chapter 4

3 2 3
                                    

"Ano pa inaantay  mo!?. Heto ako ngayon sa harap mo, barilin mo na!. Diba yan naman misyon mo?. Ang patayin ako para sa trabaho mo?. Para magka-pera ng malaki?." galit na nanunuot kay Sky. Sa isip-isip ko , hindi naman lang para sa pera ang lahat ng ginagawa ko.

" Sorry Sky. Alam kong nagsinungaling ako, pero lahat ng pinakita kong pag alala sayo totoo. Alam kong tinangka kong patayin ka. Pero nagbago lahat yon dahil.."

"Dahil ano?. Dahil kulang ba ang bayad ?."

"hindi Sky, Dahil- " Hindi ko na natapos iyon noong mapansin kong may umaaligid na kakaiba sa paligid namin ni Sky. Nakita ko ang iilang lalaki na naka itim na may hawak na baril.  Niyakap ko noon si Sky noong pagbabarilin kami. ako noon ang tinamaan sa likod , buti daplis lang iyon.

" Tara! Takbo. Doon sa gubat." Pag anyaya ko sa kanya. Kailangang ilayo ko sila , baka madamay pa ang aking Lola at mga kapatid. Kahit sugatan ako noon ay hawak-hawak ko parin ang kamay ni Sky habang tumatakbo ng mabilis.

Noong makalayo kami at nakasiguradong hindi kami nasundan ay umopo mo na kami sa ilalim ng malaking puno. Tanging sikat ng buwan lang ang umiilaw sa gabing iyon sa' min.

"May tama ka!." pag aalala nitong sambit sakin.  Ako nga may tama sayo eh, sa isip ko.

" 'Bat ka nakangiti?." tugon uli nito.

"Ahm..wala. " kahit galit, malungkot, masaya ang pogi-pogi talaga nitong lalaking to.

"Bakit mo ginawa yon.?" Seryuso nitong tanong muli sa' kin.

"Mahabang story Sky.  sorry kong nagawa kong pagtangkaan ang buhay mo."
Malungkot kong saad.

"Hindi yon." muli nitong sabi. Kaya nagtaka ako kung ano ba ang tinutukoy nito sa' kin.nakita kong pinunit nito yong t-shirt n' yang suot .

"Bakit mo hinarang yong balang para sa akin dapat?" Sabay  hila ng balikat ko, at tinalian nito ng hawak n' yang tilang pinunit nito sa damit n' ya.

Natulala ako sa mga ginagawa nito sa' akin. Hindi ko akalain na magagawa n' ya pang talian, at mag alala sa akin, sa kabila ng mga nagawa ko sa kanya. Doon ay namugto ang aking mga mata sa tuwang aking nadama. Kahit papanu ang sweet naman pala nitong lalaking to.

"Oh! Bat di kana nagsasalita?. Patay kana ba?. Wag ka mag alala daplis lang yang tama sayo. Nextime wag mo nang gawin yon."   sabay higpit nito ng tali sa sugat ko.

"Ang sweet mo." pabulong kong sabi.

"Ha!?"

"Ah. Wala. Sabi ko may kiliti ako d'yan. Kaya wag mo akong hawakan d' yan."
Nang minsang dumapo ang mga daliri nito sa tagiliran ko.

"Ah , ganun ba?." ilang minuto rin kaming nanahimik noon,  hanggang sa magsalita uli ito.

"Pano na tayo?"

"Tayo!? Ahm.. Pano na tayo?" paulit-ulit kong banggit noon. Hindi kasi mag sink in sa isip ko ag ibig nitong sabihin.   Panu ba kami? Ano ba kasi ibig n' yang sabihin?. 

"Tayo?"

"Sira!   saan na tayo pupunta,?  Yan ang ibig kong sabihin. Kung ano-ano kasi iniisip mo. tignan mo sa gitna tayo ng gubat walang tao at ang dilim-dilim pa."

"Edi , ituloy na natin yong naudlot nating halikan."  Ay punyeta bakit ko nasabi yon? Buti nalag di nito naintindhan.

"Ha?! Ano ?"

"Wala!.  Sabi ko antayin lang nating mag umaga at pakasal na tayo , ay mali!.  Ang ibig kong sabihin babalik tayo sa maynila. Doon kasi mga baril ko.

LOVE SHOTWhere stories live. Discover now