28

142 4 0
                                    

Josh's POV. 

Habang nakatalikod si Ms.Hong pumasok ako dahan dahan sa pinto. hindi niya naman nahalata pero yung mga ka grupo ko nanahimik naman hindi naman sila nag ingay. agad akong tumakbo at tumayo sa harap ni Ken. Simula na nang warm up. 

''San ka ba kasi galing?'' tanong sa akin ni Sejun habang nag wawarm up kami. hindi pa pala nagsisimula ang practice, sakto pala ang dating ko. Hindi ko sinagot si Sejun, nginitian ko lang siya. 

''Okay Let's Start'' hudyat na sinabi ni Teacher. 

After namin mag warm up. Tinanong kami nang teacher namin kung ano ba ang gusto naming iperform sa variety show na yun. 

''Go Up and Love Goes? what do you think'' suggestion ni Stell. Lagi akong sumisilip sa labas nang studio kasi katapat lang nun is yung desk ni Y/N. ang ganda niya talaga. 

''Earth to Josh. Are you with us?'' pang aasar ni Justin sa akin at pinitik yung noo ko. masakit yun ah!

''Aray ko naman!'' reklamo ko sa kanya. Ang sakit mamitik. pasalamat siya nasa mood ako  kundi yare to sa akin 

''Focus kasi.'' sabi niya. ''Baka naman matunaw si Y/N niyan.'' bulong pa niya. Kada binabangit nila yung pangalan niya napapangiti nalang ako eh. wala akong pinagsisihan sa mga pinag gagawa ko ngayon

Habang tinitignan ko ulit siya, Kinakain niya yung chocolate na binigay ko sa kanya. Buti nalang nailusot niya yung kanina. Gusto ko talaga siya tulungan pero baka kasi mahalata nang ka grupo ko. pero hindi pa ba halata? eh halos nakikita nila na kami magkasama. ang manhid naman. 

After practice  namin. Nagugutom na ako, wala bang libre dyan. 

''Oy Jah, Wala bang libre dyan? nagugutom na ako'' parinig nI Ken kay Jah. Nice mukang samgyup to.

''Hanep kayo, Pasalamat kayo malakas kayo sa akin'' sagot ni Jah kay Ken. Sasama kaya si Y/N? malamang baka oo. 

''Tawagin niyo na si Y/N. magpaalam lang tayo kay Teacher, kasi para aware na kakain tayo. or pwede naman mag pa deliver nalang.'' sunod na sinabi pa ni Jah

Sila nag uusap usap kung saan kakain, ako naman nasa may upuan, naka-upo. Nakakatamad din kasi tumayo. Sinisilip silip ko din si Y/N. busy siya sa work niya. Baka kumukuha nang mga schedules namin for this month. Pa busy na kami nang pa busy kasi naman marami na din ang guestings namin. Magpadeliver kaya akong milktea? Tapos sa pangalan niya. Di naman siguro mahahalata yun. Honestly hindi ko alam kung paano manligaw, Napasubo ako dito. Challenging! pero kaya ko naman! 

''Si Josh ata ayaw kumain.'' parinig ni Stell, kaya napatayo ako. Anong ayaw kumain, kanina pa nga ako nagugutom. Gusto ko na talagang kumain. 

''Oy! Present ako! Ano ba kakainin? Pizza?'' sabi ko pa. At inayos yung tayo ko sa harap nila, 

''Busy kase. Alam mo na,'' parinig naman ni Sejun at tinignan si Y/N na nagtratrabaho sa labas nang studio. Kasi yung studio namin, kita yung office sa labas, so parang glass studio. buti nalang nakapasok ako nang SB19. kasi kung hindi baka hindi ko din siya nakilala. 

''Oy anong busy. Nagugutom na ako. Tara na ba'' sagot ko pa. 

''O tignan niyo nalutang na. Sabi natin papadeliver, siya gusto umalis.'' sabi pa ni Stell. Halatang nang-aasar pa. Akala ko naman kasi lalabas, hindi naman pala. 

''Pwede naman, mag isa kang kumain sa labas, Kami dito libre ni Jah'' sabi ni Sejun. aba nagtandem pa ang dalawa. sige lang pagtripan niyo lang ako. Buti nalang good mood ako. sino ba kasing hindi magogood mood kung nasa harap mo lang yung babaeng gusto mo. Sige lang pag tripan lang nila ako 

''Busog na ata sa tingin. Matutunaw na si Y/n eh.'' bulong ni Jah. Katabi ko lang si Jah kaya kaagad ko naman siyang kinurot. napaka-ingay naman nito. Buti nalang hindi pa nila alam na meron. Merong something, tago nga lang.

Hindi pa ako ready na sabihin sa mga ka grupo ko na nililigawan ko na si Y/N kasi naman, ang hirap umamin, best spoilers pa naman tong mga to. Hindi mapigilan ang bunganga.

''Ako na nga oorder. Saan ba?'' pag iiba ko nang usapan 

''Tawagin mo nalang si Y/n tska iba pang staffs. Tapos kunin natin yung malaking table, Order nalang ako sa Shakeys'' sabi ni Jah at lumabas na nang studio para umorder nang makakain. Ako naman, syempre kasama si Y/N sa utos ni Jah edi lumabas na ako para tawagin ang staffs, pero inuna ko yung ibang staff para hindi mahalata. 

Paglabas ko nang dance studio, Nakasalubong ko si Sir. Robin. 

''annyeonghaseyo seonsaengnim'' bati ko sa kanya. Nginitian niya naman ako. 

''Where are you going?'' tanong sa akin ni Sir. 

''I'm going to call the staffs, Because Justin, treat us foods.'' sabi ko pa sa kanya.  At pumunta naman siya sa office niya. Natawag ko na lahat nang staffs, Lastly si Y/n na. 


Nakita ko siya na kumukuha nang tubig sa may dispenser. 

''Y/N. nanlibre si Justin, Punta daw sa studio, sabay sabay kakain'' sabi ko sa kanya. 

''Sige, Sunod ako'' sabi niya, Wala naman sigurong nakakakita, pwede ko naman sigurong hawakan yung kamay niya? Nagulat siya nang bigla ko siyang hilahin pabalik sa pwesto niya. ''Ano ba. Baka may makakita.'' sabi niya at lumingalinga.

''Sa tingin mo ba, hahatakin kita nang may nakatingin?'' sagot ko sa kanya at nginitian. shit. bakit ang cute niyang magulat? 

''W--Wala ba? Bitaw na,'' pagpupumilit niya pa. Alam ko namang nahihiya siya, pero sa bagay. trabaho nga naman ang nakasalalay dito.

''Wala.'' sabi ko. 

''Baka hanapin pa tayo dun, tara na. tama na harot.'' sabi niya. Aba marunong din palang bumanat ang babaeng to. 

''tsk,'' sabi ko at binitawan na yung kamay niya. ''Sige na una ka  na, para di mahalata.'' sabi niya at nakita ko naman na kahit patago, ngumiti naman siya. Ang cute mo talaga Y/N. 

.....

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊


My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Where stories live. Discover now