"Nando'n si Sumairu!"
Tumingin ako sa itinuro ni Ced. Nakita ko ro'n ang maliit na babaeng nakaupo sa sahig. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Nang umangat ang ulo ni Sumairu ay hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin siya. Natakot ako. Akala ko ay may kumuha sa kanya. Natakot ako na baka mawala siya sa 'kin. Hindi pwede.
"You're squeezing the baby butterfly, Grant!" sigaw ni Sumairu.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Umalis nga siya sa yakap ko. Mas mahalaga pa sa kanya 'yong caterpillar kaysa sa kanya. Itinapat ko sa kanya ang payong na dala ko.
"Nagpapakabasa ka para lang d'yan sa caterpillar. Sanay na 'yan sa ulan."
Ginulo ko ang buhok ko dahil basang-basa na 'yon. Tiningnan ko saglit sina Jeth, parehas na magkayakap hanggang ngayon dahil hindi sila kasya ro'n sa maliit na silong. Bumalik din ang mata ko kay Sumairu na masayang hawak ang caterpillar niya.
"This has a life too, you know. Even she's used to the rain—it's not okay for her to get wet. She won't turn into a beautiful butterfly if her wings are wet."
Tumaas ang kilay ko. "Magiging cocoon din naman 'yan. May bahay siya. At pa'no mo nalaman na babae 'yan?"
Tiningnan niya ako. Nagulat ako sa mukha niya. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Malala na 'to.
"Intuition. She's a she."
Tumango na lang ako. Kahit na basa ang ulo niya ay wala siyang pakialam. Pero ako meron, hinawakan ko ang ulo niya, at pinalis ang basa na nando'n. Nagulat ko yata siya kaya napaangat na naman ang tingin niya sa 'kin. Nakita ko ang gulat sa ekspresyon niya. Ngumiti ako.
"Kung mahalaga 'yang caterpillar sa 'yo. Mahalaga ka naman sa 'kin. Hindi ka rin pwedeng mabasa," sambit ko.
Kumurap siya at umiwas ng tingin. Natawa naman ako sa pagka-ilang niya. Hindi pa rin siguro pumapasok sa utak niyang may nararamdaman ako para sa kanya.
"Magiging paro-paro ka rin, 'di ba? Hindi pwedeng mabasa ang pak-pak mo," pang-aasar ko.
Ngumuso siya. Hindi nawala ang ngisi sa labi ko. Kahit naiilang siya sa 'kin, nakyu-cute-an pa rin ako sa kanya.
"Tara na. Magtanghalian muna tayo bago pumunta sa zoo. Baka may makikita ka ro'ng paro-paro."
Hindi siya umalis sa tayo niya. Malungkot na siya ngayon.
"Should I leave her here?"
Maingat niyang hawak ang caterpillar. Napakamot ako sa ulo ko.
"Ikaw ang bahala. Mabubuhay pa rin 'yan kahit iwan mo rito."
Sa huli ay iniwan niya nga 'yon. Malungkot naman siya nang magkakasama kaming umalis sa park.
"Mauna na kayong kumain, pre, magpapalit lang ako," si Ced.
Tumango ako. Pati rin daw si Jeth. H'wag ako, alam kong gusto nilang kami lang dalawa ni Sumairu ang magkasama. Pumayag na rin ako, pabor naman sa 'kin.
"Order ka na," simula ko nang maupo kami sa pag-dalawahang lamesa.
"What about your friends?"
"Susunod din 'yon."
Um-order nga siya. Pinanood ko na lang ang paghahanap niya nang kakainin. Napangiti ako. Date na ba 'to? Hanep.
"You're thinking way too much, Grant. This is not a date."
Bumagsak ang balikat ko. Tumawa naman si Sumairu. Kayang-kaya niya talaga akong paikutin sa mga palad niya.
"Order na," naiinis ko pang tugon.
BINABASA MO ANG
Don't Cry, Sumairu
Romance'I always dedicate my novels to the biggest thing that has happened in my life. "Ikaw". Grant me a wish, and don't cry, Sumairu.' -- Grant Asuncion is a twenty-one-year-old creative writing major who's passionate about becoming a known writer someda...