4

18K 611 29
                                    

Naging blanko ang utak ko. Nangangatal ang mga tuhod at naninikip ang dibdib habang nakatingin sa taong nanlilisik ang mga matang nakatitig sakin. Halos mawalan ako ng hiningang napagtantong nasa harap ko siya. Nasa harap ko ang taong kinasusuklaman at naging bangungot sa buong buhay ko. Mula kahapon hanggang ngayon ay waring teleseryeng paulit-ulit umaandar sa utak ko. Sa mga gwardya, doctor, bill, mga bantay sa labas at ngayon. Gusto ko ipagkaila ang lahat. Gusto kong ipagkaila na hindi konektado ang lahat. Pero paano? Nasa harap ko na. Lahat ay tugma dahil sa kanya. Ito na ba? Ito na ba ang araw na kinatatakutan ko? Ito na ba ang araw na kukunin niya ang anak ko mula sakin? Ngayon na ba? Bakit ang bilis? Bakit biglaan? Bakit?

Hindi! Hindi ako papayag. Hindi maaari. Ayoko! Ayoko!

Kahit nanginginig ay pilit kong tumayo ng tuwid. Kahit natatakot sa posibleng mangyari ay pilit kong nakipagtitigan sa kanya. Nilabanan ang takot na naramdaman ng buo kong katawan na akala ko'y di ko na mararamdaman. Akala ko'y limot. Akala ko'y baon na sa limot.

Takot.

Na halos ilang taon ko ng hindi naramdaman. Nangangatal ang labi kong pilit na binuka. Lakas-loob kong tinanong kong bakit o anong ginawa niya.

"A-Anong g-ginawa mo dito?" halos matumba ako sa tinatayuan kong bahagya niyang itinaas ang kaliwang kilay sakin.

"I owned this hospital." malamig at delikado na boses nitong sagot. He divert his eye contact and sauntered into the sofa. Umupo siya na parang hari at nakadikwatrong inilapag sa tabi ang hawak nitong folder habang nakipagtitigan sa anak kong babae na may pagtataka sa mukha.

"I'll direct to the point, woman. I want to get what is mine."

Napalunok ako. Ito na ba?  Nanginginig ang mga kamay kong nakayukom. Napapikit ako ng mariin at dumilat kasabay ang pagbuga ng hangin. Ang kapal ng mukha niya. Kaya ba binayaran ang bill ng anak ko dahil dito ? Kaya ba may mga gwardya sa labas ng hospital? Kaya ba may nagbabantay sa labas?Kaya ba ganun ang doctor? Lakas-loob akong humarap sa kanya. Hindi ininda ang nangangatog kong tuhod, ang kaba sa dibdib at pagkabahala.

Bahala na.

Para sa anak ko gagawin ko. Alam kung may karapatan siya pero hindi sa ganitong paraan. Ang gamitin ang anak dahil sa position ay nakakasuka at nakakaasar. Masarap manapak at masarap manampal .Sarap gawin sa kanya. Hindi ko ininda ang tingin niyang waring hinahalungkat ang kaluluwa mo papalayo sa katawan mo. Mga matang walang mababakas ng emosiyon kung tumitig pero nakakatakot at nakakasindak.

"Walang sayo, Mr. Smith." maikling sagot ko. Napahakbang ng isang beses ang isa kong paa ng paatras nang ito'y tumayo at nanlilisik ang mga matang tumitig sakin.

"Pretending to be a brave, huh?Nice. Well, sorry your brave is not enough to stop my decision. Now! Name your price to end this fucking conversation. I'll give you what you want. Just name it!" madiin ang pagkakasabi niya sa bawat salita at madilim ang kanyang mga mata. His jaw clenched and his dangerous presence makes me frightened but I didn't mind.

"I-I don't need your money or anything from you. You don't have a kid from me. Paano mo yun nasabi huh?" pasigaw kong tanong sa kanya. Ngumiti siya bigla. Yung klaseng ngiti waring lahat ng tao ay yuyuko o luluhod sa harap niya. Ngiting nakakatakot at aatras ang sinumang kakalaban sa kanya.

Pinulot niya ang folder nasa sofa at mabilis itong tinapon sa mukha ko. Napapikit ako sa ginawa niya at napakagat ng labi dulot ng sakit sa paraan ng pagbato nito sakin. Dumilat ako at tumambad sakin ang nagkalat ng mga papel sa sahig. Mga papel na may laman ng DNA test.Lahat ng yun ay DNA test.

Pa-paano?

"Name your fucking price now, woman. Your wasting my fucking time. What you want, huh? Money? company? cars? Island?Private jet? Cruise ship? Land? What? I can give it all to you. Name it! I have everything."

Impregnate by a Notorious Mafia Lord (Devil Series #1) AVAILABLE ON DREAMEWhere stories live. Discover now