Chapter 36: Friends

4.3K 209 13
                                    

"Woah! Ikaw na ba yan, Dwayne? Lalo kang gumwapo ah." si Ken na bumaba ng sasakyan.

"Sabi na nga ba eh, may pagtingin ka sakanya." pabiro siyang sinuntok ni Eros.

"Baka ikaw ang may gusto kay Dwayne." bwelta ni Ken.

"Tara na nga, punta na tayo ng bar." si Jiro na nasa loob ng kotse at nagsakayan na kami sa sasakyan niya.

Nang makapasok na sa bar ay parang ngayon lang ako nakatapak dito. Parang naninibago na ako. Ang ingay ng musika na parang tinatambol ang dibdib mo ng speaker, nakakahilo ang neon lights at maraming tao ang nagsasayaw sa dance floor.

Umupo kami sa isang mesa at nag order na sila ng alak. Panay naman ang linga ko sa paligid. Naninibago talaga ako sa environment.

"Kamusta naman ang probinsya?" tanong ni Eros.

"Okay naman, marami akong naging kaibigan dahil sa paglaro ng volleyball." sagot ko.

"Nagprobinsya lang, nagvovolleyball na, at nagtitiktok pa." si Ken.

"Nagka-lovelife ka ba roon?" tanong naman ni Jiro.

"Ah, wala." sagot ko.

Tumango sila at natahimik.

"Kayo, kamusta ang lovelife niyo?" tanong ko.

"Itong si Ken, may napupusuang bakla." natatawang sabi ni Jiro.

Siniko naman siya ni Ken. "Baka ikaw lang naman ang may gusto dun sa bakla, tsk!"

"Itong si Eros, hindi ko alam kung may namamagitan na sa kanila ni Sancai." natatawang sabi ni Ken.

Napailing nalang, na natatawa si Eros.

Humaba pa ang usapan tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa kanila. Namiss ko ang pagsasama namin. Parang ilang taon ang lumipas ng magkakasama kaming lahat.





Patapos na ang summer, tag ulan na naman. Nagpa enroll na ako sa dating university. Tumakbo ako at sumilong sa isang waiting shed dahil biglang bumuhos ang ulan. Tanging ako lang naman ang nandito nang may biglang dumating na lalake na nakasuot ng hoodie jacket. Sa una, hindi ko pa siya nakikilala pero nung tinanggal niya ang kanyang hoodie, parang napatalon ako sa gulat. Nagtama ang mga mata namin ni Tyrone, nagulat din siya nang makita ako.

"Ikaw pala." aniya sabay iwas ng tingin.

I feel awkward. Tinitigan ko nalang ang ulan na tumatama sa sahig. Kita ko naman sa gilid ng aking mga mata na sinasalo ng kanyang isang palad ang tubig-ulan. Heto na naman ang tibok ng puso ko na sakanya ko lang maramdaman. Parang hinahaplos ito at kumikirot. I dont know why, pero parang nasasaktan parin ako.

Nagulat nalang ako nang naglakad na siya at sinuong na ang ulan. Tinanaw ko lang siya hanggang sa mawala na sa paningin ko.

"Namiss kita." Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Kendra nang pasukan na sa eskwela.

"Naol." rinig kong sabi ng tatlo kong kaibigan. Di parin kase bumibitaw ng yakap si Kendra sakin.

"Hang out tayo later," Kumalas na siya ng yakap.

"Sige." Tumango nalang ako.

Nag hangout nga kami ni Kendra kinahapunan, doon sa coffeeshop nila.




Sa sumunod na araw ay nagulat nalang ako sa tawag ni Niccolo na nandito na pala siya ng Maynila.

"Hindi naman kita nakita sa skul,"

"Sa ibang skul ako nagpaenroll, hindi naman kase ako nakuhang varsity ng skul niyo at ang mahal pala ng tuition sainyo." aniya.

"Pero malapit lang sa skul niyo, natanggap pa akong varsity."

Napangiti nalang ako sa good news niya. Masaya ako para sakanya na natupad ang pangarap niyang makapag aral dito sa Maynila.

Nagkita na nga kami ni Niccolo sa sumunod na araw sa harap ng kolehiyong pinag aaralan ko. Hindi na mahahalata na pilay siya.

"Sabi ni papa, hindi raw ako maghanap ng part time job kase papadalhan naman nila ako pero, naghanap parin ako," natatawang sabi niya.

Makulit din to, pero namamangha ako sa dedikasyon niya.

"Saan ka ngayon nakatira?" tanong ko.

"May inuupahan akong apartment malapit lang dito." aniya.

Pinakilala ko naman siya kina Eros nang lumabas na sila ng campus.

"Si Niccolo, naging kaibigan ko doon sa probinsya."

Nagtanguan nalang sila.

"Nice to meet you, Piccolo." si Ken sabay lahad ng kanyang kamay.

Nagtawanan naman kami.

"Niccolo, hindi Piccolo." siniko siya ni Jiro.

"Ahh, ikaw yung kasama ni Dwayne sa tiktok na nag i-its really hurts." si Ken.

Tumango nalang si Niccolo.

"Collab tayo sa tiktok." suhestyon ni Ken.

"Hoy, wag kang mandamay sa kabaliwan mo." sabi ni Jiro kay Ken.

"Oo nga, gagawin mo lang macho dancer 'tong si Piccolo, ah este Niccolo." si Eros. Natawa nalang kami. Sa isip ko, pareho lang naman silang puro pabakat o pa-yummy sa tiktok.

"Sige ba." sabay-sabay kaming lumingon kay Niccolo sa sinabi nito.

"Ayos, magkakasundo tayo dyan, pare." sabi ni Ken. Napangiwi nalang kami nila Eros at Jiro nang sabay nilang tinuro ang kanilang sentido at ginalaw ang baywang.

"Hatid na kita." sabi ko kay Niccolo nang magpaalam na ang tatlo, kami nalang ang natira.

"May sasakyan ka?" tanong niya at tumango ako.

Sinundan niya nalang ako sa parking lot.

"Wow! Ang pogi ng motor mo ah."

"Ah, wait, si Tyrone ba 'yun? Pareng Tyrone!" tawag ni Niccolo. Nakaramdam naman ako ng kaba.

Hindi naman ako makatingin kay Tyrone nang makalapit na samin. Inaabala ko nalang ang helmet.

"Dito ka rin ba nag aaral?" tanong ni Niccolo.

"Oo, ikaw? Dito ka narin?" tanong naman ni Tyrone.

"Hindi rito. Doon pa sa katabi nitong university."

"Ahh, buti naman at nakakalakad ka na ng maayos." si Tyrone.

"Oo nga eh, thanks God."

"Oh ano pare, alis na ako, may pupuntahan yata kayo." si Tyrone.

"Ihahatid niya lang ako sa apartment ko. Geh, inuman tayo sa sunod ah." si Niccolo.

Hay, sa wakas at natapos narin ang usapan nila. Kita ko nalang sa gilid ng aking mga mata na sumakay na si Tyrone sa kotse niya.

"Asensado pala ang ex mo noh." sabi ni Niccolo nang makita yata ang kotse ni Tyrone.

Tumaas nalang ang kilay ko at binigay na sakanya ang isang helmet.

"Atsaka, ang lakas ng pormahan niya, siguro habulin yun ng mga babae."

Hindi nalang ako sumagot.

"Hindi ko pa pala naitatanong, ba't kayo naghiwalay?" tanong niya.

"Umangkas ka na nga lang, ang dami mong tanong." sabi ko.

"Curious lang naman, heto na lang ang tanong ko, sinong mas daks samin?" natatawang tanong niya nang pareho na kaming nakaangkas.

Napangisi naman ako sabay iling.

Si Tyrone. Pero hindi ko na naisatinig.


****


My Beautiful Rival (BxB)Where stories live. Discover now