Chapter 29: Married Life

209 12 2
                                    

Fast forward..

Sarah's POV

"Love, lunch is ready..."
Ibinaba ako ang plato sa lamesa at kinuha ko ang nilutong ulam.

"Mukhang masarap ha!"

"Masarap talaga!"

"HAHAHAHA"

"Parang di ka okay kanina ah? Any problem?"

"I don't know love.. Sinipon ako kanina then ngayon okay naman ako."

"Do we need medical assistance?"

"No.. Baka allergy ko lang 'to, nag linis ako kanina eh."

"Are you sure?"

"Yes love, salamat." I kissed him bago kami kumain

***

"Love... Sa garden ka na muna pleaseee.. maglilinis muna ako dito sa bahay." Pinipilit ko itong lumabas para makapaglinis ako ng bahay. Ewan ko ba! Bakit gusto kong laging malinis ang bahay! Sabagay.. ang aliwalas tignan kapag malinis ang bahay at I'm the wife, tungkulin ko yun.

"Oo sige na sige na love.. I'll water the plants also."
Lumabas si Matteo na parang natatawa. Huh? Bakit?

Pumunta ako ng cr bigla kasing sumakit ang tyan ko. Uupo na sana ako sa toilet bowl nang masuka ako. Bigla na lang akong nilamig, Nagiinit ang mata at mukha ko. I know it was a fever coming pinunasan ko ang bibig ko tas tumuloy sa kwarto.

I sneezed. I don't feel well again. Sinamaan ako ng pakiramdam ng wala sa oras but why? Kinontact ko si Regine to ask some remedies para mawala agad. I know gamot sa lagnat ang sagot pero... I just don't know.

"Reg?"

"Ano? Napatawag ka."

"Nilalagnat ako ngayon." Mahinahon kong sabi.

"Are you okay? Parang biglaan naman yata. Kahapon okay ka naman."

"I just don't know Reg. Bigla na lang 'to."

"May nararamdaman ka pa bang iba bukod sa lagnat?"

"Parang sisipunin ako."

"And?...." Dugtong ni Regine.

"Ang sakit ng tyan ko."

"Baka UTI? Magpa test ka ng urine."

"S–sumuka pati ako. Reg.."

"Hindi ka ine-LBM?"

"Hindi."

"Fine, sasamahan kita. Pupuntahan kita diyan." At inend nito bigla ang call. Hindi pa nga ako nakakapag bye sa kanya. Grabe talaga.

UTI? Hindi naman masakit pagumiiihi ako pero nabasa ko dati posibleng ganun na masakit ang tyan o nilalagnat. Pero hindi namna ako kumakain ng masyadong fast food, sweets or chips lately. Puro vegetable salads lang kinakain ko ngayon.

"Love?" Napalingon ako sa may pinto nakatingin sakin si Matteo.

"Yes?"

"Are you okay? Parang bigla kang nanamlay."

"I have fever yata. Ang sakit din ng tyan ko."

May narinig kaming tunog ng doorbell. Baka si Regine na 'yon.

"I'll just open it." Si Matteo at umalis ito sa pintuan.

Maya-maya lamang nakita kong tumatakbo si Regine papunta sakin at niyakap.

"Okay ka na ba? Ano bang nangyari?"

"Wala.. bigla na lang."

"Tara Sars. Magpagamot ka na."

"I'll drive you guys papunta sa Doctor." Lumarga kaming tatlo and I don't know what will happen next.

***

Mrs. Sarah Guidicelli

Nakita ko sa screen. It means ako na ang kasunod. Nakita kong may lumabas na pasyente sa pintuan ng pagpapatignan ko.. kinuwit ko si Regine at sinabi kong ako na. Hindi na ako nagpasama pa sinabihan ko na lang sila na intayin ako.

"Hello Mrs. Guidicelli, I've heard you sa news before kumusta ka? Anong nararamdaman mo?"

"Kaninang umaga kasi para akong sisipunin.. hanggang ngayon then bigla akong nag init, para bang lalagnatin. And masakit yung tyan ko kanina tapos bigla akong nasuka."

"Sabi kasi ng kaibigan ko baka UTI kaya magpapacheck po sana ako ng urine."

"Well if that's the case.. sige Ite-test kita may mga ganyang symptoms ang UTI lalo na pag nilalagnat ka." Binigyan niya ako ng container ng paglalagyan ng urine. Pumunta ako sa cr bigla akong naduwal.

Parang kumakalam ang tiyan ko.

(Few minutes)

Looking through my phone habang iniintay ang resulta.

"Oras po ba ang aabutin sa pagaantay ng results?" Tanong ko.

"No Mrs. Sarah.. actually alam ko na ang results."

"May UTI po ba ako doktora?"

"Good thing wala kang UTI or problema sa kidneys.. clear lahat."

"Ano po bang posibleng kaso kung bakit bigla po akong nilagnat tapos sumakit ang tiyan?"

"Diba sabi mo kanina nasuka ka? Tas parang sisipunin kaninang umaga? Look, may I ask you kung dinatnan ka ba?"

Inisip ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang calendar ko. Ngayon dapat.

"Wala doktora. Dapat ngayon yun." My heart is beating fast. Kinakabahan ako.

She smiled.

"Here. Pumunta ka ulit sa cr.."
Sumunod ako dito.

_________

"Love tapos ka na ba sa cr?"

"Wait lang lov—" hindi ko na natapos. Sumuka ulit ako and finally a few minutes, wala na.

Binuksan ko ang pintuan at ngumiti sa kanya.

"Okay ka na?" Tanong sakin ni Matteo, hinawakan nito ang tiyan ko.

"Okay na.." saka ako tumawa.

"Three months to go, we will meet this little one." Yumuko ito at hinalikan ang pitong buwan kong tiyan. Malapit na talaga at kinakabahan ako.

"By the way, anong gusto mong kainin? Cravings?"

Tumawa akong muli.. "Meron.. we love it both." At pumunta ako sa livingroom habang inaakay niya ako.

The One For You ✓Where stories live. Discover now