AUTUMN MEETS WINTER ( XL )

1K 98 14
                                    

Nagising ako mula sa pagkakabalikwas ko sa kama dahil sa panlalamig.

Aish. Bakit ba kasi ang lamig lamig? Wala akong maalala na nilakasan ko ang temperature ng aircon sa kwarto ko dahil ayaw ko ng sobrang lamig dahil sa sexy este payat kong pangangatawan.

Ayaw ko pa sanang bumangon dahil sa natatamad akong kumilos dala ng sobrang lamig ng bigla akong may naalala na nagpatayo sa akin paalis ng kama.

Hindi pa ako nakakauwi!

Ngunit sa pagbangon ko ay mas lalo akong nakaramdam ng panlalamig lalo na sa likurang bahagi ng katawan ko.

Teka, ano bang. .

Unti-unti kong inalam ang dahil hanggang sa marealized kong wala na ang suot kong damit maliban sa baby blue kong boxers. Anak ng. .?!

Agad kong hinanap kung saan nakalagay ang damit ko pero hindi ko ito makita. Saan napunta iyon? At sinong nagtanggal ng damit ko?

Teka. . Si Nigel?!

Tama! Siya yung huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

Sigurado akong siya ang dahilan kung bakit nakatulog ako. Pero bakit niya gagawin iyon? Agad kong kinapa ang sarili ko at pinakiramdaman ang katawan ko. Hmm. . Wala namang masakit so it means wala siyang pananamantalang ginawa sa akin or anything so bakit ako nakahubad?!

Lumalakad na ako papunta sa pinto ng makarinig ako bigla ng malalakas na sigawan mula sa labas.

Anong nangyayari?

Binilisan ko ang lakad ko para sana buksan ang pinto at tignan ang nangyayari sa labas pero laking gulat ko ng malamang nakasara ito.

Teka, paanong?!

Pinilit kong buksan ang nakasaradong kwarto pero dahil nakakandado ito, walang nagawa ang pwersa ko para mabuksan ito. Kailangan ko ng susi! Pero saan ako hahanap? Mukhang sa labas isinara itong pinto.

Anak ng tokwang buhay naman ito oh!

Sabi ko kanina sa sarili ko uuwi na ako, oh eh nasaan ako ngayon? Eh di nandito pa rin sa bahay na ito at ito nga at nakahubad at hindi alam ang dahilan at nakakulong sa kwartong ito.

Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong malakas na pagsabog. Tokwa! Ano iyon?! Ano ng nangyayari? Binobomba na ba itonh bahay?! Aba, teka lang naman! Nandito pa ako sa luob! Baka nakalimutan nilang may tao pa dito!

"May tao ba d'yan sa labas?! Pabuksan po ng pinto! Na lock ako dito sa luob! Tulong!" sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan ng kwarto.

Ang tagal ko ding nagsisisigaw at nagkakakalampag hanggang sa may narinig akong boses sa tapat ng pinto.

Sa wakas! Makakalabas na rin ako!

Bahagya akong napa atras ng makita kong pumihit ang seradura.

"Arista!" masayang bungad sa akin ni Enix at agad akong niyakap. Muntikan pa akong mapahiga sa sahig sa lakas ng impact ng pagyakap niya sa akin. Parang bata ba naman na tumakbo payakap eh.

Buti nalang at narinig niya ako kundi hindi ko na alam ang maaaring mangyari sa akin.

Pero, teka. Bakit nandito si Enix?

"Enix, ano nga--?!" hindi ko na natuloy ang itatanong ko ng mapansin ko ang pagkagulat at pagtataka sa kanyang mukha.

Oh shit! Natanggal yung balot na kumot sa katawan ko.

"A-ah, Enix, let me explain. ." natataranta kong sabi.

Pero bago pa ako makapag explain nakita kong tinanggal ni Enix ang suot niyang blazer at isinuot sa akin na nakatingin sa ibang parte ng kwarto. Halata sa mukha nito ang pamumula.

AUTUMN MEETS WINTER (MPREG)Where stories live. Discover now