Chapter 19 Warm hugs of love!

183 10 2
                                    

Napuno na naman ng pag alala si sir Ethane at ang kambal ng dalagang si Nathane sa nangyari sa kaniya. Hindi na lamang dinala sa hospital ang dalaga at doon na pinahiga sa kwarto nito. Si sir Ethane narin ang tumingin sa anak niya dahil may pinag aralan rin siyang medisina.

Habang ang binatang si Yjune na kilala sa tawag na Doc. Leo ay hindi naka alis at sinuri na rin ang dalagang kasama niya kanina sa pagpunta sa simbahan at sa tabing dagat. Masakit ang titig ni sir Ethane sa binatang si Yjune dahil inaakala niyang may kasalanan ito.

Kaya sila'y nag usap sa sandaling iyon sa harap ng dalagang wala pa ring malay.
" Tell me, what's wrong with my daughter? Ikaw lang ang kasama niya kanina hindi ba? " usisa niya sa binatang wala namang kasalanan ngunit may kasunduan sila ng ginoo.
" Wala naman kaming ginawa sir Ethane. Tumungo lang kami sa simbahan tapos sa tabing dagat. Kumain lang kami tapos nagkuwentuhan. " kwento niya rito.
" Then, bakit siya nagkakaganiyan? " usisa pa nito.
" I'm so sorry sir Ethane. Hindi ko na siya niyaya pa dahil nakadagdag pa ito sa stress niya kanina. Nauuwaan ko kayo sir Ethane. Paumanhin, hindi na ho mauulit. " taos puso nitong paghingi ng tawad ng binatang si Yjune.
" Pa, wag niyong pagalitan si Yjune. Na out of balance lang naman ako kaya ayon. Bumagsak ako kanina. " sabat ng paliwanag ng dalaga at bumangon ito para yakapin ang papa niyang hindi maalis ang pag alala sa anak nito.

Matatawa na parang mag alala si Ethane ng marinig ang paliwanag ng anak niya.
" Out balance pala ha! " kurot niya sa pisngi ng anak.
" Papa talaga, " pigil sa papa niya.
" Yjune, pagpasenyahan muna ako. I'm so worried pagdating sa kaniya. " paumanhin niya sa binata.
" Ayos lang sir Ethane saka nauunawaan ko naman kayo. " tugon ng binata.
" Pa, may lumpia pa ba? " usisa ng dalaga  habang nakakabit sa braso ng papa niya.
" Mayroon nasa baba saka lulutuin pa lang iyon. " tugon niya sa anak.
" Yes, " sambit na takam ng dalaga habang pababa ng hagdan.

Sa kusina.
Napasinghot na lamang ito sa naamoy niyang lumpia.
" Hm, ang sarap ng lumpia. Kuya, gusto ko madami sa akin ha! " request niya agad sa kuya niyang nagpri - prito na.
" Bal, alam mo ang takaw mo talaga! Doon kana muna baka matalsikan ka ng mantika. " tugon niya sa mahal nitong bal.
" Thank you kuya! " tugon naman ni Athena.

Athena Ashly Pov's
Tamang hintay lang sa tabi - tabi at makakatikim na ako ng lumpia. Namis ko talaga ang pagkain sa amin. Gusto kong kumain ng dragon fruit kaso mahal na dito. Sa amin nga pinamimigay lang. Ano kaya kung magrequest ako kay papa.

Tamang tama pababa na si papa kasama si Yjune. Narinig ko ang sermun ni papa sa kaniya kanina habang natutulog ako. Ganun talaga ang ugali ni papa. Mabuti nga at napakalma ko kasi kung hindi. Itataboy na naman niya si Yjune gaya nong nalaman niya na apo si Yjune ni Keandro sa tuhod.

Nilapitan ko si papa sabay pa cute rito.
" May kailangan na naman no? Kilala kita kapag nagpacute ka sa harap ko. " oh diba, yan si papa alam na alam ang galawan ko.
" Pa, pwede niyo ho ba akong padalhan ng dragon fruit? " pakiusap ko kay papa habang nilalambing ito.
" Oh sige, cute - cute talaga ng baby ko. " panggigigil ni papa sa pisngi ko. Ayan na naman si papa at tinawag na naman akong baby.
" Pa, si Thea dapat ang binibaby niyo. Doc. Yjune, hindi ba kayo uuwi? " usisa ko sa chinitong singkit na ito.
" Anak, dito na siya magpapalipas ng gabi at bukas ay babalik na siya sa work niya. " sabat ni papa. Ay, dito siya magpapalipas ng gabi? Hala, ano daw?
" Ay, " pa - cute kong sambit habang napakamot. Nakakahiya kaya kapag dito siya natulog.
" Teka, I smell something fishy? Kayo bang dalawa ay nagkakahiyaan na? " usisa pa ni papa sa amin ni singkit.
" Sa kaniya mo po itanong papa! Basta ako mag aaral muna. " walk out ko at pinuntahan si kuya. Seryoso ba iyon? Dito siya matutulog?

Kinagabihan
Tapos na kaming maghapunan at agad akong umakyat sa taas. Hindi kasi ako pinatulong ni papa sa paghuhugas ng pinggan. Kaya ito, diretso na kami sa kwarto at mag aaral tapos matutulog na. " Kainis, ba't dito pa matutulog ang singkit na 'yon! " inis kong sambit na ikina titig ni Jeani sa akin.

Ayokong makita pagmumukha ng singkit na iyon. Sana umuwi na siya ngayon at ayokong makita ni makasalubong mga singkit niyang mga mata.
" Ate, alam mo ate laging nakatitig sayo si sir Yjune. Kanina nga halos di sumubo ng pagkain kasi sayo nakatitig. " balita ni Jeani sa akin. Sabi na nga ba! Iyong singkit na iyon. Dudukutin ko talaga ang mga mata niya.
" Hayaan mo siya at makakaganti din ako! " isip ko ng paraan. Aha! Paano kaya kong hindi ko siya pansinin.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan namin ni Jeani ay agad akong bumaba dala ang notebook ko. Tamang upo lang sa isang hakbang ng hagdan. Tapos, kunting silip sa sala. Naglalatag na kasi sina papa doon at si singkit na ewan. Naiinis na naman ako sa kaniya.

Binuklat ko na lamang ang notebook kong hawak at nagreview. Sunod - sunod kasi ang test namin kaya nag aaral ako para sa aking future at sa aking boung pamilya. Nabigla na lamang ako ng may humablot sa notebook ko.
" Bal, mamaya ka na mag aral at sumama ka muna sa akin. " hawak niya sa mga kamay ko at dadalhin na naman ako sa sala.
" Kuya, may test kami bukas! " dabog kong sambit. Ayaw kasing makinig sa akin.
" Bal, mas magandang magreview kapag madaling araw! " sabay kulong niya sa akin sa bisig niya na parang naglalambing ito.
" Ano ba kasi ang gagawin natin? " usisa ko kay kuya na may balak na naman at hindi ko alam.
" Pagbigyan mo na ang kuya mo at gusto ka daw magkatabi sa pagtulog. " sabat ni papa.
" Payag kana bal saka pumayag na si Jeani na magkatabi tayo. Mis ko ang hilik ng babe bal ko. " kurot pa niya sa pisngi ko. Sus, ang daming alam ni kuya.
" Sige, " payag ko na. Pagbibigyan ko na siya at parang bata kung makiusap.
" Halika, tulog na tayo! " yaya na ni kuya. Aba, ang antukin kong kuya.
" Pa, tumawag na ho ba si mama? Gusto ko lang hong mag good night sa kanilang lahat. " usisa ko kay papa habang nakaupo na sa may higaan sa tabi ni kuya.
" Tatawagan ko ngayon at nang makausap natin. " sabay bukas ni papa ng laptop niya.
" Higa kana bal at patutulugin kita. " panggigigil na naman niya sa pisngi ko.
" Argh, kuya wag ang pisngi ko. May pisngi ka naman eh. " ganti kong kurot sa kaniya.
" eh gusto ko ang pisngi mo! " kurot niya rin dito.
" Matutulog na nga ako! " higa ko na at ibinaling ang titig kay singkit na nakatingin din pala sa akin. Tskk!

Napakamot na lamang si papa ng sandaling iyon.
" My princess, walang internet connection. " balita ni papa sa akin.
" Bukas nalang ho papa! At ba't ka titig ng titig sa akin? " sumbat ko doon sa binatang singkit na kanina pa nagnanakaw ng tingin.
" Wala lang! Bawal bang tumitig? " usisa niya. Nagkatinginan na lamang sina papa at kuya.
" Oo, lalo na kapag hindi mo jowa. " sabat kong mataray sa kaniya.
" Ok, " sambit niya at humiga sa may sofa. Diyan ata siya matutulog. Mahulog ka sana at ako pa ang maunang tatawa.
" My princess, ang sungit mo ngayon kay Yjune. May dalaw ka ba? " usisa ni papa sa akin.
" Wala ho pa! Ayoko lang na mayroong nakatitig sa akin na singkit ang mga mata. " sambit ko na nagtawanan sina papa ay kuya.
" Yjune! Paano yan ban ka kay Athena. " tawang wika ni kuya habang nakahiga sa tabi ko.
" Ayos lang! " tugon naman niya habang nakapokus sa taas ang mga titig niya.
" My princess, matulog kana at maaga pa kayo bukas! " sabi ni papa sa akin.
" Good night po papa! Good night kuya! Good night singkit! " paalam ko na sa kanila dahil dinalaw na ako ng antok.

Ang dali kong antukin ngayon. Siguro ay dahil sa andito si papa at kuya. Naramdaman ko na lamang ang pagkumot nila sa akin at paghalik sa noo ko. Mas lalo pa akong nahimbing nang may yumakap sa akin. Si kuya iyan at nakaharap sa akin. Wala na akong narinig pang usapan at tumabi na rin si papa sa akin. Naramdaman ko ang hawi niya sa buhok ko at pag ayos ng kumot ko.

I feel like I'm safe now! Sa mainit na yakap ni kuya at sa kanan ko naman ay si papa na alam kong hindi makatulog at nakabantay sa aking tabi. I'm so lucky and I'm very thankful.

**//***
Thank u po.. Keep safe kayo.☺☺☺😘






BS 4: THE CAMPUS QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon