29

116 4 0
                                    

Y/N's POV

Tumayo ako sa may desk ko para kumuha nang tubig, nagulat nalang ako nang biglang sumulpot sa harap ko si Josh. Shit, paano kung may makakita? ayaw kong mawalan nang trabaho. bakit ko ba kasi siya pinayagan.

Y/N. nanlibre si Justin, Punta daw sa studio, sabay sabay kakain'' sabi niya 

''Sige, Sunod ako'' sabi ko, nagulat nalang ako nang bigla niya akong hatakin papalapit sa kanya, hindi naman ako makasigaw kasi baka yun pa ang cause nang chismisan sa kompanyan to. Lalo na kapag nalaman ni Teacher Hong. Patay ako. Bakit ba kasi pumayag ako? Loka loka ka talaga Y/N. ''Ano ba. Baka may makakita.'' sita ko pa sa kanya. Kasi naman baka may makakita,yare talaga ako nito

''Sa tingin mo ba, hahatakin kita nang may nakatingin?'' sabi niya pa. Bigla bigla na lang kasing nanghahatak, Literal eh, magugulat ka talaga. 

''W--Wala ba? Bitaw na,'' sita ko pa sa kanya. Hirap naman kasi sitahin nang lalaking to. Nagagawa niya lahat nang nagagawa niya eh, sinusunod lang nang kaluluwa ko. Feeling ko wala na akong naririnig, yung kabog nalang nang puso ko. sa puntong to, iniisip ko kung normal pa ba ako 

''Wala.'' sabi niya pa. Aba halatang proud pa siya sa ginagawa niya, Well ano bang aasahan, Si Josh, ay ang pinaka straightforward. 

''Baka hanapin pa tayo dun, tara na. tama na harot.'' Sagot ko sa kanya. Akala niya siya lang marunong bumanat ah, Handa ako kahit kabado ako. 

''tsk,'' napahinga siyang malalim. ''Sige na una ka na, para di mahalata.'' sabi niya pa. mauna na nga ako, pagkatalikod ko, pinakinggan ko yung puso ko. grabe talaga walang tigil, Kabog nang kabog, Wala manlang pahinga. Bwisit ka Josh. 


Nakarating na ako sa studio, at nakita ko naman si Ken na lumapit sa akin. 

''Nasaan si Josh?'' tanong niya at umupo kaming parehas sa may upuan,

''Ewan ko, sabi niya mauna na daw ako para--'' naputol ko yung sasabihin ko, shit. muntik pa akong madulas. walangya ka talaga Y/N hindi ka nag-iiisip. Madaldal pa naman si Ken. 

''Para ano?'' tanong niya pa. Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Jah kasi kukunin niya yung order. Buti nalang, sana nakalimutan niya yung itatanong niya. Sana talaga. 

''Ayan na!'' sigaw naman ni Josh nang makapasok sa studio. 

''Tagal mo. Buti nalang hindi ka naubusan.'' sabi ni Ken nang makatayo sa kinauupuan niya, \

''Yun o Chicken.'' Naeexcite na tono ni Ken. oo nga naman. fav niya is Chicken

Nilapitan ako ni Justn at binigyan ako nang isang slice nang pizza. Hindi pa kasi ako gutom, kaya ayun, nakaupo lang ako dito. Hindi din ako tinatamad, sadyang hindi lang ako gutom. 

''O ito na.'' sabi ni Jah at binigyan ako nang pizza. Umupo na din siya sa tabi ko. ''Akala niyo ba hindi ko kayo nahahalata?'' bulong pa niya. May idea na ba yung mga ka grupo niya? Shit. mukang delikado ako. 

''H--Ha? Sinasabi mo dyan'' utal utal kong sagot ko sa kanya. pinapakaba ako nang mga to. 

''Kayo. Kayo ni Josh'' sabi pa niya. May idea na talaga siya?! Josh naman eh! Nahahalata na kaya?! 

''Anong kami?'' hindi ko na talaga alam kung anong isasagot ko. Bigla namang lumapit si Josh at umupo sa tabi ko. Oy Josh ikaw may pakana nito, Pakilusot nga juskoooo ako ang mapapahamak eh 

''Uy Josh, Sarap ba nang libre?'' pang aasar ni Jah kay Josh. Ayan nailihis na yung topic. ''Btw, Ang cute niyo. Kahit hindi niyo sabihin sa amin, Halata ko na din naman na,'' sabi niya pa at umalis na. 

''Tara dito.'' aya sa akin ni Josh sa kabilang sofa, Tapos may parang balabal doon. Inilagay niys sa kanya at bigla niya akong pinatabi sa kanya, Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan yung kamay ko. Ang lamig na nang kamay ko , ''Tagal ko nang gustong hawakan yung kamay mo, Sadyang natatakot ka lang kasi baka mahuli tayo'' sabi niya pa. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kung tama or mali. Pero mali ba ang magmahal? Mali ba na nakaramdam ka sa taong to, kahit na may consequences na kasama. 

''Baliw ka talaga. Talagang nakagawa ka pa nang paraan, para lang mahawakan mo yung kamay ko.'' pang-aasar ko pa sa kanya. Gusto ko diskarte nito ah, kahit hindi pa kami, nagawa nang hawakan kamay ko. Hindi naman ako makaalma kasi naman gusto ko din siya. 

''Josh!'' tinawag siya ni Stell kaya agad naman siyang napabitaw. Ako naman tong binawi yung kamay ko, at unti-unti kong pinapakalma yung sarili ko. Talaga bang hinawakan niya yung kamay ko? Talaga bang gusto niya ako? O baka naman pinagtritripan lang ako. Rupok ko din naman kasi. Josh Cullen na to oh. tapos tatangi. Haynako Y/N! 

''Y/n! tara dito. Picture daw sabi ni Teacher Hong.'' sabi ni Justin, at agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at naghanap nang pwesto, Eh magkasing height lang naman kami ni Josh so dito nalang ako sa gilid. isa lang naman akong personal assistant, so kahit na wala akong masyadong exposure sa cam, 

Nang papalapit na ako, bigla ba namang may humapit sa bewang ko. Kilala ko na talaga kung sino. Kutos to sa akin mamaya, Kapag may nakakita sa kanya, yare kaming dalawa. 

''Josh, Ano ba. Kulit nang kamay mo ah, puputulin ko yan'' bulong na sita ko sa kanya, Partida, wala pang kami. pero grabe, Hindi na ata ako talaga normal. 

''Di naman kita.'' bulong niya. Hindi ko na napigilan sarili ko, Kinurot ko siya, at napareklamo naman siya, pero hindi ganun kaingay. kasi alam niya na kapag nag ingay siya. Siya din naman ang mayayare.  ''Aray ko naman, Sabi ko nga eh aalisin na,'' sabi pa niya at inalis naman niya.

''Smile!'' sabi ni Ate Rappl nang matapos yung pag set-up siya sa camera. 5..4....3..2..1 Click. 

''Tapos ang caption. Libre ni Justin'' sabi ni Josh.

''Aba dapat lang. Ang sarap nang pagkain, dahil libre.'' sabi pa ni Justin

''Balik na ako sa work station ko. May aayusin pa akong sched.'' paalam ko sa kanila at agad naman akong nginitian ni Ate Rappl. 

Lumabas na ako nang studio, at nahahalata ko naman na kanina pa nakasunod nang tingin sa akin ang lalaking to. Hindi ba siya nagsasawa na titigan ako? Para siyang baliw.


.......

Hello! For those who are reading my stories. Don't forget to vote and leave a comment for the engagement of this story!

Enjoy Reading😊

My Charismatic Love ✔ [SB19 JOSH]Where stories live. Discover now