Chapter One

175 30 2
                                    


"Tita, gising na..."

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses ni Letlet at ang pagyugyog nito sa akin. Tinutulak ko naman siya papalayo sa akin habang nakapikit lang ang mata. Itong bata na ito ay, ang kulit-kulit talaga, antok pa ako, iniistorbo niya na naman ako.

"Tita gising na nga, pupunta ka pa sa school ko 'diba..."

Dugtong nito, bigla ko naman naalala na magme-meeting nga pala ako sa kanya ngayon. Pero, inaantok pa nga ako. "Five minutes..." Sabi ko sa kanya at ibinalik ko ang focus ko sa pagtulog hanggang sa...

"Tita, si Tito Julius nga nandito, hinahanap ka." Sabi nito.

Parang magic spell iyon dahil napabangon ako kaagad, nang lingunin ko siya ay nakangisi na siya sa akin. Ang batang ito, hindi maka-move on.

"Huy, anong Tito Julius? Hindi mo Tito 'yun! Hindi ka pamangkin nu'n. Ambisyosa ka." Inis na sabi ko rito. Base sa ngisi niya ay nang-aasar lang siya. Hindi totoo na nandito si Julius at hinahanap ako.

Okay lang na sinasabihan ko siya ng ambisyosa kahit bata pa dahil sanay na iyang bulinggit na iyan. Sa nanay niya palang...jusko, butangera, hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan ng Kuya ko sa kanya.

Siguro ginayuma.

Haha.

Oo, hindi ko gusto ang hipag ko, pero may choice ba ako? Nakikipagplastican lang naman ako sa kanya and vice versa.  Alam ko naman na hindi niya rin ako gusto bilang sister in law niya.

Ang maganda lang na nagawa ng babae na iyan para sa akin ay iyong maipanganak ang pamangkin ko. Hawig na hawig niya kasi ang isa sa special na tao sa buong buhay ko. At alam ko na may masamang dulot din ako sa kanila, pero hindi ko naman ginusto na mangyari 'yun e.

"Ihh, Tita naman kasi. Sabi ni Lola gisingin na raw kita kung ikaw daw ang magme-meeting sa akin. Eight na ohh." Pinakita niya pa sa akin ang oras sa relo na suot niya na ako ang nagbigay sa kanya noong nakaraang pasko.

Napatango-tango ako. "Oo, sige sige. Kumain na ba kayo ni Lola mo?" Tanong ko.

"Kumain na kami! Ikaw din daw pero bihis ka muna tapos lumayas ka na. Joke." Sabi niya tapos mabilis na lumabas ng silid ko. Ang bata talaga na ito.

Eleven years old na siya, nagdadalaga na nga ang batang ito at minsan kapag may oras ako, pinapayuhan ko siya ng kung ano ano. Ginagawa ko siyang aware sa mga bagay sa mundo, kahit paunti-unti lang.

Napailing ako at nagpalit nalang ng damit.

🥀🥀🥀

Bakit....

Bakit siya umiiyak? "Bakit ka umiiyak?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Nagpunas naman siya ng mga luha niya at tumingin sa akin. Ngumiti siya, kahit kailan talaga...ang ganda niya.

Pati ako na-i-inlove sa kagandahan niya. Napaismid naman ako sa isipin na iyon. Tingin kaya ako sa salamin at ma-inlove nalang sa sarili ko dahil halos magkamukha naman kami ng babae na ito. Aaminin ko na mas maganda nga lang siya.

"K-Krizsel..." Nakangiti pero tumutulo ang luha niya. Hindi ko naman maiwasan na mag-alala sa kanya.

"Zandra, bakit?" Hinawakan ko siya sa kamay niya at tumabi sa kanya sa bench. Nasa school pa rin kami at uwian palang ng mga highschool na katulad namin.

"N-Natatakot ako..." Hagulhol niya. Nagsimula na siyang humagulhol pero pilit niyang hindi inaalis ang ngiti sa mga labi niya.

Krizsella Belinda Moralez (UNDER REVISING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz