CHAPTER 1

184 83 226
                                    

“Hai, Kaye. How’s school? Natapos na ba ang pinaghandaan mong reporting kahapon? Naepresenta mo, na ba? Napagod ka ba?”

Naitaas ko ang aking kilay sa naging bungad ni Rhianna sa akin. Nakaupo ito sa nakaparadang upuan sa harapan nang school. Daan patungo sa parking lot nitong school. Wow, nanay? I rolled my eyes and stared at her face. “Oo. Natapos ko ng e-presenta kanina. Pagod ako, Rhianna. Hindi naman iyon bago sa ating magpipiloto. Saka may paghahandaan na naman akong bagong reporting mamaya, para bukas. Teka... may binabalak ka, ano?”

Nakita kong kumunot ang noo niya ng bahagya, pagkatapos ay mabilisang umirap sa akin. “Parang kinakamusta ka lang, may balak na kaagad? Hindi ka na ba pwedeng kamustahin ngayon? Ano ka, celebrity? Anak ng Mafia boss? Anak ng presidente?”

Hinimas ko ang panga ko at mariin siyang tinitigan. “Oh, come on Rhianna! I knew you well. From your favorite color, down to your favorite brand of panties. Now, what’s with that look?” tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa mukha niyang nakasimangot na ngayon. Mukhang kriminal na natokhang.

“Let’s hang out, Kaye. Alam muna... stress. Medyo nagkabuhol-buhol utak ko sa maraming gawain. May paghahandaan pa akong presentation for tomorrow. And then, the next day, reporting naman. Saka, mag-aadvance study pa ako sa bagong formula sa math, Kaye. Litseng formula na iyan. Senestress ako. Idedemanda ko talaga ang taong nagpasimuno nang mathematics at formula na iyan! Gusto ko lang naman mag-aral at makapagtapos. Pagkatapos ay makapagmaneho nang eroplano. And then, maghabol at sakyan ang gwapong pilotong matipuhan ko. Kung hindi naman papalarin sa mga lalaking piloto, mag-aasawa nalang ako ng amerikano dahil malalaki raw ang hotdog nila. Hindi naman iyon bago. Pagkatapos magkaka-anak ng sampo. Char! Gusto ko lang palang mag unwind. Graduating pa nga.” lihim akong napairap sa kaniyang sinabi. Nagdadrama siya ngayon sa harapan ko. Ang haba-haba ng kaniyang paliwanag sa inuman lang rin pala ang bagsak.

“Seriously? Tonight? Like, what I’ve said earlier, Rhianna. May paghahandaan pa akong reporting mamaya. At ikaw rin, ‛di ba? May reporting pang paghahandaan? And besides, kakainom lang natin last day, ah! Noong sunday. My god, Rhianna. Ako ang nasesestress sa iyo e!” taas kilay kong sabi sa kaniya. Ngumuso lang siya sa harapan ko na parang bata. Mamaya magdadabog na iyan at sisinghalan ako panigurado.

“Sige na, Kaye, please. Stress ako ngayon. Hindi pa ako pinapansin ng crush ko. Kahit anong kabebehan na ang ginawa ko. Ginaya ko pa si Maine Mendoza sa famous dub-smash niya pero walang effect, Kaye. Maganda naman ako, ah. Saka cute. Kahit pa siguro mag-tiktok ako o magbudots sa harapan o hindi kaya’y maghubad ay hindi niya ako papansinin. Kaya mas lalong dumoble ang stress ko!” simangot na mukha ang kaniyang pinakita sa akin. I shake my head twice. Crush, daw. Lilipas rin iyan.

“You really look like a kid when you’re inviting me to hang out, Rhianna. Scared for not saying, yes?” she pouted her lips even more. I sighed and just agreed on her. Well... I need to chill too.

She’s Rhianna. Kaibigan kong mag-pipiloto rin. We’re same school. But definitely not same section. Magkatabi lang din ang classroom namin. Pero may mga times na maaga silang umuuwi kaysa sa amin. Kagaya nalang ngayon. By the way! On-time lang ang pag-aaya ni Rhianna dahil kakatapos lang nang last subject ko, which is mathematics. Yeah! It’s really stressful but of course para sa future kakayanin. Fighter yata ito. Kaya kung ipaglaban ang pag-ibig mong binitawan! Lol.

“Ete-text ko ang squad. Saan mo gustong uminom? Sa highland bar? Private bar? Or ordinary bar? O gusto mong doon nalang din sa bar kung saan tayo nagkalat noong sunday?” pagtatanong ko sa kaniya. Lumiko kami sa pasilyo, papuntang parking lot na daan.

“Ew! Ayaw ko na kayang bumalik roon, Kaye. Nandidiri ako sa bar na iyon. At yuck! Hindi parin maalis sa isipan ko iyong lalaking umakbay sa akin na amoy putok. Like, dzuh! Pwede naman siguro silang bumili nang deodorant, ah! Diyos ko! Huwag mo na iyang ipaalala sa akin, Kaye. Nasusuka ako... Sa Highland bar tayo. Gusto ko ang mamahaling alak doon. Nakakawala nang stress. At saka maraming mga Fafa doon, Kaye. God!” muntik na akong mapairap sa kaniyang isinaad. Mabuti nalang at gusto ko rin ng pogi.

Je't aime, My Captain (Pilot Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon