Chapter 45:

1.2K 59 6
                                    

Masayang  binibihisan ni Jema si Dustin nang umagang iyon. Sama-sama silang mamamasyal ng mga kaibigan gaya ng ipinangako ng mga ito

Pero higit ang excitement na nakita niya sa mukha ni Dustin nang malaman nitong mamamasyal sila kasama ang mga ninang.

" Jema,anak, nandito na ang mga kaibigan mo. Bihis na ba kayo ng apo ko, ha?" pagbibigay-alam ng Mommy niya na kinatok sila sa kanilang kuwarto

" Bihis na kami, Ma. Sandali na lang. Pakisabi na lang po sa kanila na bababa na kami."

" O, siya, bilisan n'yo."

" Mommy, could we go to the zoo?" malambing na tanong ni Dustin habang ang sarili naman ang inaayos.

" Sure, sweetie, why not? Are you ready?"

" Yeah, Mom!"

" O, Bakit kayong dalawa lang ang nandito? Akala ko ba lahat tayo?" bungad ni Jema kina Jho at Ponggay. Nilapitan ng mga ito su Dustin. " Nasaan si Ced?"

" Tumawag siya kaninang umaga. Hindi raw muna siya makakasama ngayon dahil may importante siyang meeting. Next time na lang daw siya babawi." si Ponggay. Kinandong nito si Dustin at nilaro.

" Biglaan naman yata," usisa ni Jema.

" Hay naku, parang hindi mo naman kilala si Ced, eh,  napaka-workaholic ng babaeng yon! Kaya nga naging chief medical technologist sa hospital na pinagtatrabahuan niya dahil sa sipag at sobrang dedication sa trabaho."

" O, siya, sige, ano pa nga ba ang magagawa ko?" Tinanggap na lang niya ang dahilan ng mga ito. " Saan n'yo nga pala kami dadalhin ng anak ko, ha?"

" Sa Mall. Maglilibot at pagkatapos, mamimili tayo. Are you ready to shop, Dustin?" nakangiting tanong ni Ponggay sa inaanak. Tahimik lang itong nakikinig sa kanilang usapan.

" Will you buy me new toys?"

" Of course! Whatever you want. Just let us know, okay?" paglalambing naman ni Jho.

Nagliwanag ang mukha ng bata.

" Hoy, mga sis, huwag n'yong ini-spoil yang anak ko, baka masanay yan, kayo rin," nagbibirong banta niya.

" Sister, huwag kang killjoy. Ngayon nga lang namin makakasama ang inaanak namin, tatanggihan mo pa. At saka, hindi lang naman ang anak mo ang bibilhan namin, no! Ikaw din."

" Bakit pati ako?" natatawang tanong niya. " Wala naman akong kailangang bilhin."

" Diyan ka nagkakamali!" sabad ni Jho. " Kaya tayo magma-malling dahil sa dadaluhan nating party."

" Formal gown? Aanhin ko naman yon? At saka, anong party ang pinagsasabi n'yo, eh, wala naman ako halos kakilala rito. Magsasayang lang kayo ng pera."

" Basta! Sasama ka samin at wala nang pero-pero. Wala kang ibang gagawin kundi ang sumunod sa gusto namin, naiintindihan mo?" Para siyang batang pinagsabihan ni Ponggay.

" O, siya, sige, bahala na nga kayo." Hindi na siya nakatutol saka binalingan ang anak. " Dustin, sweetie, go and say good-bye to grandma. Tell her we're leaving."

" Sure, Mommy!"

" Hay, naku! Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng inaanak na sobrang masunurin at super-gwapo," ani Jho, nakasunod ang tingin sa papalayong si Dustin.

" Oo nga, no! Ako rin," sabad naman ni Ponggay.

" Kaya dapat lang siguro, sis, ibigay namin kay Dustin ang regalong siguradong magugustuhan niya sa nalalapit niyang birthday. Ano sa tingin mo, Mareng Jema?" pabirong baling nito kay Jema.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang kaibigan. May hinalang nabuhay sa isip niya. " Bakit pakiramdam ko, may itinatago kayo sa akin? Una, biglang nag-back out si Ced sa lakad natin at ngayon naman, pinag-uusapan n'yo ang regalong gusto n'yong ibigay sa anak ko na parang isang napakalaking issue. May kailangan ba akong malaman na dapat n'yong sabihin?"

" Alam mo, sis, imahinasyon mo lang yan," sagot ni Jho. Tinapik pa siya nito sa balikat at nauna nang lumabas ng bahay.

" Ponggay?"

" A-ahhh......alam mo, sis, wala talaga akong idea sa sinasabi mo," iwas din nito at saka sumunod nang lumabas.

Naiwan siyang napatanga sa gitna ng sala, pilit pa ring ina-analyze ang sinabi ng mga ito. Hinintay niya si Dustin saka sumunod sa dalawa.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon