Chapter: 14

16 1 0
                                    

Codename: Hades 2

Chapter: 14

Habang nagmamaneho si Bong ng kotse ay hindi mapigilan ni Lei ang mapa-buntonghininga.

Nilingon ito ni Bong, "iniisip mo ba siya kuya?" 

"Inspector, sigurado ako okay lang si Steph." Sabat naman ni Ryan.

Napatango lang si Lei at muling napatingin sa bintana, kung alam niya lang na mangyayari ito sana hindi niya binalewala bawat tawag nito. Hindi pa din siya makapaniwala na mangyayari ang lahat nang ito. Napapikit na lang siya at inalala ang gabing nakatulog siya sa bahay nito.







****


Naalimpungatan si Lei at agad napansin na katabi na si Steph, hindi niya naramdaman na bigla na pala itong tumabi sa kanya. Ngumiti siya bahagya, nakatulog na pala siya ng wala sa oras, ang buong akala niya lang talaga nakaupo lang siya kanina. "Ang cute mo talaga." Sabi niya habang pinagmamasdan ito.

Biglang ngumiti si Steph at dumilat. "Huli ka!"

"Teka, gising ka pala?" Tanong ni Lei.

"Oo, hindi naman ako natulog. Pinagmamasdan lang kita ang cute mo talaga, habang tulog." Tila nagpa-cute pa si Steph.

Namula bigla si Lei, kahit na magkasintahan na sila ay hindi niya maiwasan na mahiya pa din kay Steph. Halos 11 years kasi ang tanda niya kay Steph, kaya minsan nag aalangan siya kapag kasama ito.

"Namumula ka na naman." Tukso ni Steph at lalu pang sumiksik.

"Steph, baka pwede umusod ka naman ng kaunti?" Tila reklamo niya.

Nagtaka si Steph at mas lalu pang lumapit, "Ayoko nga, mas gusto ko sumiksik s'yo. Isa pa hindi naman ako natatakot, lalu at ikaw yung lalaking mahal ko." 

Napatitig si Lei kay Steph, "iniiwas ko sarili ko, lalu at hindi pa tayo nakakasal, baka magkasala ako." 

Natawa lang si Steph, at iniyakap ang braso sa bandang leeg ni Lei. "Magkakasala ka ba?" Sabay tanong nito.

Bumuntonghininga si Lei at hinawi niya ang buhok ni Steph, "Akala ko, magiging matandang binata ako. Pero nagkamali ako. Kasi dumating ka sa buhay ko." Sabay ngiti niya.

"Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali ng lalaking sinagot. Lei." 

"Yes?" 

"Mahal na mahal kita, kaya handa na ako ibigay ang katawan ko ngayong gabi." Seryoso niyang tugon.

Saglit na napahinto, napalunok siya sa sinabi nito. "H'wag mo'ko biruin."

Umiling si Steph. "Hindi ako sigurado sa bawat araw, kaya ngayon pa lang, gusto ko na lubusin ang gabing 'to Lei." 

"Hayys, Steph. . . Bawiin mo ang sinabi mo, habang napipigil ko pa." 

Muling ngumiti si Steph at pumikit.

Naramdaman niyang ang init na bumangon sa kanya, gusto niyang tumayo pero hindi naman siya makagalaw. Isa pa baka sabihan siya ni Steph na bakla dahil siya na ang nilalapitan, tatanggi pa. "Steph.." Sambit niya at hinalikan ang labi nito.

Tila mapusok ang iginawad niya, dahil sa kasabikan na nararamdaman. Ngunit tila nagbago din at biglang naging banayad, gusto niya na maging mahinahon dahil ito ang kauna-unahan ni Steph, ayaw niya masaktan ito. Naramdaman niya ang pagyakap ni Steph sa kanya, kaya kumilos na siya at humaplos ang kanyang kamay. Ngunit bigla din niyang iniwas. Saglit siyang huminto at tumingin kay Steph, "Pwede ko ba-"

"Oo naman, iyong-iyo ako Lei." Putol ni Steph.

"Hindi ko inaasahan, 'to... Mauuna na honeymoon natin." Nakangiti niyang sambit. 


Tuluyan na siyang dumagan kay Steph, ramdam niyang nagpaubaya ang kanyang nobya hanggang sa tuluyan na niyang nahubad ang damit nito. At duon naganap ang para sa kanilang dalawa, mas lalu siyang napangiti. Masaya siya dahil alam niya na sa kanya binigay ni Steph ang lahat. Kaya mas lalu niyang mamahalin ito. Niyakap niya ng mahigpit si Steph. "I love you, mas lalu kitang mamahalin. Pagkatapos lang nito, magpapakasal na talaga tayo." 

"Makakapag hintay naman ako, basta ikaw lang ang lalaking mamahalin ko." Tugon ni Steph.

Hinagkan na ito ni Lei sa noo at muling niyakap ng mahigpit.



***

Napakagat-labi si Lei, nang maalala ang gabing yun. "Makakapatay talaga ako, kapag may nangyaring masama sa kanya." 


Nilingon ni Bong ang kuya niya, pero sa bintana lang ng kotse ito nakatingin.

"Inspector, kailangan mo muna mag pokus para hindi tayo pumalpak. Mas mahirap at baka makahalata ang mga kalaban." Sabat ni Ryan.

Muli lang bumuntonghininga si Lei, "Humanda sa'kin ang Harry na 'yun, hindi ako papayag na hindi makaganti sa kanya." Sagot lang niya.







________________________



Nagmamaneho lang din si Kevin, pero hindi maiwasan ang hindi mapatingin kay KC. Lalu at nakalabas ang hita nito. Agad siyang may kinuha sa gilid at tinakip sa hita nito.

Nagulat si KC sa ginawa ni Kevin, pansin niya ang malaking bandana na tinakip nito sa hita niya. "Para saan, 'to?" Tanong niya at nilingon ito.

Pero hindi sumagot si Kevin at tuloy lang sa pagmamaneho.

"Suplado ka talaga, feel mo lang tumulong dahil nga nasa panganib lang si Zoe." Dagdag nito.

"Sabihin mo na, gusto mong sabihin." Sagot lang nito.

Napailing si KC, at sumandal. "Pag nagkita kayo, kausapin mo s'ya para naman. Masabi mo feelings mo." 

"Hindi na kailangan.." Sagot muli ni Kevin.

Muling lumingon si  KC kay Kevin. "At anung gusto mo, habang buhay na titingin sa frame niya?" 

Hininto ni Kevin ang kotse at agad na hinila si KC sabay halik sa labi nito, napadilat ng husto si KC sa gulat sa ginawang paghalik nito. Ramdam niya ang labi talaga nito sa labi niya. Maya-maya ay huminto din si Kevin at bumalik sa manibela, sabay paandar muli ng kotse. Hindi makaimik si KC at tila natahimik siya, sabay sandal na sa upuan. Pero ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib, at hindi maipaliwanag na nararamdaman.




_________________

#AuthorCombsmania

Codename: Hades 2(Completed)Where stories live. Discover now