Chapter 27 PAALAM!

382 14 10
                                    

Makalipas ang dalawang araw.
Oras na ng pag alis nina Athena sa Isla. Mapapansing namamaalam na siya sa lahat. Pati sa mga guro niya ay nag iwan siya ng munting handog na regalo. Mahahalintulad na lamang ang pag alis ng dalaga sa isang artistang na maraming fan ang nag aabang. " Athena, balik ka dito ha. Mamimis ka namin. " yakap sa kaniya ng mga classmate niya.

Magpapaalam na ang dalaga ng tuluyan at baon niya ang magagandang alaala sa kaniyang pag uwi sa San El Vador. " Ate, dalaw ka dito ha! " wika ng dalagang si Jeani sa ate niyang babalik na sa bayan nito.

Yayakapin siya ng mahigpit ni Athena at magpapasalamat. " Maraming salamat Jeani at tinanggap mo ako sa buhay mo at sa bahay niyo. Isang napakagandang alaala ang dadalhin ko pabalik sa amin. Tawagan mo ako lagi ha. Saka magbi - vc tayo pag gabi. Mamimis kita Jeani! " wika naman ni Athena at yumakap uli.

Lalapitan naman niya ang ginoong nagligtas sa kaniya noong una siyang napadpad sa Isla.
" Sir Manny, maraming - maraming salamat ho sa pagpapatuloy sa akin sa munti niyong tahanan. Salamat ho sa pagsagip sa akin. At isang malaking karangalan ang nagawa niyo. " ang wikang pasasalamat ni Athena sa papa ni Jeani.

Tutugon naman ito sa kaniya. " Maraming salamat din señorita Athena at binago mo ang buhay ng anak ko. Sa totoo lang puro barkada lang ang iniisip niya. Pero noong dumating siya ay binigyan na niya ng halaga ang pag aaral. Isang malaking karangalan ang tumuloy kayo sa aming munting tahanan. Nawa'y makabalik ka ng ligtas sa bayan mo. " tugon ni sir Manny sa kaniya at saka yumuko ito.

Magpapaalam naman siya sa tita Cristy niya. " Tita, punta kayo sa birthday ko ha! February 14 ang birthday ko. Hihintayin ko kayo sa bayan ng San El Vador. Maraming salamat ho sa pagiging mama sa akin. I'm so lucky na magkaroon ng tita like you po! Ikamusta niyo nalang ho ako sa twin niyo. " paalam ni Athena sa tita niyang tinuri na parang mama.

Tutugon din ang tita niya, " Athena, mag iingat ka lagi at sana hindi ka malumpo. Makinig ka lagi sa papa mo. Thank you sa lahat ng tulong mo sa akin. Sana, makabalik ka uli rito. " paalam niya sa dalaga na may kasamang pananambitan na kung maaari ay dumalaw siya sa libre niyang oras sa Islang nagbigay sa kaniya ng magandang mga alaala.

Mapapansin ang pagtulo ng mga luha ni Athena habang unti - unting humahakbang papalayo sa classroom ng semior high school. Kawayan at sigawan para sa kaniya. " Mamimis ka namin, Athena. " sigaw ng mga classmate niya sa kaniya.

Mahihinto si Athena kasabay ng paghinto ng mga bodyguards niyang isang dosena.
" Mamimis ko rin kayong lahat. " sigaw na tugon ni Athena sa kanila at kumaway.
" Señorita, kanina pa naghihintay si sir Ethane sa yate! " wika ng head bodyguards niya.
" Alam ko pero nasaan si kuya? Hindi ba siya sasabay sa atin? " usisa ng dalaga dahil hindi niya nakikita ang anino ng kuya Nathane niya.
" Si sir Nathane ay may pinuntahan. Magpapaalam daw siya sa isang kaibigan. " tugon sa kaniya ni Luke, ang head bodyguards.

Napangiti na lamang si Athena sa nalaman niya mula sa bodyguard's nito.

Sa kabilang banda naman.
Sa tabi ng dagat, ay andoon ang binatang si Nathane na nakababad ang mga paa sa tubig alat. Mapapansing may dalagang naka uniporme ng pang senior high sa likuran niya banda. Ano kaya ang ginagawa nila? " Aalis na kami ngayon. Wala ka bang sasabihin? " usisang panimula ng binata sa walang imik niyang kasamang dalaga.

Napatitig sa kaniya ng bahagya ang binata. " Ano? Titigan mo lang ba ako? Ang mga babae talaga oh! Nagtapat ka na nga ng pag ibig tapos wala pang sagot! " inis na sambit ng binata sa kaniya.

Lalapitan naman siya ng dalaga at tutugon. " Sir Nathane, hindi ko ho kayo nauunawaan. Bata pa ho ako saka nag aaral pa. " tugon ni Scarlett sa kaniya.

Lalapitan din siya ni Nathane. " Alam ko, nagpaalam na nga ako sa magulang mo noong isang araw. Sabi ko hihintayin kita. Besides, naka marked kana as property ko. So, five years after ay ikakasal kana sa akin. Alam kong gusto mo ako kaya wag ka nang pakipot! " wika niya kay Scarlett na hindi mailarawan ang ekspresyon nito.

BS 4: THE CAMPUS QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon