CHAPTER 1: Litrato

627 20 0
                                    

Sarah's POV

Kumukuha ako ng mga litrato ng mga artista sa mga projects nila. Madami akong naiipong pera galing sa pagiging photographer ko. mahirap kasi pag walang ipon. Pero syempre, hindi ko naman tinitipid sarili ko.. Ako lang kasi ang nag iisang nakatira sa bahay ko, bata pa lang kami ng mga kapatid ko, ulila na kami sa magulang. Ang mga Tita at Tito ko ang nag-alaga saaming apat na magkakapatid, Si Ate Lou ang panganay, ako ang pangalawa, at ang bunso ay si Rina. May mga asawa na sila... At ang Tita at Tito namin ay busy na sa kanilang trabaho may sarili silang bahay at syempre may mga anak din silang iniintindi. Ako na lang ang walang asawa at sariling pamilya. I didn't want to miss the chance na makaasenso sa buhay kaysa naman sa ikakasal ako wala akong maipapakain sa magiging pamilya ko.

Nasa opisina ako kung saan ako nag tatrabaho.

"Sis!" sigaw ng katrabaho ko na si Regine.. sobrang saya nito.

"Uyy Sis!" sigaw ko rin, at tinapik ko siya.

"Ano daw ba sabi ni boss?" sabi ko.

"May meeting daw tayo with Sir. Matteo." Napakalapad ng ngiti sakin ni Regine, masayahing tao kasi 'to simula nung makilala ko siya.

"Oh bakit parang natahimik ka?"

"Sis, bakit parang sobrang excited mo?"

"Tindi naman nito galit ka galit?" Parehas kaming natawa sa inakto naming simpleng tuksuhan

"Pero sis, may tanong.. " bumaling sakin si Regine.

"Ano yun?"

"Have you found the one kaya parang di ka excited?" Aba lintek 'to ah. Issue agad?

"Hoy! wag mo nga akong dinadamay dyan ha Regine, shunga ka, alam mo naman yung rason ko." sabay hampas ko sa balikat ni Regine.

"Sabi ko nga!" at inirapan niya ako.

"Tara na nga! Baka kung ano pa maitanong mo sakin!"

***

Nasa meeting na kami ni Regine, at iniintay pa lang namin yung kliyente.

"Sis, hayan na siya." pabulong niyang sinabi sakin napaka kiri talaga.

"Sis, umayos ka nga."
Sagot ko.

"I'm glad to meet you all and thank you na pumayag kayo sa request ko." wika ni Matteo, umupo siya sa dulong unahan sa mahabang lamesa.

"May I know all your names?" dagdag pa niya. At nag pa kilala isa isa ang mga camera man, producers, at directors.

"And what's your name?" sabi ni Sir. Matteo kay Regine.

"Regine Velasquez, po." sagot ni Reg.

"And you? What's your name?" tanong ni Matteo saakin at tila nakatingin lang siya saakin.

"Sarah Geronimo, po." sagot ko. naka ngiti kong sinabi.

"Okay, nice to meet you all. Bukas na ang simula ng shoot natin at kailangan maaga tayong lahat. 7:00 call time natin. Thank you." at lumabas na si Matteo sa loob ng meeting room.

The One For You ✓Where stories live. Discover now