Cook

950 24 6
                                    

Gutom na gutom akong umuwi ng bahay galing sa maghapong praktis sa school.

"Sana may miryenda na sa bahay.badtrip kasi ang wallet ko na iwan ko pa kaninang umaga sa bahay. pamasahe lang Tuloy ang dala ko mabuti nalang at halfday kami at sana may hain na miryenda si nanay sa bahay."

Nasa bakuran na ako ng maamoy ko ang napakabangong amoy ng isang ulam na ng gagaling sa kusina.

"Laking tuwa ko na nagluluto si Nanay at makakain na din ako"

Excited akong pumasok ng bahay at nakita ko nga si Nanay sa Kusina nag luluto At abalang abala ito.

may mga nakahain na din sa mesa na ibat-ibang mga putahe na akala mo ay fiesta.

"Nay!! Nandito na po ako, ano po ang okasiyon?" pagbati ko sa kanya at pag tanong ngunit hindi niya ako nilingon. Siguro ay hindi niya ako narinig .

Kaya Naisip kong lapitan nalamang siya at sabay mag mano.

Habang papalapit na ako ay may tumawag naman sa akin na nang gagaling sa Hagdan.

"oh !Kervy, ikaw lang pala ang maingay dito sa kusina, na pababa ako dahil akala ko may daga dahil nag sisipag tunugan ang mga kaldero" nagulat ako ng nakita kong galing si Nanay sa Hagdan. Dahil pag pasok ko ay nakita ko siyang abala sa pag luluto.

"Naguguluhan ako di kaya na malik mata lang ako. " sabi ko sa aking isip.

Nakatulala padin ako habang nakatayo sa kusina dahil nang tignan ko ang nagluluto ay wala na ito pati na ang mga pagkaing kanina ay nakahain ay wala na ito at malinis na ulit ang mesa.

"Hoy!! Kervy, may problema ba? Namumutla ka ? " nagising ako sa ulirat ng hawakan ni Nanat ang leeg ko sa pag aakala niyang may lagnat ako.

Doon lamang ako nakaramdam ng matinding takot dahil unang beses sa buhay ko mangyari iyon, malinaw na malinaw sa akin ang pangyayari kanina at hindi iyon dala ng kagutuman ko.

Kamakailan lang ay sinubukan namin ni Nanay na Tumawag ng espiritista dahil sa madalas na kaming biruin ng Multo rito sa bahay.

Base sabi ng esperitista ay isa raw iyong Engkantong kasama namin na nakatira sa bahay na mahilig daw mag luto.

Mabait naman raw ito at hiyaan nalang daw namin dahil wala naman daw siyang intensiyong masama. Kaya't mapahanggang ngayon ay kasama padin namin siya sa bahay at kung minsan ay nagugalat kami dahil bigla nalamang may maririnig kaming ingay sa kusina na parang may Nagluluto.

NAKAKAKILABOTDove le storie prendono vita. Scoprilo ora