ENVY - 1

17 8 3
                                    

WTGAS PART 1: Envy Chapter 1

"Greatness inspires envy, envy engenders spite, spite spawns lies."







"Ace, anak? Gising na."
Isang inaantok na ungol lang ang sinagot ko sa mga tapik ni mama sa pisngi ko at saka bumaling sa kabilang gilid ng higaan ko, saglit kong idinilat ang mata ko, madilim pa naman ah.
Masyado akong napagod sa pag aasikaso ng barbecue stall namin kagabi para bumangon ng ganito kaaga.

"Hindi ba't may lipad ka ngayon? Anong oras na, Alejandro ha."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko, agad akong bumalikwas sa higaan at inis na tiningnan ang cellphone ko.

"Ano ba?! Ba't 'di ka kasi tumunog?!"
Sigaw ko sa cellphone ko, kung kailan kailangan ay naka silent ang alarm ko!
Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni mama bago lumabas sa kwarto ko.

Dali-daling ligo at pag aayos sa sarili ang ginawa ko, kung tutuusin ay hindi naman dapat ako kasama sa crew ngayong araw dahil kakatapos lang A320 red eye flight ko noong nakaraan lang, ang kaso nga lang ay nagkaroon ng biglaang reshuffling, kaya eto ang lola niyo ngayon, dinaig pa ang the flash sa kilos.

"Kuya! Katok katok!"
Saglit kong itinigil ang paglalagay ng foundation ko, pagbukas ng pinto ng kwarto ko ay iniluwa ang bunso kong kapatid. Ito talagang batang 'to kung kailan nag mamadali ako.

"Kailangan mo 'ne? Ang aga mo nagising? Ba't di kita nakita kahapon ng maghapon ha? Saan ka nagpupupunta?"
Napaamang siya sa sunod sunod na tanong ko.

"Kuya naman, hinay hinay lang! May research po kami ng mga kaklase kong ginawa kahapon, at saka may klase po ako ngayon kuya, kaya PO ako kumatok kasi...pinapa baba ka ni mama para sa almusal."
Saglit pa akong tumingin sa mukha niya, bago ituloy ang ginagawa ko.

"Hoy Nene pag ikaw ha, nalaman ko na babad ka na naman diyan sa computeran nila kuya Imbor, bubunutin ko isa isa kilay mo."
Biro ko sa kaniya, alam kong kahit hindi ko tingnan ay naka busangot na naman ang mukha niya.
Chakang 'to.
Kung hindi ba naman siya naadik sa kakalaro ng computer games noong junior high siya, edi sana ay hindi ko siya sinisinghalan ngayon.
Pero palagay ko ay mas mabuting sa mga ganyang bagay siya mahumaling, kesa naman matulad sa mga maagang nabubuntis.
Inis akong naglakad papunta sa cabinet ko, ang buong akala ko ay napalitan ko na ang mga damit na kakailanganin ko.

"Kuya totoo nga po! Kung gusto mo ay itanong mo pa kay Joko! Ang title pa nga ng research namin ay—

"O s'ya! Sige na, madam! Kaloka ka, late na nga ako gusto mo pang makipag chika ako."

"Sige na po, kuya Alejandro bababa na po ako!"

"Hoy! Batang 'to talaga!"

Pagkatapos ko'ng ayusin ang mga gamit ko ay agad na akong bumaba bumungad sa'kin ang kapatid ko'ng nag aalmusal, hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin kahit pa Flight attendant ang trabaho ko, sa totoo lang ay sa squatters area pa'rin kami nakatira, at hindi naman ako nag rereklamo doon.

Kaya nga kahit babakla bakla ako ay laking pasalamat ko pa rin kay mama dahil iginapang niya ang kursong gusto ko, sa kabila ng pagiging single mom niya.

"Huy Kuya! Kanina pa kita tinatawag!"

"Ha? Ano ba 'yon?!"

When The Gods Are SleepingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum