Chapter 28:

2.1K 78 1
                                    

" KANINA ka pa lumilingon....hinahanap mo ba siya?" puna ni Ced kay Jema. " Nakaupo siya sa likod, sa bandang kanan."

Parang nahihiyang yumuko si Jema. " Halata na ba talaga ako masyado?"

" Hindi sa mga taong hindi ka kilala. Pero kung ako ang tatanungin.....oo. Sis, matagal na tayong magkaibigan at wala na tayong puwedeng itago sa isa't-isa," Ced consoled her  " Cheer up! Mamaya lalapitan ka rin niyan. Sigurado ako, hindi ka rin matitiis na hindi batiin ni Deanna. Ihanda mo na ang sarili mo, tayo na ang susunod na tatawagin."

Tinitigan ni Jema nang matagal si Deanna nang tanggapin nito ang diploma. Lihim siyang napabuntong-hininga sa sarili habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos ng babaeng lihim niyang minamahal. Ang babaeng pinakapapi sa kanyang paningin at inaasam na makapiling habambuhay.

Nagtama ang kanilang mga mata nang magdaan ito malapit sa kanya, pabalik sa upuan nito. Parang parehong ayaw maghiwalay ng kanilang tingin.

Totoo ba ang kakaibang kislap na nakita niya sa mga mata nito o imahinasyon lang niya?

Maybe This TimeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang