'kin "Uy!hala!si Press gumaganan kana pala e!" agad nanlaki ang mata ko ng biglang makita ang mga kaklase ko na sina Faye,Ella,Kaye, Zynith, Princess "Lah!wag kayong issue kaibigan ko lang 'to 'no!" kahit sinabi ko na iyon ay ngiti-ngiti parin sila habang nakatingin saakin na nang aasar "Esuss,sige sabi mo e.Una na kami Presss"

Ng makaalis sila ay hiya akong umupo pabalik sa upuan namin ni Arlon

"Sorry ha,ah e,mga sira lang talaga ang mga iyon." ngumiti siya sakin sherr mhie yung mata niya nawawala pakshet na malagkit! bumalik lang ako sa wisyo ng may tinanong siya.

"President ka pala?" tanong niya.

"Oo,kaya nga minsan ang dami kong ginagawa.Minsan natatambakan pa ako,kaya super na pre-presure ako minsan."

"Ohhh,then you amaze me.Ang galing mo nakakaya mo yang lahat"

"Oo naman!kakayanin bhie,wala naman akong choice tapos pag naaalala ko pa yung thesis parang mahihimatay ako."

Kita ko kung paano siya doon tumuwa.

"E ikaw ba?sabi nila sports mo basketball?" balik tanong ko.

"Yes,and currently nag hahanda dahil kakalabanin namin ang ibang school kaya pinag hahandaan ko 'yon."

Tungo lang ang sinagot ko.

"Alam mo ang peace of mind ko pag nasa ganito akong lugar.Like ang sarap kasi sa feeling... feeling ko inaanod ako ng hampas ng hangin na laging sumasalubong saakin." nakapikit ako habang nag sasalita.
"Atsaka favorite ko yung sunset lalo pag sa dagat,naku! para akong batang bano pag nakakakita ako."

Daldal lang ako ng daldal habang siya ay tahimik na nakikinig minsan ay iimik pag may itatanong.Napatigil ako ng maramdaman ko na parang dina ata nagalaw katabi ko.Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata upang makita ang ginagawa ng kasama ko.

Nakita ko ang magwapong mukha ni Arlon habang nakapikit.Habang nakapikit siya ay kitang kita ang ka-gwapohan niya na natatamaan na ng araw ng...

"Sunset!!"

napatakip ako ng bibig ng mumulat siya dahil sa aking pagkasigaw.

"Hala sorry,na excite lang ako.Gagi Arlon!may sunset na!"

Dali dali kung kinuha ang cellphone ko pero agad nawala ang saya ko ng hindi ko ito makapa.

"Lah,nasa bag ni Chell yung cellphone ko!" sigaw ko at uupo na sana ako ng mag salita si Arlon.

"Here.Gamitin mo muna yung aken,tapos send ko nalang sayo later."

Kinuha ko ito sakanya at kita ko ang lock screen niya.Well pang basketball ang wall niya dito sabagay sino paba iwo-wall niya.

"Gagi ang ganda talaga ng sunset.Diba?" pagkasabi ko no'n ay tumingin kay Arlon na nasa likod ko at pinapanuod ako.

"Yes, it's beautiful....but..."

"Lah,wagmong sabihing hindi ka sunset lover?!"

Kita kong tumawa siya.

"No..hindi,I mean is..it's beautiful...but...."

"MAS MAGANDA KA."

IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon