ENVY-2

9 2 1
                                    

WTGAS PART 1: ENVY Chapter 1

"They'll either want to kiss you,
kill you, or be you."
-Suzanne Collins // The Hunger Games: Mockingjay




Nakapako ang tingin ko sa himapapawid, hanggang sa unti-unti ng natatanaw ang airport mula sa kinauupuan ko.
Maka-ilang buntong hininga muna ang ginawa ko bago nag pasyang ayusin ang sarili ko.

"Ladies and gentlemen, welcome to General Santos International Airport.
Our Local time is 6:35 a.m and the temperature is 27°C.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign.
This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about."

I looked around the cabin, kadalasan ay fully booked kami kagaya ng susunod na flight namin pabalik ng Manila, pero ngayon ay may iilang upuan na walang pasahero.

"On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"

Kalma Ace. Ngiti.
Bulong ko sa sarili ko bago ako pumwesto sa assigned position ko. Dapat talaga ay tutulong akong mag assist sa mga dala ng mga pasahero, pero dahil nga kanina pa ako wala sa sarili ay sa exit door ako napunta.

"Huy Baks, ano na? Mukha kang lantang gulay diyan, 'di bagay sayo!"
Pasimpleng puna sa'kin ni Hershey as we bid our goodbyes to the passengers.

"Ba't andito ka? Pag ikaw napagalitan ni L2 lagot ka."
'Yan na lang ang naisagot ko, masyado akong stressed ngayong umaga para makipag-asaran pa sa babaeng 'to, dahil kung gaganti pa ako ng asar, hindi ako titigilan hanggang mamaya.

"Intrimitidang 'to! 'Wag ka mag alala, backup ko si Alisson 'no, atsaka patapos naman na kami doon sa likod."

"Gaga ka, sinasamantala mo naman yung kabaitan ng tao."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ganoon kasi si Alisson e, simula noong nagkasama kami sa trainings hanggang sa workplace, literal na hindi siya marunong magalit, ni hindi nga rin ata marunong humindi 'yon sa mga requests sa kaniya.
Kaya kahit mga seniors namin ay pinahihirapan siya.

"Bawal mag daldal sa oras ng trabaho."
Matiim na puna sa'min ni Geneva.
Nagkatinginan naman kami ni Hershey, kailangan ko pa siya munang sikuhin para makaramdam.

"Ahh..hehe sabi ko nga, eto na po sorry, balik na ako baks ha? Mamaya na lang."
Awkward na paalam niya sa'kin kaya natawa ako dahil parang na intimidate siya sa presence ni Geneva.

Binigyan ko si Geneva ng maliit na ngiti bago siya umalis sa harap ko, pagtalikod niya sa'kin ay napansin ko ang mga pasa at mga gasa sa bandang siko niya.
Sa tingin ko'y naaksidente ata siya kahapon o nung mga nakaraan lang dahil parang bago pa ang mga ito.




Ngayon ay narito kaming tatlo ni Alisson at Hershey sa Duty free ng GenSan Airport, kalahating oras lang na layover at lipad na ulit kaya naman mas minabuti naming 'wag na lang lumayo at dito na lang mag snack.
Ang ibang crew na kasama namin ay nasa cafeteria, kami lang ata sa flight namin ang humiwalay sandali dahil nag aaya si Hershey dito.

"Hershey, baka gusto mo bilhin 'tong buong duty free? Nakakaloka ka! Tingnan mo nga 'yang laman ng basket mo. Layover 'to dai, hindi bakasyon."
Panenermon ko sa kaniya kaya mahinang natawa si Alisson na nakasunod lang sa'min.
Paano ba naman kasi? Kung ano anong goods ang binibili niya, akala mo mauubusan, samantalang ako ay hot coffee at cheesecake lang, tamang for snacks lang talaga.

"Hoy Alejandro—ARAY!"
Biglang sigaw niya ng hilain ko ang buhok niya, napaka bantot naman kasi ng First name ko, galing daw sa main character ng soap opera na kinaadikan ni mama noong ipinag bubuntis niya ako, "Ultra hunk" pa daw 'yong brazillian actor, o 'di ba hindi bagay sa personality ko?
Pero hindi ko rin naman masisisi si Mama ng ipangalan niya 'yon sa'kin, dahil hindi rin naman niya alam na magiging sexy actress ako.

"Guys enough Hahahaha! Ang daming nakatingin sa'tin."
Awat sa'min ni Alisson.

"E kasi naman, 'tong baklang 'to oh! Pinapakialaman ako tapos magagalit kapag sumagot ako!"
Irap sa'kin ni Hershey habang inaayos ang buhok niya.
Nakapila na kami sa counter, ngayon ko lang din napansin na juice box at isang serving ng veggie salad lang ang kinuha ni Alisson. No wonder kaya ganyan siya ka-fit.

"Baka kasi nakakalimutan mo Ace, may fully booked flight tayo pa Japan mamayang 12. Alam mo naman ang biyahe doon, gusto ko muna busugin sarili ko 'no."
Kung sa bagay ay tama siya, mahirap nga ang biyahe kung fully booked na, lalo pa't international flight 'yon.

"Ikaw Alisson, may lipad ka ulit after this?"
Baling ko sa kaniya, ayaw ko naman kasing ma out of place siya sa'min nitong si Daldalita.

"Wala, tomorrow evening pa next sched ko, Kuala Lumpur."

"Hala, talaga? Ang swerte mo naman."
Iyamot na sabi ni Hershey dahilan para madabog niya ang pagbagsak ng mga pinamili niya sa cashier.

"Yeah, atleast I can pay a visit to my relatives. Japan is a good country pala by the way ha, it's your first time sa Japan right? May plans na kayo?"

Hinayaan ko lang silang mag kwentuhan habang nag babayad sa cashier, pero noong turn ko na ay napatingin ako sa labas ng store.
I saw Geneva talking to someone across the street, parang nag aaway sila.
My brows furrowed, bakit siya andoon? Sino 'yung malaking taong kausap niya?

"Uhm, Ace. Payment mo daw."
Mahinang tapik sa'kin ni Alisson sa braso habang nakapako pa'rin ang tingin ko sa labas. Natanaw ko na akmang aalis si Geneva nang hawakan itong mahigpit sa braso at duru-duruin ng lalaking kausap niya kani-kanina lang.

Wala sa wisyo kong inabot ang bayad sa cashier bago nag patiunang lumabas.

"HOY BAKLA! Sandali nga!"
Napatigil ako ng hilain ako ni Hershey, samantalang si Alisson naman ang kumuha ng pinamili ko.
Nahiya tuloy akong bigla.

"What happened ba, Ace?"
Ano nga ba'ng nangyari? Bigla rin talaga akong kinutuban ng makita kong nakikipag usap si Geneva sa malaking lalaki.
Nang lingunin ko sila sa puwesto nila kanina ay wala na sila doon.

"Si Geneva"

"Huh? Si Geneva, ano?"
Takang tanong ni Hershey sa'kin habang lumilingon sa paligid.

"Nakita kong may kausap siyang malaking lalaki, doon."
Turo ko pa sa direksyon, pero parang hindi pa rin malinaw sa kanila ang pinupunto ko.

"Ang labo mo bakla, kanina ka pa ganyan sa flight ha. Alam mo gutom lang 'yan. Tara na."
Patiunang nag lakad si Hershey sa'min dala dala 'yong mga pinamili niya.
Napalingon ako kay Alisson ng hawakan niya ako sa braso.

"Are you sure you're okay? What really happened ba?"

Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa'kin.
Parang may kung anong humihila sa'kin para hindi ako makasakay sa flight namin pabalik.

Sana nga ay sinunod ko na ang pakiramdam ko na 'yon.


________________________________________________________

THANK YOU FOR READING THE SECOND CHAPTER OF WTGAS! ❤️
PLEASE VOTE, COMMENT YOUR REACTIONS AND OPINIONS, AND SHARE!

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 07, 2023 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

When The Gods Are SleepingOnde histórias criam vida. Descubra agora