Chapter 1

526 29 1
                                    

Anika's pov

"Anika! Dalawang buwan ka ng hindi nakakabayad! May balak ka pa bang mag bayad!?" imis na sabi sakin ni Aling Sonya

"Ang sabi ko po mamayang gabi po ako magbabayad kasi po sahod ko, promise po, ako po mismo kakatok diyan sa kwarto niyo para magbayad" sagot ko

"Oh sige hihintayin ko yan ah!" sabi nito saka tumalikod at umalis, saka ko siya binelatan.

Kainis! Umagang umaga naniningil! Parang nakapakaganda naman ng apartment niya e ang dami namang ipis!. Pero buti nalang at nagising niya ako, tanghali narin kasi.

Pag katapos ng usapan namin ay isinara ko ang pinto saka naligo dahil ayokong malate sa school, baka mabilad na naman ako sa araw.

Hirap na hirap kong sinuklay ang buhok ko dahil naubusan ako ng shampoo, buti nalang talaga at sahod ko mamaya. Working student ako, pag katapos ng klase ay diretso ako sa coffee shop ng tita ko. Medyo nakakapagod lang kasi sa umaga istudyante ako at sa gabi naman ay empleyado, pero ayos lang naman saakin, ang iniisip ko nalanh ay parusa ko na 'to.

I'm Anika Turalba, 17 years old and I'm grade 12 student. Abm ang strand ko, hindi ako magaling sa math kundi gusto ko lang yung strand na yun. Nag aaral ako sa Saint Anthony Academy, isang private school, yun lang kasi ang school na malapiy sa tinitirhan ko kaya no choice akom

Patakbo akong pumunta sa gate ng school ngumit huli na ang lahat. Humarang si Mr. Nam sa harap ko habang malawak ang ngiti kaya bumagsak ang dalawang balikat ko.

"Aba! Bwena mano ka hija ah! First day of school pero late ka? Napaka husay!" nakangiting sabi nito, ka vibes ko 'to e.

"Talaga Mr. Nam? Ang galing apir tayo diyan!" nakangiting sabi ko at nag apir kami saka sumeryosi ang muka niya.

"Pwesto!" sigaw nito at tinuro ang isang bakante.

Sumunod naman ako, tinaas ko ang bag ko at tumayo lang. Ito ang parusa sa mga late, 10 minutes ito kaya mabababad ka talaga sa init. Istrikto kasi ang eskwelahan na ito dapat before 20 minutes na mag uumpisa ang klase dapat nasa loob ka na ng campus dahil kung hindi, may parusang nakaabang sayo, diba napaka istrikto.

"Second runner up ka lang ngayon Mr. Arevalo!" rinig kong sabi ni Mr. Nam kaya napabuntong hininga ako at naramdaman kong tumabi saakin yung tinutukoy na second runner up.

"Hahaha" tawa nito ngunit hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko ang ulo ko "Hoy gurang"

Kung minamalas ka nga naman!'

"Gurang anong section mo ah?" tanong niya

"Abm b" walang gana kong sagot

"Uy tanga classmate tayo"

Natanga pa ako ng hinayupak.

"Hoy ba't di ka sumasagot ah! Matapang ka na!?"

Luh? Kitams! Kung ano ano iniisip.

"Kayong dalawa! Pwede na kayong pumasok!" sabi ni Mr. Nam at binaba ko ang kamay ko saka sinuot ang bag.

SABAY TAKBO NANG MABILIS!.

Baka kung ano pang gawin sa 'kin ng alien na yun!.


Siya si Prince Lucas Arevalo ang isang malaking BWISET sa buhay ko!. My one and only enemy!.

NAG SIMULA YAN LAST YEAR.


Ganito yan!.

Kaibigan ko kasi ang ex gf niya, nag break sila dahil sakin o dahil narin kay Prince bwiset na yan!. Nahuli ko siyang nakikipag halikan sa ibang babae at sinumbong ko yun sa kaibigan ko, kaya sila nag hiwalay. Nalaman ni Prince na ako ang nag sumbong dahil binuking ako ng kaibigan ko. Diba hanep! Nag malasakit na nga ako e binuking pa.

My Sweetest RevengeWhere stories live. Discover now