Kabanata 8

1K 49 10
                                    

Accept


It's been a few days since we saw each other. Pasko iyon. After ko siyang ihatid ay hindi na kami muling nagkita. Hindi na rin naman siya sumubok na kausapin akong muli, I prefer that. 


"Ate! Durog na yung gulaman!" Nagulat ako at agad na tiningnan ang pyrex na may lamang coffee jelly. Oo, desert ang ambag ko sa media noche.


"Okay lang 'yan para madali matunaw sa tiyan." Sagot ko habang nakangiti. 


Nagbuntong hininga lang ang kapatid ko at nagpatuloy sa paghihiwa ng sibuyas. 


All my aunts, uncles, and cousins will be here to celebrate the new year. Just as what always happen, kay mommy ako sa pasko, kay daddy sa new year. 


"Spill it." She said without even looking at me and continuing what she's doing. 


I bit my lower lip to stop myself from speaking. It's new year's eve, I don't want to spoil the mood. 


"Wala, kulang lang ako sa tulog. Wag OA, ikaw ha mamaya may crush ka na. Bawal pa! Kapag 25 ka na pwede na." Pag-iiba ko ng usapan na nagpakunot sa noo niya. 


Umiling na lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. 


My father has siblings. I also have tons of cousins. Halos lahat sila ay sa probinsya nakatira pero karamihan ng mga pinsan ko ay dito nag-aaral sa Manila. 


Nang makapag-ayos ako ay agad kong hinanap ang paborito kong pinsan. Kami na naman ang magchichikahan buong gabi. 


"Julia! Grabe parang tumataba ka yata!" Agad naman akong ngumiti sa tita ko. Alam kong hindi ako tumaba, ayan lang talaga ang autogenarated message ng mga tita tuwing may gathering. 


"Tita kayo rin po, pati po wrinkles medyo dumadami na." Ganti ko naman kaya agad na nawala ang ngiti niya sa labi. 


"Palabiro ka talaga, sige na at papasok na ako." Sabi na lang niya at hinalikan ako sa pisngi. 


"Your favorite cousin is here, Arnaize." Yara said raising her hands with bottles of wine. 


I rolled my eyes at her and wrapped her in an embrace. 


"The Bataan beauty has finally arrived." Sabi niya pa kaya hinila ko naman ang buhok niya. 


"Gaga, bilisan mo na, nagugutom na ako." 


The games were fun as usual. Sumasali kami dahil mababa na ang limang daan sa premyo. Sino bang nagsabing bawal na mabigyan ng pamasko pag malaki na? Babalian ko ng buto. 


"I heard about what happened." We are now on our veranda. Nasa baba ang mga bata at naglalaro ng lusis. 

The Midst of Plight (Working Girls Series #4)Where stories live. Discover now