Kabanata 1

9 2 0
                                    

Please listen to Ben & Ben's "Di ka sayang" while reading this chapter! Enjoy!

_____________________________

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon...

Ang nagpabago sa takbo ng buhay ko...

Ang sumira sa pagkatao ko...

Ang naging dahilan para mawalan ako ng silbi sa mundo...

Hindi na ako 'to....

Pakiramdam ko nabubuhay nalang ako artificially dahil hindi na ako katulad ng dati matapos ang insidenteng iyon.

*5 years ago*

Excited na akong maging ninong! Ako ang magiging pinakapoging ninong ng mga anak nila Elizair at Vinz!

Matapos kong masuot ng maayos ang aking long-sleeves ay maayos ko itong tinupi sa may pulso.

Naglagay ako ng kaunting pabango saka lumabas ng kwarto.

Napatigil ako saglit.

Agad akong bumalik sa kwarto dahil may nakalimutan ako.

Nakangisi akong tumingin sa salamin at kumindat saka umalis na.

"Ang pogi ko, syet." proud na sabi ko sa sarili ko.

Agad akong pumasok sa sasakyan ko at minaniobra ito papunta sa venue ng party nila Eli.

"Pasalamat ka Eli at hindi na kita crush. Hindi talaga ako papayag na maging ninong ng mga anak mo kapag ganun. Dahil ako magiging tatay ng mga anak mo. Pero syet! Kung ako din naman siguro magiging babae, magugustuhan ko din si Vinz. Pogi at seryoso lagi. Malinis pa sa katawan. Tama, tama. Tama lang na naging sila ni Eli. Atleast may maganda at gwapo akong mga inaanak ngayon! Yiee! " pagkausap ko sa sarili ko habang nagda-drive.

Tumatango-tango pa ako dahil tama lang ang sinabi ko.

Saktong nasa may highway ako ay may napansin ako sa hindi kalayuan.

Napansin ko ang isang babae at hindi ko na naialis ang tingin ko sa kanya.

Nakatalikod siya at umaalon ang mahaba niyang buhok. Tanghaling tapat at nakatambay siya sa may railings ng bridge. Mukhang wala sa sarili ang dalagang iyon.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Magpapakamatay ba siya?!" gulat na gulat na tanong ko sa sarili ko.

Natuliro na ako at napatingin sa harap. Bago ko pa magalaw ang manobela ay sumalubong na ang truck sa kotse ko.

Pagkabangga sa akin ng truck ay bumaliktad ang kotse ko.

Ang tanging narinig ko lang ay isang mahabang tunog. Habang duguan ako ay nagawa ko pang lingunin ang babae kanina.

Nakatingin siya sa akin banda. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam ko na nakatingin siya banda sa'kin.

"Huwag...kang magpakamatay..." bulong ko habang nakatingin sa kanya.

Siya lang ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.

Iyon nalang ang huli kong alaala noong aksidenteng iyon.

Pagkagising ko, ibang-iba na ang mundo ko. Nag-iba ang takbo ng buhay ko. Nagising nalang ako na wala na akong kwentang tao. Baldado. Palamunin. Kailangan pang alagaan. Umaasa sa magulang at kapatid.

Tss. Nakakahiya.

Mabuti nalang at nakilala ko si Ella. Nakilala ko siya 3 months ago. Nakilala ko siya sa burol ni Eli.

Mahiwaga (On-going) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα