chapter two

15 2 2
                                    



" Oh!, bumalik ka?." pagkasabi nito noong mapansin n'ya ako sa pintuan.
"a-ah. Oo, tatanong ko lang sana kong anong flavor ng Kape gusto mo. Diba nagpapabili ka?." tanong kong nauutal pa. Nakakainis tong feeling na namumuo sa loob ng dib-dib ko.

"Caramel macchiato, yon nalang salamat," sagot nitong nakangiti pa. Bakit ba kasi lagi s'yang nakangiti, nakakabadtrip yong smile n'ya nakakabago ng desisyon.

"Ahm- sige mauna na'ko," umalis na'ko noon ng hindi ko manlang nagawa ang pakay ko. Hindi ko magawa na bunutin ang aking baril at ipaputok sa kanya. Hanggang sa pagtulog ay s'ya ang tangi kong iniisip. Ang mga ngiti nito ang laging pumapasok sa utak ko , kasabay din naman ng tibok nitong puso ko.

Ngayon lang kasi tumibok itong puso ko nang ganito. Hindi ako sanay sa mga nangyayari sa'kin. May kaba, may inis, at may tuwa din naman akong nararamdaman, Tuwa na pag s'ya ang aking nakikita.

"kamusta  Maya?." galing sa kabilang linya.

"Ahm.. Masyadong marming nakabantay sa kanya sa Hospital sir. Kaya hindi ko magawa ang plano. Hindi matatapos itong linggo sir ,at magagawa ko'na to." sagot ko na nagpapaliwanag sa kanya.

"Siguraduhin mo Maya, ano ba ang nangyayari sa'yo?. Dati isang araw lang tapos mo na agad. Bakit ngayon nahihirapan kana?." dugtong pa nito, na may halong inis.

Hindi ko na iyon sinagot pa at binaba ko na ang cellphone ko.   Kinabukasan gaya ng sinabi ko kay Sky,  binilhan ko s'ya ng kape at agad tumungo ng hospital.  Ngunit wala na ito sa kuwarto n'ya noong dumating ako. Ang sabi ng Nurse ay lumabas nadaw ito kanina-nina lang. Doon nadaw ito magpapagaling sa kanilang bahay.

Alam n'yo sa totoo lang ang baril na lagi kong dala upang pumatay sa mga misyon ko ay, hindi ko dala-dala.  Hindi  ko iyon nakalimutan sadyang iniwan kolang iyon dahil sabi ng puso ko ay hindi naman misyon ang aking pupuntahan. Pero ang totoo ay misyon naman talaga itong gagawin ko. 

Nalungkot ako ng bahagya noong hindi ko ito naabutan. iwan kung bakit ganun ang aking naramdaman na hindi naman dapat. Hindi ko naman ito kilala at higit salahat s'ya ang misyon ko. Misyon na patayin ngunit parang may kung anong pakiramdam na pumipigil sa'kin, marahil ito ay awa lamang .

Maya-maya pa'y tumonog ang aking phone, galing sa hindi familiar na number. Ayaw ko na sana  sagutin kaso ngalang tawag ito ng tawag.

"Hello?. "

"Hi, miss Maya donacio," saad nito sa kabilang linya na parang nakangiti pa.

"sino to?."  tanong ko.

" ako to yong gwapong dinala mo sa hospital, si Sky." pagkarinig ko noon ay napangiti ako . Hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang aking naging reaction. Para bang may tuwa na gumising sa aking puso.

"oh, ba't hindi ka makasagot,? Yong kape ko?, nasaan na.?" sunod-sunod pa na tanong nito  sa'kin.

"Ahm,  heto dala ko nga eh, saan kaba?." pag-uusisa ko naman sa kanya.

"dito sa bahay, pwede bang dito mo nalang ako dalawin.  Sabi kasi ni dad mas makakabuti kapag dito na ako sa bahay magpagaling eh. Lalo na't nanganganib ang buhay ko." tugon naman nito na sinang-ayonan ko agad. Na pa oo ako ng hindi ko alam. 

Binigay nito sa'kin ang kanyang address at agad ko namang tinungo sakay ng aking kotse. Pagkarating ko doon ay namangha ako, hindi ko akalain  na ganito pala sila ka yaman. Napakalaki ng gate na may mga bantay pa.
Bumukas ito noong matapos nilang silipin kung sino ang sa loob ng sasakyan ko. Pagkatapos kong iparada ang aking sasakyan ay agad namang turo sa akin ng isang Guard doon kung saan ang kinalalagyan ni Sky.

LOVE SHOTWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu