CHAPTER TWENTY-EIGHT: The Truth

208 14 6
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHTThe Truth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER TWENTY-EIGHT
The Truth

--

Tahimik na nagmamaneho si Taehyung habang hindi matigil sa pagkwento si Rebecca na nakaupo sa front seat. Paminan-minsa'y tumatango siya at pinipilit intindihin ang sinasabi ng dalaga ngunit madalas ay lumilipad ang isipan niya.

"Tae, mabuti pa siguro kung bukas na lang natin i-discuss ang preparation para sa engagement party."  ani Rebecca dahilan para mapalingon si Taehyung sa kaniya.

"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong ni Taehyung ngunit ngumiti lang si Rebecca at hinawakan ang pisngi niya.

"Mukhang pagod ka na. Mas mabuti sigurong magpahinga ka na muna. Bukas na natin pag-usapan."

Napabuntong hininga si Taehyung at umiling bago binalik ang tingin sa kalsada. "Becca, I'm fine."

"You don't look fine to me, Tae." tugon ni Rebecca at babawiin sana ang kamay niya ngunit hinawakan iyon ni Taehyung at binaba nang hindi binibitawan. Bumaba ang tingin ni Rebecca sa kamay nila bago may maliit na ngiting gumuhit sa labi niya. "Ihatid mo na lang ako sa bahay para makapagpahinga ka na."

"Are you sure?" tanong ni Taehyung na halatang hindi kumbinsido.

"I'm one hundred percent sure."

Tumango-tango naman si Taehyung  bago lumiko ng daan papunta sa subdivision kung saan nakatira si Rebecca. Wala nang umimik sa kanila matapos ang usapan na iyon at narinig lang muli ni Taehyung ang boses ng dalaga nang mag-play ang pamilyar na kanta sa radyo.

"This is my favourite song!" tuwang tuwa na anunsyo ni Rebecca bago nilakasan ang volume at pekeng umubo, animo'y naghahandang kumanta.

I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear

Saglit na napasulyap si Taehyung at natawa sa dalaga na mukhang damang dama ang bawat liriko dahil ginawa pa nitong mic ang kamay nilang magkahawak.

I like you more, the world may know but don't be scared
'Cause I'm falling deeper, baby be prepared

"Ms. Rebecca Song, is this a confession?" pabirong tanong ni Taehyung dahilan para matawa si Rebecca at wala sa sariling pinisil ang kamay ni Taehyung.

"Ewan ko sa'yo, Tae." tugon ni Rebecca at nakangiting tinuon ang tingin sa labas ng bintana.

I like your shirt, I like your fingers, love the way that you smell
To be your favorite jacket, just so I could always be near

"Let's take things slow." biglang saad ni Taehyung na nagpatigil sa pagtibok ng puso ni Rebecca at napalingon sa kaniya.

"W-What do you mean, Tae?"

In Another Life | TaeKookWhere stories live. Discover now