CHAPTER 11

24 11 5
                                    

“I’m tired, Heart. Upo muna tayo!”



Naglilibot kami ngayon ni Heart sa hospital. Para lang kaming nagshashopping. Ginawang mall ang hospital.



Umupo kami sa nakaparadang upuan sa hallway. Nakakapagod maglibot. Kanina pa namin binabaybay ang hallway. Wala kaming nastiyambahan na gwapo.



“Balik na tayo sa room ni Rhianna, Heart. Wala naman tayong napapala sa paglilibot na ito e. Napapagod lang tayo. Saka natutuyo na pawis sa likod ko.” Panay ang hawak ko sa likuran ko dahil napansin kong natutuyo na ang pawis rito.



“Kunting tiis nalang, Kaye. May gusto lang akong makita ulit.” Palinga-linga pa siya na parang may hinahanap talaga.



“Ewan ko sa iyo, Heart. Gusto mo lang makita ulit iyong crush mong doctor e. Nagdadahilan ka pa.” Pang-aasar ko sa kaniya.



Naiinis naman siyang tumingin sa akin. “Hindi ko na iyon crush ‛nu. Mukhang may gusto naman na iba.” Nakabusangot ang mukha niya habang nakatingin sa mukha ko.



Napatawa nalang ako sa aking isipan. “Ano, give up ka nalang? Malay mo naman kaibigan niya lang iyon.”



Nagreact naman kaagad siya sa sinabi ko. “Kaibigan? May kaibigan bang hinahatid sa room ng pasyente niya. Sa pagkakaalam ko surgeon doctor si Zyed at hindi doctor sa mga sira-sirang boto, Kaye.” Sinamaan niya ako ng tingin.



“Okay fine. Easy haha. Galit ka naman agad e. Saka mas maganda ka naman doon sa babae. Wala iyong binatbat sa kagandahan mo. Kaya cheer up. Gusto mo bang tulungan kita kung paano malandi iyong crush mo?” Pang-aalok ko sa kaniya.



Alok alok pa ako. Hindi rin naman ako marunong lumandi.



“Sigurado ka?” May determinidad sa boses niya.



Tumango naman ako. “Kailan ba ako hindi naging sure?”



“Ganito iyan, Heart. Una, Hanapin muna natin iyong crush mo.” Pagsisimula ko.



Napadpad kami sa enrance nitong hospital at nakita roon ang crush ni Heart o mas kilala bilang Zyed. May kausap itong puro mga lalaking doctor. Nasa front desk silang lahat. Masayang nag-uusap. Ka batch niya lahat ang mga doctor. Kaya masasabi kona puro mga gwapo ito. Dagdagan mopa na nakasuot sila ng puting uniform nila na mas lalong nagpapatingkad ng kanilang kagwapuhan.



“Pangalawa, lumapit ka doon at magpapansin.” Binatokan naman ni Heart ang ulo ko.



“Ano ba iyan, Kaye. Nakakahiyang magpapansin. Napakaraming lalaking doctor oh!” Angil niya sa akin.



I cross my arms. Inirapan ko siya. “Boba! Mas mabuti nga iyon para mabilis ka mapansin ng crush mo.”



Para naman nagspark ang mata ni Heart sa naging saad ko. Niyuyogyog niya ang balikat ko.



“Gosh, you’re the best, Kaye. You’re so brilliant.”



Inirapan ko lang siya. Hindi namin namalayan na papalapit na pala kami doon sa front desk. Napalingon sa amin ang mga lalaking doctor. Pati narin iyong crush ni Heart.



“Kanina kopa kayo nakikita na naglilibot dito sa hospital. May hinahanap ba kayo?” Pagtatanong nung isang doctor. Tiningnan ko ang name plate nito at nakalagay doon ay Dr. Tilapio.



Humalakhak ako ng mabasa ko ang apelyedo nito. Napunta sa akin ang atensiyon ng lahat. Parang naglesser naman ang mata ni Heart sa akin. Nakikita kung nagtatanong ang mga mata niya kung bakit natatawa ako. No offense ah. Naisip ko lang kasi kaagad ang isda na tilapia. Kaya natawa ako.



Je't aime, My Captain (Pilot Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon