Kabanata 35

1.8K 53 0
                                    

BeautifulDomination S1

Naalimpungatan ako dahil naging masikip ang aking kama. Hindi naman ito tulad ng mga nakaraang araw sa tuwing ako ay magigising. Mukhang ngayong araw lang ito naging masikip.

Iniunat ko ang aking mga braso habang nakapikit pero hindi ko magawang nakaunat ng maayos dahil may nakakapit sa katawan ko.

I slowly opened my eyes and I saw Matheus looking at me intently while hugging my body. Mabilis akong umupo sa kama at inayos ang paniguradong magulo kong buhok.

"Anong ginawa mo dito? Paano ka nakapasok?" gamit ang boses ko tuwing umaga.

"Dumaan ako sa pinto." simpleng sagot niya.

"Kanina ka pa ba?" at akmang tatayo ako pero mabilis niya akong napigilan. Nakahiga siya sa kama ko habang nakatukod ang kanyang siko sa kanyang ulo at ginawang unan ang palad.

"10 minutes na ata."

"Ganun katagal? Sana ginising mo man lang ako." pero imbes na sumagot siya ay umiling–iling lang ito.

"Sino nagpapasok sayo dito?"

"Kapatid mo. Sinabi niyang natutulog ka pa daw tapos pinasok na lang niya ako dito sa kwarto mo para antayin kang gumising." at iginalaw galaw pa niya ang labi niya.

"Bakit ang aga mo?" this time ay hindi na niya ako napigilang tumayo. Pinusod ko ang aking buhok at pumasok sa banyo para magsipilyo ng hindi isinasara ang pintuan.

"Ayokong maabutan ng heavy traffic." at nakita ko siyang umupo at harap sa pintuan ng banyo.

"Nakita kana ba ni Papa?" tanong ko habang nagsisipilyo.

"Yup. When I parked my car I immediately saw him outside together with your Mom."

"Anong sinabi mo?"

"Wala. They asked my name and for whom I looking for. Mabuti na lang at dumating ang kapatid mo kaya kaagad akong nakapasok sa bahay niyo." pagsasalaysay niya.

"Sinabi ko naman kasi sayong wala kang dapat na–ikatakot kay Papa. Sa gwapo mong  'yan may kinakatakutan ka pa pala." at lumabas na ako ng banyo dahil tapos na akong magsipilyo.

Habang naka–upo siya ay ibinigay niya ang kanyang mga kamay sa akin. Lumapit naman ako sa kanyan at kaagad niya akong niyakap. Umupo ako sa hita niya.

"Gwapo ako!? Syempre alam ko 'yun kaya nga nagkagusto ka sa akin." at tumingin siya sa labi ko.

I licked my lower lip and he suddenly kiss me. Hindi naman ako umangal pa. Tinanggap ko ang mainit niyang halik. Binuhat pa niya ako at inihiga sa kama. Matagal kaming nagpalitan ng halik at kung paminsan minsan ay hinihimas pa ni Matheus ang aking dibdib bago tuluyan kaming napatigil dahil sa katok na nangagaling sa pinto.

"Solenn, baba na kayo. Sabay–sabay na tayong mag–agahan." ani ng nasa kabila.

"Your mom." ani Matheus.

"Susunod na po kami Ma." sigaw ko para marinig niya. "Tumayo kana diyan, tara na." at inayos ko ang aking damit at buhok nang makatayo.

Sumunod naman siya kaagad at sabay kaming bumaba papuntang hapagkainan. Naabutan naming naka–upo ang tatlo at inaasikaso ni Mama si Papa para makakain.

"Umupo na kayo dito." pagtawag ng kapatid ko.

I saw how Matheus moved demurely. He sat beside me, infront of my sister Sarah. Hindi niya ginalaw ang pagkain na nasa harap niya kaya ako na lang ang kumuha para sa kanya.

His Indecent Proposal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon