Chapter 6

104 2 0
                                    

  " Say it one more time and I swear you will regret it forever Patricia."

Napalunok na lang siya nang wala sa oras dahil sa sinabi nito. Takte naman ba't ang lapit-lapit nila sa isa't isa. Alam niya isang maling galaw niya o maging ito ay maglalapat na ang mga labi nila.

' Jusko Lord, ilayo nyo po ako sa mga temptation na yan'

Panigurado niya na pulang-pula na siya ngayon sa harapan nito at ang lakas na nang kabog ng kanyang dibdib. Kinakabahan pa nga siya kung maririnig iyon ni Drew.

" Bumitiw ka nga ang baho naman ng hininga mo!" Sambit niya pero ang totoo ang tamis kaya ng hinga nito parang strawberries.

Agad naman itong sumunod.

"Walangya naman pinagbintangan mo na nga akong panget pati hininga ko dinamay mo pa. Nag-toothbrush kaya ako." Sabi nito habang inaamoy pa ang sariling hinnga.

"E-eh sa mabaho talaga. Try mo kayang magpalit ng brand ng toothpaste, eh kasi sa sipa ng baho ng hininga mo kahit ang leading brand di na magiging effective." Asik niya habang pinipigilan namang bumunghalit ng tawa dahil sa busangot na noo'y mukha ng kaibigan.

" Talaga lang ha' eh kung paano kung halikan kita jan. Try natin din kung may katotohanan iyang mga pinagsasabi mo." Seryosong sabi nito.

She felt her body turns into fire.

" Heh, ito gusto mo?" Ani niya habang itinataas ang nakaambang kamao.

" Ano game?"

" A-anong game-game 'yang pinagsasabi mo?"

" Hahalikan kita upang malaman mong hindi talaga mabaho." Determinado pa ring saad nito.

" Naku,naku Chavez tigilan mo ko jan sa kabaliwan mo. Kung ako talaga hindi makapagpigil malilintikan ka talaga sa'kin." Pagbabanta niya rito ngunit Hindi talaga nagpaawat ang binata lumipat ito ng upuan at lumapit sa kanya.

*usog siya ng konti*

"Isa Drew!" Pero bingi ito.

*usog ulit*

" Drew hindi na ako nagbibiro."

Pero wala pa rin ang seryoso talaga.

*usog akong kunti, pero siya ang laking distansya ang iniusog niya*

"Sisigaw talaga ako dito. . ." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng muntik na siyang mahulog pero mabuti na lang at nahawakan naman agad siya ni Drew. Dead end na pala hindi man lang niya napansin.

"Gotcha!"

Nakatitig lamang siya rito habang Panay pa rin ang tawa nito.

" Wala ka pala eh' akala mo totohanin ko talaga. Hoy di tayo talo. Sige una na'ko, una ka na lang sa pag-uwi hindi kita maihahatid ngayon kasi may lakad kami ni Ally. Sige ingat ka." Ani nito saka tinapik siya sa balikat.

" Pero di ba sabi mo mamasyal tayo ngayon?"

Napakamot na lang ito ng ulo. " Ay oo nga pala sa susunod lang dude, bawi na lang ako next time."

  Matamlay na tiningnan niya ang papalayo nitong pigura. As they have said sometimes you just need to train yourself to be alone so that in the end whenever they want to leave, you'll be brave enough to face your fears and tears. Humugot siya ng malalim na hininga kasabay hawak sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

' Once again my wound was freshly opened because of him.'

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon