Kabanata 3

2 2 0
                                    

Please listen to "Ours" by Ben & Ben while reading this chapter. 💜

_____________________________

A month has passed since that day happened.

I never get to see Karla again.

Maybe that's just how our destiny works. We're just meant to know each other and then forget each other immediately.

Well... I wished to forget her but I can't.

Hindi ko siya gusto. Alam ko 'yon. Sure ako don.

Maybe I was just expecting friendship from her.

Yeah. Baka 'yon nga 'yon. Hindi. 'Yon lang talaga ang dahilan.

Nakarating na ang prosthetics na binili nila Mommy galing sa U.S. Sinusubukan kong masanay sa ganoon pero palagi akong naa-out of balance.

Hindi na ako sanay magbalanse. Parang laging naghahanap ang isa kong paa ng lupa para matapakan. Hindi isang prosthetics lang.

Naalala ko bigla si Ella saka mapait na napangiti.

"Can't blame her for cheating on me. I'm useless."

I want to end my life.

But there's someone's word that always makes me realize that I should not do it. Never ever do it.

"' Yong balak mong gawin sa rooftop noong araw na 'yon...Huwag mo nang uulitin 'yon. At kung may plano kang gawin 'yon, I'll do my best to stop you in doing it."

Naiisip kong gawin ulit ang dapat kong gagawin sa rooftop noon. Now, where are you to stop me in doing it?

Puno nang sama ng loob na hinagis ko ang prosthetics sa sahig dahilan para masira 'yon.

Nagsisi din ako agad dahil sayang ang gastos nila Mommy doon.

Mahal 'yon dahil galing pa 'yong ibang bansa.

Dapat pala binenta ko nalang. Edi sana may pambili ako ng pagkain.

Napailing nalang ako sa katangahan ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa si Kaina.

Seryoso ang tingin niya sa' kin pero hindi ako natinag sa tingin niya dahil masama parin ang loob ko.

"That's the fifth prosthetics that you broke. Hanggang ilan mo balak dagdagan ang collection mo ng mga prosthetics na dapat sirain? Sabihin mo sa'kin para mabili ko ang quota na balak mo at sirain mo nang buong araw. Para kapag naubos na lahat, maging matatag ka na sa pagpapagaling mo. " seryosong saad talaga ni Kaina.

Malalim akong bumuntong hininga saka hindi namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko.

"Sana ako nalang ang nawala at hindi si Lindon.... Para hindi ako naghihirap.... At para hindi ako nagiging pabigat sa inyo..." pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko saka iniwas ang tingin kay Kaina.

Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga saka nakita ko ang anino niya na papalapit sa akin.

Umupo siya sa kabilang side ng kama ko.

Tahimik lang siya pero buntong-hininga ulit siya nang malalim.

"Pareho tayong may dinadamdam na sakit at hirap ngayon, Kalvs. Pero wala akong balak na makipaglamangan sa'yo kung sino ang lubos na nasasaktan at nahihirapan. Ikaw, dahil nahihirapan ka na makalakad ulit. Totoo naman na mahirap. Nakikita ko. Hindi ikaw ang klase ng tao na mabilis sumuko. Palaban ka. Competitive. Alam ko na sobrang naapektuhan ka sa nangyaring aksidente kaya nawalan ka na ng pag-asa na makalakad ulit... "

Mahiwaga (On-going) Where stories live. Discover now