Hanie's POV
Grabe!! One week din yong celebration namin ng Intramurals masaya pero nakakapagod din at sa wakas doon na rin nagtapos ang mala feeling talented ng lola niyo dahil sa kalokohan noon ni Sejun
Andito ako sa amin ngayon sa probinsya umuwi kami ni Sarah dahil may isang Linggo kaming bakasyon sa school at nag leave muna kami sa mga trabaho namin
Tao po!
Tao po!!!
Boses ng mga nilalang na sobrang miss ko na rin kaya naman dali-dali akong bumangon mula sa upuang kawayan namin at lumabas ng bahay
ahhhhh!!! Na miss ko kayo!!! Sigaw ko saka yumakap kaagad sa kanila
Si Sarah? Hanap agad ni Harvie
Wooow!!! Part di ka pa rin nakaka move on sakin? Sabat ni Sarah na siyang labas ng bahay
Sarah!! Sigaw agad nina Jean at Ann sabay yakap, na miss ka naming bruha ka!
Habang si Harvie naiwang nakatanga at pinagtatawanan namin ni John sa likod
Move on, Move on din kasi pag may time part! Duet pa namin ni John
Tara sa loob! yaya ko sa kanila
Oh, kumusta na kayo? Tanong ni Sarah
Eto magaganda pa rin natatawang sagot ni Ann
At malnurish pa rin ang dalawa! Dugtong naman ni Jean sabay turo kay Harvie at John
Woooow! Lamang ka lang ng dalawang kain sa amin Jean! At nagtawanan na kami
Nga pala ba't wala kayo nong Death Anniversary ni Joem? Tanong ko sa kanila imposibleng nakalimutan nila
Actually andoon kami! ~ John
Ba't di namin kayo nakita? ~ Sarah
Nong gabi na! Dugtong ni Harvie sa sagot ni John
Okay part explain mo! Utos ni Ann kay Jean
Ganito kasi yon we decided na hapon na kaming pupunta sa sementeryo kasi nga yon yong napag-kasunduan natin diba para naman may time kayong mag-usap ng future mama mo sana tukoy niya sakin
Kaso nong hapon biglang umulan ng malakas kaya gabi na kami nakapunta at ang sabi ng bayaw mo nakauwi na daw kayo sa City dagdag ni Ann
At balita namin may mga mayayaman daw kayong kasama~ Jean
Mayaman na gwapo pa to be exact! Sabat naman ni Sarah
Gwapo? Duet ni John at Harvie
san banda? ~ Harvie
Mas gwapo kami don! ~ John
Natahimik kaming lahat
Minsan talaga napapaisip ako kung gaano kabuti ng Diyos sabi ko kaya naman sa akin na sila lahat nakatingin
Bakit? Chorus nilang lahat
Akalain niyo sa sobrang lakas ng hangin niyo tukoy ko sa dalawa ay di tayo binagyo dito!
Grabe ka naman part! It really hurts you know! React ni Harvie na sinundan ng tawanan naming lahat
Pero maiba tayo ngayong buo tayo pupuntahan natin ang matalik nating kaibigan seryosong sabi ni John
****Cemetery***
Nakaupo kaming anim ngayon sa ibabaw ng puntod ni Joem habang nag-aawitan, nagtatawanan at binabalikan ang mga masasayang araw naming magkakaibigan
BINABASA MO ANG
Hanggang Sa Huli
FanfictionMagandang araw sa lahat ng mga A'TIN all over the Philippines 😍 char!! Ang storyang ito ay pawang kathang isip lamang ( Imagination ko ang limit dito guys) gamit ang pangalan ng limang (5) member ng SB19. Lahat ng pangalan na mababanggit except sa...