Chapter 11

2.6K 50 17
                                    

"Bakit pati si Jude?! You careless bitch! Ang usapan lang natin ay yung impaktang si Sabrina!!"

"Don't bitch out on me here, lady. Mahirap malapitan yang kaibigan mo baka hindi mo alam. Lalo na't may mga nangingialam."

Galit na galit itong tumingin sa babaing nakaupo sa sofa sa office na kinaroroonan nila. Kanina pa ito hindi mapakali at panay ang lakad habang kagat-kagat nito ang daliri.

The woman is so angry, she can strangle the bitch - sitting on her couch - with her bare hands.

"Then do something about it, Trina! You are trained to kill! Eliminate first those who gets on your way, then f*cking get Sabrina! You worthless twat! And she's not my friend!"

Nagtiim naman ang mga bagang ng nakaupo sa sofa. Mabilis itong lumapit sa babae at tinutukan ito ng baril sa noo nito.

"I can put bullets in your pretty head if you'll keep on calling me names, you brat.", Trina hissed at her habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa babae.

But the latter just laughed at her. She showed her hand to Trina while holding something.

"Do it. And I promise that you will not see your baby brother and your sick mother ever again."

Nanginig ang kamay ni Trina na may hawak sa baril pero hindi niya pa rin ibinababa iyon. She can feel too much anger for this person. She can kill this bitch right away, kung hindi lang nito hawak ang kapatid at ina niya ay gagawin niya ng nakatawa ang pagpapaulan ng bala sa maganda nitong mukha.

Kung nagawa niya lamang kaagad ang misyon niya, her family would be spared. She can live with them peacefully at iiwan na ng tuluyan ang trabahong ito.

"One. Just. Push. Of the button, and then POOF! Magiging giniling silang dalawa, Trina!", tumawa itong muli.Nakakapangilabot.

Trina withdraw her gun and stormed out of the house. Cold night's wind brushed through Trina's face but the anger inside her makes her ignore it.

She'll finish this mission and will take her family from the cruelty of the world with the money she'll get from this.

♕ ♕ ♕


Hindi ko lang pinansin ang pagkaing iniabot sa'kin ni Irish at tumingin sa bintana. Wala pa rin akong gana kumain simula kagabi na nalaman kong wala na si Jude.

Hindi ako naniniwala na wala na si Jude. Ayokong maniwala, dahil kapag naniwala ako, sobrang sakit para sa'kin na ito ang nawala, dahil lang sa ito ang sumalo ng mga bala na para sa'kin. Kagabi, hindi ako mapakalma ng mga kaibigan ko sa kaiiyak. Kahit hirap na hirap na akong huminga ay hindi ako tumitigil. Hanggang sa dumating ang isang nurse at itinurok sa'kin ang pampatulog.

Pero pagkagising ko kanina, nag-unahan na namang tumulo ang mga luha ko nang isa-isang magsink-in sa'king muli ang mga nangyari. At katulad kagabi, ay wala pa akong kinakain. Tinatanggihan ko rin lahat ng inaalok sa'kin na prutas, at lahat sila ay tinataboy ko.

I just want to be alone right now.

Palaging pumapasok sa isip ko na ako talaga ang dapat sisihin rito. Nadamay ang mga mahal ko sa buhay dahil lang hindi ako mapatay ng kung sino mang gustong pumatay sa'kin. Napahamak ang mga kaibigan ko. Ang Tita ko.

Lalo na at namatay si Jude.
Ano pa ba ang karapatan ko para kumain at gumaling?

"Jude..", bulong ko, at muli. Lumuha ako. "I-I'm so sorry.."

"Sabrina, please, tama na 'yan. 'Wag mo namang hayaang pati ikaw-"

"JUST LEAVE ME ALONE!", sigaw ko. I heard them sigh, pero umalis din sila.

The Vixen Series: SabrinaWhere stories live. Discover now