7

46.5K 1.5K 235
                                    

PAGDATING nila Summer sa living room ng mansion, nadatnan nila doon ang isang babae na umiinom ng kape habang kausap ang kuya Orion ni Comet. The woman was absolutely beautiful and sophisticated.

Automatikong ngumiti ito sa direksyon nila nang makita si Comet.

"Summer, I would like you to meet Doctor Margie Galvez. Siya ang psychiatrist at therapist ni Comet. Marge, this is Summer Samonte, more like personal assistant ni Comet." pagpapakilala sa kanila ni Orion sa isa't-isa.

Maagap naman na inabot ni Summer ang nakalahad na kamay ng babae. Sinuklian din niya ang ngiti nito. Hindi nga niya napigilan ang ma-intimidate sa sobrang ganda ng babae, mas mukha kasi itong modelo kesa doktor.

"Nice to meet you, Summer." ani ng babae.

Bahagya naman niyang iniyukod ang ulo bilang tanda ng paggalang dito. "N-nice to meet you rin po, doktora." binitawan nito ang kamay niya, saka naman ito bumaling kay Comet na tahimik lang sa tabi niya.

"Hello Comet! How are you when I'm not around? Good boy ka ba? Did you take your medicines?"

"I'm not a boy, I'm a man." seryosong sabi ni Comet sa babae. Wala rin siyang kahit anong reaksiyon na nababanaag sa mukha ng lalaki na ipinagtaka niya.

"Well, y-you're right. By the way, I bought a new toy for you—"

"I don't like toys anymore. It's just for kids." sabi pa ni Comet. "Kuya? Can I go back to the entertainment room now with Summer? We're not yet finish watching movie." tanong nito sa Kuya Orion nito.

Orion smiled at his brother. "Sure, but we're going to talk Summer first, sandali lang mga five minutes, susunod na lang siya sayo doon sa taas. Do you want something to eat or drink?"

Umiling naman si Comet sa kuya nito. "None. I just want to be with Summer alone." pagkasabi noon, tumalikod na ang lalaki at umakyat na ulit sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa entertainment room.

Nakasunod lang sila ng tingin sa lalaki.

"I'm sorry about that, Marge. You know Comet, baka wala lang sa mood." apologetic na sabi ni Orion sa babae.

"That's alright. I understand. Hindi na rin ako magtatagal, babalik na lang ako sa wednesday for the continuation of his therapy, just make sure that Comet drinking his prescribed medicine. I have to go." paalam ng babae.

Nginitian at tinanguan siya ng babae bago ito umalis. Inihatid naman ni Marvin ang doktora palabas ng mansion.

"Some things are getting interesting because of you Summer." nakangising sabi ni Orion sa kanya nang sila na lang ang natira sa living room.

Nagtataka naman niya itong tinignan. "Ano pong ibig niyong sabihin?" she asked.

"Nevermind. By the way, MWF ang schedule ng therapy ni Comet kay Doktor Margie. It's Cognitive Behavioral Therapy, mga around one o'clock in the afternoon until three ang session nila. Hindi niyo naman na kailangan pang umalis dito sa mansion dahil si Marge na mismo ang pumupunta dito."

"Okay po, Sir Orion."

"'Kuya' Orion." pagtatama sa kanya ng lalaki. Pinagdiinan pa talaga nito ang salitang 'kuya'. Natawa na lang tuloy siya.

"K-kuya Orion." ulit niya. Tumango-tango naman ang lalaki.

"That's right. Nga pala, kamusta si Comet? Hindi ka naman ba niya pinahihirapan?"

"Naku hindi naman po k-kuya Orion. Mabait naman po si Comet, matampuhin lang po minsan pero hindi naman po pasaway." despite of his condition, hindi kailanman siya pinahirapan ng lalaki. May mga oras pa nga na medyo nai-intimidate siya kay Comet dahil sa sobrang talino at dami nitong alam.

Serendipity (Under Editing)Where stories live. Discover now