CHAPTER 36

150 3 0
                                    


WARNING: SEXUAL CONTENT [R-18]


[Althea's POV]


"Liam naman eh! Pwede naman tayo mag hanap nang ibang hotel bakit mo kinuha yung tayong dalawa mag kasama?!" Naiinis na sabi ko habang paakyat na kami sa Elevator nung floor kung saan yung room namin.



"Ayoko na mag travel pa Jean. Inaantok na ako" 



"Ako naman yung mag didrive eh! Liam naman! Kung gusto mo dun ka at ako mag hahanap nang iba pang hotel mag gagrab na lang ako" Umirap ako ang kaso ay niyakap ako neto na parang ayaw akong pakawalan.



"Dito ka na lang sakin please. Kung gusto mo sa sahig na lang ako matulog, Makasama lang kita please" Mahinang sabi niya saakin at siniksik yung mukha niya sa leeg ko. He was tall so he had to adjust and bend.



I sighed. As if may magagawa pa ako eh baka wala rin naman na akong mahahanap na hotel nang gantong oras at baka maholdap pa ako nakakatakot. 



Nang matap na namin yung Key Card ay pumasok na kami pareho at eto na yung kinakatakutan ko. The Bed was a Queen Size bed for two and hindi imposible na magkalayo kami because the bed is really small.



"I'll ask for housekeeping if they have an extra mat para sa sahig ako" Sabi niya at akamang lalapit sa phone nang hawakan ko ang kamay nito para pigilan siya.



"Wag na. Tabi na lang tayo." Tumingin ako sa mga mata niya and kita mo sa mata niya yung saya niya "As if naman papayag ako na diyan ka sa malamig na sahig. Konsensya ko pa pag nagkasakit ka"



"Okay then. I have extra clothes sa bag ko, I'll just take a bath" Sabi niya at tumango na lang ako. Dun ko naalala na kailangan ko pala bumili kaso 10pm na at sarado na ang mga stores dito sa probinsya. 



Napatampal na lang ako sa noo ko dahil susuutin ko tong attire ko hanggang bukas. Hays! 



Kinuha ko yung phone ko para mag paalam kay Mama na mag papalipas ako nang Gabi dito sa Laguna at pinayagan naman na agad ako ni Mama. Di naman talaga strikto si Mama before, Si papa lang ang strikto and sumusunod lang si Mama. Nasa tamang edad naman na daw ako para lumakwatcha basta mag ingat na lang daw ako.



Habang nag tetext ay halos mabato ko yung phone ko dahil pag labas ni Liam ay half naked ito at twalya na lang yung tumatakip sa baba neto kaya agad akong tumalikod para di makita iyon.



"Ano ba Liam mag bihis ka nga!!" Sigaw ko.

Once Again with you [Dark Ace Series #2]Where stories live. Discover now