CHAPTER 21

102 4 1
                                    

[Althea's POV]

"At dito pa namin kayo makikita ha?" Sabi naman ni Kyle na tumingin sa paligid na puro Bikini ang binebenta. Sinasabi ko naman eh pero ayaw nila makinig kaya di ako guilty.



"Mag bibikini kami sa ayaw at sa gusto niyo!" Sabi naman ni Zylie at kinuha na yung bikini na hawak ko at hawak ni Sera at binayaran na sa Counter. Di ko pa nasusukat!!!



"What the- Hoy Zyra Nathalie! You come back here!" Sigaw ni Zeke at hinabol ito.



"Uhh Xander, Sorry si Zylie talaga may gusto na mag bikini kam-" Panimula ni Sera pero agad din to pinatigil ni Xander.



"I wasn't asking. You can wear bikini if you want, As if I care" Sabi ni Xander at tumalikod na. San punta nun?



Bigla akong naawa kay Sera sa tinrato ni Xander sakanya eto namang si Sera kagat kagat na ang pang ibabang labi na parang nag pipigil nang iyak.



"Hayaan mo na siya. Wag mo masyadong damdamin alam mo naman ugali nang Yelo na yun" Sabi ko na lang pero di nakatakas ang isang luha na tumulo sa isang mata niya. Napabuntong hininga na lang ako at hinaplos ang likod neto.



"Minsan ang gulo niya. Minsan He cares tapos Minsan he don't. Di ko na alam anong paniniwalaan ko" She said trying to stop her tears. 



"Tama na ang iyak baka hikain ka nako baka di pa tayo matuloy sa subic" Sabi ko na lang at niyakap siya. Kahit di kami gaano kaklose ni Sera ay kaibigan na rin ang turing ko sakanya.



"Mag bibikini ka talaga sa subic?" Tanong ni Liam saakin bigla after ko patahanin si Sera. Kita ko seryoso ang mukha niya. Tsk akala mo naman kung sino eh baka nga siya nakailang sulyap na siya sa babaeng nakabikini tapos ako pagbabawalan.



"Oo may angal ka?" Hamon ko pero bumuntong hininga siya.



"Fine. Wag lang may babastos sayo dahil sinasabi ko sayo Thea makakapatay ako. I may have amnesia but I still remember how to use a gun" Sabi niya at tumalikod na din. Ano ba't puro walk out etong dark ace?



Naisipan namin na kumain muna sa isang restaurant malapit lang sa grocery kung saan yung pinamili naming grocery nakalagay.



Kami ang pinakamarami sa isang table pero kami ang pinakatahimik at walang nag iimikan. Di ko alam pero feeling ko masama pa rin ang loob nang mga lalaki dahil sa pag takas kuno daw namin.



"Aren't you guys gonna say something?" Biglang nag salita si Zeke kaya napaangat kami nang tingin. Lahat kasi kami ay natatakot sa awra nang mga lalaki na kanina pa masama tingin.



"Eh Asungot naman kasi gusto lang namin nang girl time tsaka wag kang magalit sakanila ako talaga nag plano neto" Paliwanag ni Zylie.



"So is ignoring our calls part of the plan?" Tanong naman ni Kyle saamin "Kathleen, You know how worried I am nung tinakasan mo ako."



"Sorry na..." Mahinang sabi ni Kath habang nakayuko.



"Pwede naman kasi kayo mag paalam samin eh." Sabi naman ni Dwayne.



"You guys wont make payag naman kasi eh. kaya we didn't make paalam na" Sabi ni Zia na parang duduguin ako sa kakonyohan niya.



"Zia, You are my responsibility pag may nangyari sayo. Mom and Dad will kill me" Sermon ni Zeke sa kapatid kaya napanguso na lang ito.



Once Again with you [Dark Ace Series #2]Where stories live. Discover now