Tula 5

16 3 3
                                    

Kaibigan
Dinonymous

Tayo'y mga paslit lamang nang una kitang makilala
Masasabi kong hindi ikaw 'yung tipo ng normal na bata
Hambog kung kumilos, at malakas kung tumawa
May katalasan ang dilang may-likha ng palalong mga salita

Ngunit may kalakasan man ang iyong tinig,
At kung tumawa ka'y tila wala nang humpay,
Ay higit pa sa mga yo'n ang higit kong namasid
'Yun ang busilak at dalisay na puso mong taglay

Naging madali kang pakisamahan at pakitunguhan
At naging magkasundo tayo sa napakaraming bagay
Hindi nagtagal ay tayo'y naging magkaibigan
Hindi rin naman naging mahirap ang sayo'y makibagay

Kapwa pinagsiklop ang kani-kaniyang hinliliit
Sabay ibinulong sa hangin ang pangakong inukit
Sabay sa ritmo ay binigkas ang parehong pangako
Na walang makakalimot, walang iwanan, hanggang dulo

Lumipas ang panahon at bitbit nito'y malaking pagbabago
Hindi ko matanggap na ninakaw ng oras ang kaibigan ko
Panahon ang dahilan ng lubos mo'ng pagbabago
Di ko mawari kung sino ba ang may mali, ikaw o ako

Naalala ko kung pa'no tayo nagkasundo sa isang laruan
Walang pagkakaiba sa kung pa'no natin siya nagustuhan
Siyang dulot ng mantsya sa ating pagkakaibigan
Naging katunggali't karibal mo'ko nang hindi ko alam

Kung sana'y sinabi mo lamang na lumayo ako,
Hindi ako mag aatubiling gawin 'yon para sayo
Kung sana'y sinabi mo lamang na nais mo siya't sagabal ako,
Ikakatuwa ko pang ipagtabuyan siya, kung 'yon ang nais mo

Ngunit umusbong na ang ipinunla mong inggit
Tuluyan ka ng nilamon ng iyong poot at galit
Tuluyan kang kumawala sa binitawan nating pangako
Kinalimutan mo na ako, bilang matalik na kaibigan mo

#MahiSalita

Laan para kay:
Binibining kray_babykray

MahiSalitaWhere stories live. Discover now