Chapter 6

37 3 0
                                    

"SABIHIN MO NGA SA AKIN, kung bakit ang isang magandang babaeng tulad mo ay napakasungit at moody?" tanong ni Trek sa kanya makalipas ang mahabang katahimikan sa pagitan nila habang nagsasayaw sila sa saloy ng kantang Crazier ni Taylor Swift.

Tiningala niya si Trek. Then, she slowly smiled at him katulad ng mga ngiti niya noong una silang magkakilala.

"You're the reason why I am a snobbish bitch, Trek." Sagot niya sa gitna nang mahinang halaklak. Waring naguluhan naman si Trek sa mga sinabi niya.

"Anong kinalaman ko doon? Bakit ako?" sunud-sunod niyang tanong.

"Kasi ikaw, eh... ewan ko ba? Lahat yata ng lalaking makasalamuha ko eh ikino-compare ko sa 'yo. Whenever I realize that they're not like you, pinagsusupladahan ko sila and I don't care kung ano ang isipin nila sa akin."

"Even if they think you're crazy? Kahit masama na ang tingin sa 'yo ng mga tao sa Solace, pati ng mga empleyado mo?"

"Hmmm... yes. I can always fire them, if I like. Pero hindi ko ginagawa. Kay Danie ang desisyong iyon. Siya kasi ang responsible sa screening ng mga gustong magmember dito kaya siya rin ang may say kung paaalisin ang mga inirereklamo ko. Ako, I just make it a point na alam niya kapag may hindi ako nagustuhan or may taong gumawa ng hindi maganda sa akin."

"Pasaway ka talaga. Sabi ng ilang members dito ay grabe ang attitude problem mo. Nang-aaway ka pa ng mga bisita nila."

"Ganoon mo ako nakilala, 'di ba? Isang pasaway na estudyante na may attitude problem at muntik nang ma-expel sa university, kung hindi lang nakilala kita. And I thank you for that."

Sinamyo ni Trek ang buhok niya. And he planted a very soft kiss on her neck. Hindi malaman ni Reian kung paano kakapit kay Trek dahil ramdam niya ang tuluyang panghihina ng kanyang mga tuhod.

"Do you know you're so beautiful?"

"You find me attractive?" bigla niyang tanong sa kasayaw.

Teka nga lang, hinay-hinay lang Reian, saway niya sa sarili.

"Not only attractive. I find you a threat to my hormones. Kung hindi nga lang araw ito nina Maverick at Noelle, I will definitely take you somewhere and make love to you."

Napaangat muli ang kanyang mga mata kay Trek. Hindi ito nagbibiro because she can see the desire in his dazzling eyes and she can feel the heat radiating from his body to hers.

"It's not a funny joke, Trek. Hindi nakakatawa." Sabi niya.

"Do I look like I'm joking? Hindi ko ginagawang biro ang mga bagay na may kinalaman sa attraction ko sa iyo." Tinitigan niya si Trek and he was right. She could see the desire in his eyes, the overflowing wanting and longing.

Kung pwede lang Trek... kung pwede lang...

"BAKIT OFF-LIMITS SI ARES?" naulinigan niyang tanong ni Trek sa kanya habang naghahanda siya ng pananghalian.

"Ha?"

"Ang sabi ko bakit hindi ko pwedeng sakyan si Ares?"

"Ares never allows anyone to ride him, maliban sa akin. Si Avalon na lang ang sakyan mo. She's safer."

"Ms. Soledad, I can take care of Ares. Makukuha ko rin ang loob niya."

"Mr. Villaraza, I know you're a risk taker pero ayokong may masaktan dahil lamang sa pinayagan ko s'yang sumakay kay Ares. Hindi madaling paamuin ang kabayong iyon." Sabi niya sa lalaki.

"Pero nagawa mo... when you were only sixteen. Kaya ko rin iyon." Pagmamalaki niya kay Reian.

"Trek, h'wag ka nang makulit."

The Endless Promise (Amazon Solace Book 3 of 3) - Published 2012 under MSVDonde viven las historias. Descúbrelo ahora