Chapter 3

108 2 0
                                    

Maagang nagising si Patricia ngayon kahit mamayang alas-otso pa ang unang klase niya. Wala namng espesyal sa araw na iyon ngunit napagpasyahan lamang niyang umalis nang maaga papuntang paaralan. At usually ay nasa gate na ang driver nilang si Manong Julius ngunit sa punto yaon ay hindi siya magpapahatid rito at namataan naman siya nito habang papalabas nang kanilang bahay.

“Ally, ang aga mo ata ngayon.” Nagtatakang tanong sa kanya ni Mang Julius

“Ah opo, maaga lang po nagising kasi maaga rin pong nakatulog kagabi.” Paliwanag niya rito habang nagpupunas ito ng sasakyan.

“Ganun ba, magpapahatid ka na ba?”

“Ay huwag na po,  lalakarin ko na lang total maaga pa po para sa unang klase ko.Sige po una na ko.” Paalam niya rito.

“Oh siya sige Ally, mag-iingat ka sa daan.” Ani nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

Hindi pa man siya nakakalayo sa subdivision na kinlabasan niya ay nakarinig siya ng busina ng sasakyan. Hindi tumitinging tumabi siya na inaakalang may daraan. Ngunit laking taka niyang wala ni isa namang dumaan kaya tumingin siya sa likuran. Napatuwid siya nang wala sa oras nang makita si Drew na nakasakay sa bago na namang koleksyon nitong sasakyan. Tumikhim muna siya nang ilang beses bago eksaheradang nagsalita papalapit sa sasakyan nito.

“Wow, dude ang cool ah. May bagong sasakyan ka naman, di lang basta sasakyan kundi BMW sports car pa!” Ani niya at hinihimas ang sasakyan.

“I know right. What are you waiting for hop in.” Ani nito sa nagmamayabang na tinig.

Nag-aalangan siyang sundin ang sinasabi nito ngunit sa huli ay pumasok din.

“Anong meron at napadpad ka rito nang ganito kaaga sa amin?” Kuryosong tanong niya.

“Ahm. . . ganito kasi naisipan ko na kagabi na itatanan na kita.” Seryosong sabi nito.

At dahil doon ay nabatukan niya ito nang wala sa oras. “Ikaw talaga puro ka na lang kalokohan.” Aniya rito.

Tumawa ito at sabay himas sa ulong nasaktan.

“At ikaw, napakseryoso mo naman sa lahat ng bagay.” Ganti nito.

“Siyempre di porke’t mayaman na ay paeasy-easy na lang. Palibhasa kasi sanay kang nakukuha ang lahat ng luho mo sa buhay.” Hindi niya napigilang sabi niya rito na naging sanhi nang biglang pagseryoso nito.

“S-sorry. I didn’t mean to come out that way . . .hoy dude, huwag ka namang magtampo.” Awkward na sabi niya rito.

“No, it's okay.I think you’re right. Siguro dapat maghunusdili na siguro ako dahil hindi sa lahat ng panahon ay ganito pa rin ako. Iyong paeasy-go-lucky kung baga.” Ani nito sa kanya sa seryosong tinig.

Bumuntong-hininga siya sa sinabi nito.Nag-isip na lang siya ng ibang sasabihin sa nakakaasiwa na atmosphere sa oras na yaon.

“A-alam ko na may sadya ka kung bakit naparito ka sa amin nang ganito kaaga. And as much as I know about you, you’re not a morning person.”

Napapikit na lang siya bigla at mahigpit na napahawak sa kanyang seatbelt dahil sa biglaang pagpahinto nito ng sasakyan.

Aray naman ano ba ‘tong lalaking to, bipolar talaga at saka may balak ata akong patayin.’ Sambit niya sa kanyang isipan.

“Si Ally.” Napapangiting sabi nito.

“Oh,what about her?” Nagtatakang balik tanong niya.

“N-nagbilin ng notes si Ally sa locker niya.” imporma nito na pawang hindi malaman ang gagawin.

“Then, ano naman kung may notes na iniwan?” Panonoplak niya sa sinabi nito.

Tumawa ito sa sinabi niya. “Don’t you get it? Napansin na ako ni Ally. Ang sabi niya sa note niya na mag-meet daw kami sa The Pavilion and I can really sense that she was very eager to meet me when she wrote that.” Ani nito sa sunod-sunod na sabi sa kanya.

Yeah, that’s it. He was not just plainly attracted to Ally like he usually did in his past relationship but he really loved her. And damn I can see it in his eyes.’ masakit na turan niya sa kanyang sarili.

“Ano dude, pupuntahan ko ba?”

“O-oo naman.Di ba iyan naman iyung hinihintay mong oras,iyong mapansin ka na niya?” She bitterly said to him.Di niya alam kung para ba kay Drew ang pinagsasabi niya o ito’y patungkol sa kanya.

"Oh bakit tila sambakol iyang mukha mo?" Pang-uusyoso nito.

"Ha, hindi kaya.Ito oh nakangiti pa nga ako." Sabi niya rito habang nagpapakita ng malaking ngiti sa mukha na alam niyang pilit naman talaga.

“Ayos. Tulungan mo kong mamili mamaya nang susuotin pagkatapos ng uwian,susundin kita.” Masiglang sabi nito.

No way.Manigas ka dude di ako sobrang tanga at manhid para samahan kang magpagwapo para lamang sa ibang babaeng gusto mo. Tama na ang ginawa kong pagtulong noh.' But she knows that she can’t utter any word that’s forming in her mind. Takot lang ka niyang masira ang friendship nila.Kaya ang nagawa na lang niya ay gumawa ng pinaka-lame na alibi.

“K-Kasi. . . dude m-may g-gawin kasi akong project? Tama project mamaya sa isang subject namin.” Aniya at damn nag-stastammer pa na sabi niya.

“ Weh, style mo bulok. Eh wala naming pasok mamayang three to five kasi may meeting ang lahat ng faculty kaya pwede mo pang ipagpaliban iyan.”

“P-pero may gagawin pa talaga ako.” Pamimilit niya rito upang hindi makasama.

“Meet me 3 o’clock at the main gate. Kung walang Patricia na nakatayo doon, magtatampo talaga ako sa’yo. You know me well dude, I’m a man of my word.” Banta nito sa kanya.

“Sabi ko nga.” Sambit niya rito at agad bumaba.

“Hoy, anong ginagawa mo eh wala pa tayo sa school.” Nagtatakang tanong nito sa kanya.

Pinalibot niya ang tingin sa paligid. Totoo ngang half-way pa sila para marating ang paaralan nila.Napahiya siyang pumasok ulit sa sasakyan nito at pumikit nang mariin sa narinig nitong pang-aalaska sa kanya.

“ Kahit kailan talaga Patricia may saltik ka sa utak.” Ani nito at hindi na napigilang bumunghalit ng tawa saka pinaharurot na ang sasakyan.

'Yeah right, I’m a freaking idiot ngunit dahil bestfriends tayo, idiot ka rin at mas malala ka nga lang sa'kin.’ Pamatay na sabi niya sa kanyang utak.

Ngunit aliw-aliw talaga ito sa ginawa niya at tumawa ng tumawa ang binata.

“Hey,quit laughing its getting annoying already.” Aniya habang masamang tiningnan dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.

Hindi pa rin nagpapigil.

“Isa. Paghindi ka pa rin tumigil babatukan kita ng one hit combo nitong kamay ko.” Banta niya na agad namang nagpatigil nito sa pagtawa at nagsalita.

“Sige na nga di ka na maasar. Takot ko lang sa batok mo.” Himutok nito at tahimik na nilang binabagtas ang daan papuntang paaralan.

Friendship often ends in Love?Where stories live. Discover now