Chapter 18

2.5K 48 7
                                    

Nakatitig lang ako sa singsing na ginawa kong pendant habang hinihintay sina Drake. Katabi ko lang si Ania at ang panganay na kapatid ng binata. Si Ate Macky.

"Hoy, Marichellilia--"

"It's Macky, Ania, Macky. Ano na namang sasabihin mo?"

Ania shrugged. "Naisip ko lang, sa dami ng pwede mong gawin dun sa impaktang 'yon, t-in-ackle mo siya. Imbes na hampasin mo ng kahit na ano sa ulo, you tackled her."

Naalala ko iyong nangyari kanina. Habang nakatutok sa'kin ang baril ng tinawag nilang Trina kanina ay walang magawa sina Drake dahil baka bigla na lang akong barilin nito.

But Ate Macky miraculously came and tackled her. Sa sobrang lakas ng pagkakatackle nito ay tumalsik kami sa mga lamesa. Nang makabangon ay malakas na sinuntok ni Macky sa panga si Trina, dahilan kaya nawalan ito ng malay.

Lahat kami ay napanganga sa ginawa nito.

"So? It was fun. And besides, hihintayin ko pa bang barilin ng babaeng iyon ang soon-to-be hipag ko?", nakangisi nitong sabi.

Namula naman ang mukha ko, ni hindi ko sigurado kung tama itong nararamdaman ko. Na baka simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko. O baka mahal ko na. Hindi ako sigurado. Dahil lahat ng nararamdaman ko ay bago sa akin.

Nasaan na ba kasi sina Drake? Kukulitin lang ako ni Ate Macky nito.

"What's that?"

Nilingon ko si Ania. Nakatingin ito sa singsing na pinaglalaruan ko. Tiningnan ko ulit yung singsing at ngumiti ng kaunti.

"It's my Mom's ring."

"Wedding ring?", singit ni Ate Macky.

Umiling ako at hinubad ang kwintas. Tinanggal ko sa chain ang singsing at ibinigay kay Ate Macky. Sinuri nito iyon habang si Ania naman ay tumabi rito para makitingin din.

"This is one big stone.", manghang komento ni Ate Macky.

"That is not just a stone. Ruby stone 'yan, eh!"

"Wow.", sabay na sabi ng dalawa.

"My Mom gave that to me on the day she died."

"Bakit ba namatay ang Mama mo, Sab?", tanong ni Ania.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil hanggang ngayon, malaki pa rin ang epekto sa'kin ng nangyari sa aking ina. Nakita kong malakas na hinampas sa noo si Ania kaya napaigik ito.

"Ano ka ba naman?! Napaka-insensitive mo talaga!", pabulong na asik ni Macky kay Ania na hinihimas ang namumula nitong noo.

Gusto kong matawa dahil pulang-pula talaga ang noo nito dahil sa lakas ng hampas ni Ate Macky. Hindi lang pala si Ania ang nay mabigat na kamay.

"Sorry.", paumanhin ni Ania.

"Okay lang. Matagal na rin naman nang nangyari ang kay Mama."

Tumitig lang sa'kin ang dalawa na parang di pa rin eased dahil sa nangyari. Ngumiti ako at kinuha ulit ang singsing at pinakatitigan iyon.

"Matagal nang singsing ni Mama ito. She said it was an heirloom from my mother's side.. This is very important to her, she always wear this wherever she goes."

Hinanap ko ang inscription na naka-engrave sa singsing. "высокая общества Альфа и omegas", ang nakasulat. Binasa ko iyon.

"The High Society's Alphas and Omegas.", bulong ko.

"Say that again?"

Tanong ni Ania. Nakatitig ito sa akin na para akong alien na naliligaw sa mundong kinaroroonan namin.

The Vixen Series: SabrinaWhere stories live. Discover now