Be careful what you wish for

1.1K 23 2
                                    

"Isa...dalawa..tat' .. ahhhhhh.."Patalon na sana ako sa ikatlong bilang ko ng may biglang humila sa braso ko papalayo sa Gilid ng Rooftop.

Sa pag kakahigit niya sa akin ay napahandusay ako sa sahig at muli akong Humagugol ng malakas na pag iyak.

Natigilan lamang ako ng narinig kong nag salita ang taong sumagip sa akin sa bingit ng kamatayan.

"Miss nasisiraan kanaba ng bait ? Hindi solusiyon ang pagpapakamatay sa problema mo sa boyfriend mo at sa bestfriend mo"pag wika niya sa akin na medyo nakakatakot pakinggan dahil may kalakihan ang boses nito.

"Paano mo naman nalaman ang problema ko sino kaba? Walang nakakaalam ng problema ko kundi ako lang" pag wika ko sa kanya ng medyo may kataasan din ang tinig.

"Hindi na mahalaga kung sino ako ? Isa akong kaibigan, wag kang mag alala tutulungan kita Dahil Narinig ko ang isinigaw mo sa hangin kanina bago ang pag tatangka mong pagtalon"sagot niyang muli sa akin.

Mas Lalong hindi ko na sinubukan na lumingon upang alamin sana kung sino siya dahil nakaramdam ako ng hiya sa buong eksena ko kanina na nasaksihan niya.

"Sabi ko lang iyon dala ng sama ng loob, hindi ako mamatay tao." Pag tugon ko sa kanya.

"Hahahahahahahahahahah!!!!!!!!"pag tawa niyang sagot sa akin, na nakakatakot pakinggan dahil sa bukod na nag eecho ito ay may sumasabay pang mga ibang boses na nakakatakot din kaya blending ang dating nito.

Muli itong nagsalita na parang may bubble gum sa bibig. 'Walang imposible na mag katotoo ang hangarin mo sa buhay kung gugustuhin mo ito at kung ito rin ang nais ng Puso't isipan mo."

"Hahahahahahahahahah!!!!!!!" Tumawa ulit ito ng mas malakas at mas nakakatakot at kasabay nito ang biglang pag Kulog at pagkidlat ng malakas sabay ang pag buhos nadin ng ulan.

Sa pag tayo ko at pag lingon sa kina tatayuan ng kausap kong parang Demonyo kanina lang, laking pag tataka ko na wala na ito. Hinanap ko siya sa mga sulok ng rooftop ngunit wala siya rito.

Nang tignan ko rin ang pintuan palabas ng Rooftop ay nakita ko na nakalock ito, dahil nilock ko ito kanina.

"Nasaan na siya biglang nawala ? at di ko manlang narinig na binuksan niya ang bakal na pinto ng rooftop"

Bumaba na ako kaagad, dahil nakaramdam ako ng Kilabot naisip ko na baka multo ang kausap ko kanina.

Nasa parking lot na ako ng makita ko na naandoon pa din ang kotse ni Larry.

Dalawang oras na kasi ang nakakalipas ng makita ko sila kanina sa loob ng Bestfriend Ko na may hindi ginagawang maganda, kaya na papunta ako sa rooftop ng building para doon mag labas ng sama ng loob hanggang sa maisipan kong mag pakamatay.

Nasa likod ako ng kotse ni Larry, nang matanaw ko sila sa loob ni Kia na bestfriend ko at nakapatong pa ang ulo nito sa balikat ng boyfriend ko.

"Mga Manloloko !!!!" Pag sigaw ko sa tindi ng galit ko lumakad na ako habang papalapit sa harapan ng Kotse at para sorpresahin din sila.

"Ahhhhhhh!!!!!! Ahhhhhhhhh!!!!!! Ahhhhh"

Nagulantang ako sa nakita ko sa loob ng kotse ni Larry, dahik imbis na ma sosorpresa ko sila, sila ang sumorpresa sa akin.

wala akong na sambit kundi ang sumigaw dahil Sa nakita ko na tadtad sila ng saksak sa dibdib at halos naging kulay pula na ang damit nila sa pag daloy ng dugo nila sa katawan dahil sa dami ng saksak.

Napa atras ako at napaupo sa pag ka gulat,ngunit mas lalo akong nagulat ng tignan ko din ang aking damit na puno rin ng talsik ng Dugo at namataan ko na may hawak na din akong kutsilyo na naging kulay pula na din dahil sa dami ng dugo na pumapalibot dito .

""Ahhhhh..!!!!! Ahhhh!!! ano bang nangyayari sa akin, hindi ako mamatay tao !!..

Tulungan ninYo ako "pag sisigaw ko habang humihingi ng tulong. At kasabay no'n ay agad na may nag salitang pamilyar na boses sa likuran ko.

"Tulad ng sinabi ko sayo Rita, Walang imposible na mag katotoo ang hangarin mo sa buhay kung gugustuhin mo ito at kung ito rin ang nais ng Puso't isipan mo."

"Biro ko lamang iyon na papatayin ko sila,hindi ako mamatay tao , hindi ko kayang gawin ito inosente ako." Nanginginig kong pag tugon sa kanya at sabay na nilingon ko agad ito.

Sa pag harap ko sa kanya ay hindi ko inaasahan ang makikita ko, muling napasigaw ako sa Itsura ng kausap ko.....





Thanks for reading and please don't forget to Vote it. ^_^
at pag may mga katanungan kayo and concerns etc..
about sa Story just leave a comment.
Thank you..

NAKAKAKILABOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon