Chapter 2

65 3 0
                                    

"SIGURADO KA BA RITO?" tanong ni Trek sa kausap sa kabilang linya ng telepono. Dahil sa hindi pa rin siya makapaniwala na kasal na sila ni Reian, ay tinawagan niya ang kaibigan niya na nagset-up ng booth na iyon para sa school fair nila noon.

"So I am really married to her. This is for real. She's my legal wife." Napasapo sa kanyang noo si Trek. Kung alam lamang niya ang gimik na iyon ng kaklase niya, ay hindi niya pinilit si Reian na magpakasal sa booth na iyon. Bakit ba hindi ko napansin ang detalyeng iyon?

"Sinong asawa mo?" tanong ni Jet sa kanya na bigla na lang sumulpot sa pintuan ng opisina niya. Kagagaling lang nito mula sa honeymoon nila ng asawang si Danie na pinsan pala ng kanyang asawang si Reian.

"Ha?" tanong ni Trek matapos putulin ang tawag sa telepono.

"Ang sabi ko... sino ang asawa mo? Hindi ko kasi alam na nagpakasal ka na pala habang wala ako. Hindi ka man lang nag-invite."

"Paano naman kita ii-invite, eh, five years na akong kasal."

"What? You're joking." gulat na tanong ni Jet kaya napatawa ng 'di oras si Trek sa pinsan.

"No, I'm not. Hindi ginagawang biro ang kasal, Jet."

"Okay, you're not joking. Pero, sino ba ang pagkamalas-malas na babae na nabihag ng kamandag mo?"

Malas nga ba si Reian dahil ako ang naging asawa niya?

Nakatitig lamang si Trek kay Jet. Inuntag siya ni Jet kaya bumalik sa reality ang kanyang isip.

"What?" tanong niya kay Jet.

"May balak ka bang sabihin sa akin kung sino ang babaeng pinakasalan mo o kailangan kong manghula kung sino sa mga naging girlfriend mo ang tuluyang nabiktima mo?"

"Si Gabie...Gabriel Soledad."

"The name's so familiar."

"Yeah. It should be familiar dahil pinsan siya ng asawa mo." Sabi ni Trek. Kumunot naman ang noo ni Jet sa kanyang tinuran.

"Si Reian? Ang president ng Amazon Solace?" Jet was shocked to hear that Reian married his cousin.

"The one and only." sabi ni Trek. Biglang nagbago ang facial expression ni Jet at alam ni Trek kung ano ang nasa isip ng pinsan.

"Just before you react, I didn't know that we're married. Not until she showed up hours ago and brought me the marriage contract." Paliwanag niya sa asawa ni Danie.

"Hindi mo alam na mag-asawa kayo? What the hell, Trek!" bulyaw sa kanya ni Jet.

"Huwag ka namang magalit..."

"At bakit hindi ako magagalit? You have been lying to us for how long?"

"Wait a minute, there, Jethrone Andrada. I'm not lying to you in the first place. Hindi ko nga alam that Reian Soledad was my girlfriend."

"Hindi mo alam?"

"No. Not until she mentioned it to me. Ang alam ko kasi ay si Gabriel Soledad ang girlfriend ko. Malay ko bang dalawa pala ang pangalan niya. At hindi rin sumagi sa isip ko ang connection sa mga pangalang ginamit niya noon at ginagamit ngayon."

"So ibig sabihin, si Reian lang ang may alam na asawa ka niya?"

"Hindi rin. Reian does not know na si Trek Villaraza at si Patrick Andrada ay iisa. Kanina rin lang niya nalaman. Remember I did not change my surname until I finished my masters. Ang nanay ko kasi magpapakasal din naman pala sa tatay ko pinatagal pa hanggang sa mag-college ako. Kaya ayun tuloy naging hassle na para sa akin noon ang pagpapalit ng pangalan at isa pa, tinatamad akong pumaroo't pumarito para lamang ayusin ang legality ko bilang isang Villaraza." Paliwanag ni Trek.

The Endless Promise (Amazon Solace Book 3 of 3) - Published 2012 under MSVOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz