CHAPTER 1

1K 26 9
                                    

"Hoy!accla ano? okay kalang d'yan? dinaig mo pa ang ni rape sa sobrang tulala" agad akong napatingin sa kaibigan kong ngayon ay nasa harapan kona. "H'yaan mo nanga siya Yumme baka broken parin gawa sa don sa ka-ldr niya" mas lalo akong napa simangot ng nakisali na si Chellsy.Agad akong umayos ng upo at nag salita. "Ang oa niyo naman, 'di ba pweding natulala lang gawa ng bagay bagay?" Pagkasabi ko nun ay nakita ko ang ngisi nilang dalawa "Esus mo Maria Anghela Armania,alam naman nating broken ka parin sa lalaking 'yon na never mo namang nakita.Alam mo girl maraming gwapings diyan mag hanap ka kasi akala koba bestfriend forever,sabay hahanap ng forever natin?!" naka pose pa siya habang sinasabi 'yon. "Hoy ateng wag ako ikaw nga nauna sa'ting tatlo" pagkasabi ko nun ay nag salita rin si Chell "Naneto ni Yum pwede kana sumaling extra sa scene na 'Punitin ang cedula!' ang lakas ng boses mo pumalit kana sa na piyok doon"

"Ay nag salita ang patay na patay sa red flag? ano kamusta ang puso? fan pamore ng color blind" kita ko ang pag nguso ni Chell "Hindi ko nanga kasi gusto iyon,ikaw nasasabi mo lang 'yang mga ganyan kasi may fafa khen kana hmp!"

"Tara nanga away kayo ng away,hapon narin may assignments pa akong gagawin" kita ko naman ang pag tayo nila "Sige tara" pag sangayon nila. "Grabe yung school namin ang daming ganap tapos may monthly exam pa,jusko kung wala akong inspiration na gwapo tatamadin ako." pag rereklamo ni Yum habang nag lalakad kami "E mag rereklamo kalang naman,tapos gagawin morin kalaunan." Singit ni Chell "Buti pa kami chill lang" sunod kong sabi "O edi kayo na akala koba trio bakit nasa ibang school kayo? atsaka―" "O?bakit ikaw may bebe na?akala koba trio rin tayo,bakit kami wala?" napailing nalang ako dahil wala atang katapusan ang pag babarahan nila.

Kahit papaano ay nakakahinga ako sa dalawang 'to nakakatawa ako ng sobra pag sila ang kasama ko, unlike sa bahay...well okay naman doon but may time ding hindi.Kagaya ng napag-usapan namin ay umuwi nanga kami alam kung hinihintay narin ako ni Mama sa house ng lola ko.

Nag lalakad palang ako ay nakita kona ang kapatid ko sa harap ng bahay nina lola kasama ang mga pinsan ko,nag lalaro sila ng chinese garter.Habang papalapit ay kinig ko ang pagtatalo nila

"Hindi nga kasi sayad iyon eisha" kita ko ang pamo-mroblema sa mukha ng pinsan ko habang ipinag lalaban ang side niya "E sayad nga! wala,out na kayong lahat ikaw yung mother diba?" Depensa naman ng kapatid kong kindergarten.

Ng tuluyan na akong makalapit ay nakita na ako ni Matmat ang pinsan ko na stress na stress na sa maldita kong kapatid.Ang kaninang namo-mroblema ay napalitan ng ngiti "Ate!" masaya siyang lumapit saakin "O?nag aaway na naman kayo?" kita ko ang pag lapit saakin ng kapatid ko "E,yan kasi Ate si Matmat ang kulit sumayad nga ang pwet niya sa garter." agad akong napatawa ng makitang umerap siya sakaniyang pinsan "Hoy,bad yan,Eisha ha?bad na bata ang ume-erap tatanggalan daw ng mata,sige ka" kita ko ang pag nguso niya "Sorry Matmat...pero sayad nga kasi talaga"

Agad akong napailing "Haynaku hindi yan matatapos,eto hati hati kayo." binigay ko ang dalawang cotton candy na binili ko kanina sa baypark na tinatambayan namin nina yum.

"Thank you ate!" sabay nilang sabi. "Osige diyan muna kayo" pagkasabi ko nuon ay agad akong pumasok sa loob.Ang unang bumungad sakin ay ang nag mamarites kong lola at Mama sumulpot naman kung saan si Tita.

Ng makita ako ni Mama ay agad siyang nag salita "Andyan kana pala tawagin mona ang mga kapatid mo at tayo ay sasaka na" pagkasabi niya nun ay agad akong lumabas at tinatawag ang mga kapatid ko, para makaalis na.

―――――――――――――――――――――――――――――――――

Thank you for reading!

_Angelaxiee_

IT'S YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon