25

50.6K 1.2K 246
                                    

"SO, it's true. nakabalik ka na pala talaga dito sa Pilipinas."

Mariin na ikinuyom ni Summer ang mga kamao habang nakatingin kay Doktora Marge. Nakangisi ang babae sa kanya habang nakaupo ito sa katapat niyang upuan. Kasama niya ang Kuya Warren niya, ang kuya Orion ni Comet at abogado nila doon sa presinto.

Pansamantala niyang iniwan ang kambal nila ni Comet sa pangangalaga ni Nanang Fely na nasa condo ng kuya niya.

Nagdesisyon na siya na kausapin na si Doktora Marge sa mga ginawa nito sa kanya. Dapat nga pag gumaling na si Comet, pero hindi siya matahimik kapag hindi niya pa nakausap ang babae at kung ano ba ang dahilan nito para sirain sila ni Comet.

"P-paano mo nagawa lahat ng iyon sa akin?" lakas loob na tanong niya sa babae. She smirked to her, sumandal ito sa backrest ng inuupuan nito.

"Because I loathed you."

"B-bakit?" wala siyang maisip na ibang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi ng babae sa kanya. She thought she's nice to her but she's wrong. Malayong-malayo ang ugali nito noon sa ipinapakita nito sa kanya.

"I'm your half-sister, Summer. Ako ang legal na anak ni Mauricio Galvez, ang lalaking inanakan ang nanay mo."

She was stunned on what she said. Literal na nanlaki ang mga mata niya sa rebelasyon na sinabi nito sa kanya. Hindi niya akalain na anak din pala ito ng tatay niya.

"I also loathed my father, dahil habang lumalaki ako, saksi ako kung paano magdusa at halos manlimos ng pagmamahal ang mommy ko sa tatay natin. I hate him so much, hanggang sa makilala niya ang nanay mo ng ipasok siya ng lola Selya mo para maging katulong din sa amin.

Nalaman na lang namin ng mommy ko na may affair ang tatay ko sa nanay mo. Kaya ng umalis ang tatay ko for a business trip, pinalayas namin ang lola Selya at nanay mo sa bahay namin. Nalaman iyon ng tatay ko kaya galit na galit siya sa mommy ko nang malaman niya na pinalayas sila. Then he tried to find your mother, hanggang sa nalaman niya na nabuntis nga niya ang nanay mo. Sinubukan niyang sustentuhan kayong mag-ina pero hindi pumayag ang lola Selya mo.

At alam mo kung ano yung mas masakit? Dahil nalaman namin na mahal na mahal ng tatay ko ang nanay ko. Pagmamahal na matagal nang hinihingi ng nanay ko sa kanya. Nang magdesisyon ang tatay ko na hiwalayan ang nanay ko at pumunta sa inyo para makasama kayo, my mom killed him. Then my mother went crazy. Nabaliw siya ng tuluyan dahil sa inyo ng nanay mo! Hanggang sa mag-suicide siya."

Hindi na napigilan ni Summer na umiyak, habang pinapakinggan ang babae na umiiyak na rin. Ramdam niya ang bawat sakit na nararamdaman nito sa mga naging karanasan nito.

"I tried to moved on, pero nang bumalik ako sa states at makita ka sa bahay nila Comet, You looked exactly your mother. Kaya pinaimbestigahan kita, I thought it's just coincidence but my PI confirmed na ikaw nga ang bastarda kong kapatid, nabuhay ulit ang galit ko sa inyo ng nanay mo. Mas nadagdagan pa yung galit ko ng inagaw mo si Comet sa akin! Parehas kayo ng nanay mong pvta ! Mga mang-aagaw kayo!"

Pumaling ang mukha ng babae nang sampalin niya ito. "Matagal ng patay ang nanay ko, pero kahit galit ka, wala kang karapatang pagsalitaan ang nanay ko ng ganyan!"

"Why? Truth hurts, isn't?" nakakaloko pang ngumisi ang babae. Akmang sasampalin niya ulit ito nang pigilan siya ng kuya Warren niya. Walang emosyon ang mga mata nitong bumaling sa doktora.

"I'm also a bastard son of Mauricio Galvez. Nang ipakilala ako ng nanay ko sa tatay mo, tahasan akong tinanggihan at hindi kinilala ng tatay mo. You know what he said? Na sana ipinalaglag na lang ako ng nanay ko. So lumayo na lang kami. My mom knows Summer's mother, even your father's true feelings to her mom pero kahit kailan, hindi ko idinamay si Summer sa galit ko sa ama mo. Alam ko na iba ang sitwasyon ko sa sitwasyon mo pero sana hindi ka nagpadala sa galit mo para makapanakit ng ibang tao. Alam mo ba na muntik nang makunan si Summer sa ibang bansa dahil sa mga ginawa mo sa kanya?"

Serendipity (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon