19

43.1K 1.2K 59
                                    

AGAD pumunta ng isla nila sina Summer kasama si Comet. Hindi na nila ipinagbukas pa ang pagbiyahe. Halos tulala lang si Summer sa buong biyahe nila, tahimik na umiiyak.

Nang makarating sila sa bahay nila sa isla, nakaburol na ang lola Selya niya sa bahay. Nanlalambot ang mga tuhod na lumapit si Summer sa kabaong ng lola niya. Parang hindi pa niya tanggap, hindi pa nagsi-sink-in sa kanya na wala na ang lola Selya niya, iniwian na siya nito.

Nalaman niya kina Elsa at Kaloy na natagpuan na lang ng mga ito ang abuela niya na hindi na humihinga sa higaan nito. Parang payapang natutulog lang. Namatay ang lola Selya niya habang natutulog.

Hindi pa rin maampat ang mga luha sa mga mata ni Summer. Hindi naman umalis sa tabi niya si Comet. Tahimik lang ito na nakaagapay sa kanya.

Niyakap si Summer ng mga kaibigan para ipadama ang pagdamay ng mga ito sa kanya. Alam kasi ng mga ito kung gaano siya nasasaktan sa pagkawala ng abuela niya. "Summer, tama na sa kakaiyak. Alam mo naman na ayaw ni lola Selya na umiiyak ka." pag-aalo sa kanya ni Elsa.

"H-hindi ko pa rin kasi tanggap, parang noong nakaraang linggo lang..." napasigok si Summer at muling humagulgol ng iyak. Kung alam lang niya na ang pagdalaw nila ni Comet sa isla noong nakaraan ang huling pagkakataon na makakasama niya ang lola niya, sana nagtagal pa sila sa isla. Niyakap naman siya ni Comet, marahan nitong hinahaplos ang likod niya.

Naalala pa niya ang huling pag-uusap nila ng abuela, kaya pala. Kaya pala ganoon ito magsalita. Iyon na nga ang kinatatakutan niya.

"Summer, drink this. Walang pang laman yung tiyan mo, hindi ka pa kumakain simula ng umalis tayo sa Manila. Kanina ka pa rin umiiyak, baka made-hydrate ka." inabot sa kanya ni Comet ang isang bottled water.

Napilitan naman siyang tinggap iyon, uminom lang siya ng kaunti bago iyon ulit ibinalik sa binata.

Dalawang araw lang ibinurol ang lola niya, nakiramay din kasi ang mga kapatid ni Comet at mga nobya ng mga ito, wala naman silang iba pang kamag-anak. Nandoon din si Nanang Fely. Si Comet naman ang nag-asikaso ng lahat ng tungkol sa pagpapalibing ng lola niya.

Inilibing ito sa maliit na sementeryo sa isla kung saan nakalibing ang lolo niya at ang nanay niya. Pinagawan pa iyon ni Comet ng musuleo.

Ilang araw pa nanatili sina Summer sa isla bago nagdesisyon si Comet na bumalik na sila sa Maynila. May pasok pa kasi siya sa school, ilang araw lang kasi ang nasa excuse letter niya kaya napilitan na siyang pumasok.

Hindi pa nga siya pinapapasok sana ni Kuya Pollux, ang isa sa mga kapatid ni Comet na may-ari ng LCU kaya lang nahihiya naman siya, ayaw rin naman niyang abusuhin ang mga kabutihan ng mga ito sa kanya.

"Hey Summer, are you alright? You're spacing out."

Gulat na napalingon si Summer kay doktora Marge, hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Nasa balkonahe kasi siya ng mansyon, doon niya nagdesisyon gumawa ng ilang school paperworks.

"D-doc, kayo po pala. Pasensya na po, hindi ko namalayan na nandito kayo. Si Comet po ba yung hinahanap niyo?"

"Yeah, gusto ko lang ulit mangamusta sa kanya, pero isa ka rin talaga sa mga sadya ko dito. Naibalitaan ko kasi yung nangyari sa lola mo, condolence."

Mapait na ngumiti si Summer. "M-maupo po muna kayo, doktora. Nasa kwarto pa po kasi niya si Comet, naliligo pa ho ata. Ikukuha ko lang po kayo ng meryenda."

Tumayo siya para bumaba sa kusina at kumuha ng makakain. Wala kasi doon si nanang Fely, ang alam niya doon muna iyo sa bahay nila Snow at Kuya Orion ni Comet nakatira. Naglagay siya ng slice ng cake sa platito at naghanda ng iced tea bago bumalik sa balkonahe.

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon