Chapter 4

64.8K 947 129
                                    

Pepper’s POV

“Bebepink weeksarry na natin bukas anong gusto mong regalo? Naubusan na kasi ako ng maisip eh.” Sabi ni JC habang katabi si Sugar.

“Ikaw bahala Bebepink. Kahit ano naman basta galling sayo ok na ako."

“Gusto mo ng bagong pink na panty?” tang inang yan mapupuno na closet ni Sugar sa dami ng pink na panty eh.

“Wag iba naman bebepink.”

“Eh pink na t-bak?” putang ina. Ang sarap batukan ng dalawa na to.

“Ayoko."

“Pink na bra?”

“Madami na ako nun.” Buti naman marunong ng tumanggi si Sugar kundi susungalganglin ko na sya ngayon din.

“Eh ano pala?” tanong ni JC.

“Pink ng brief mo hihi.”

“Ayiieeee ang sweet mo talaga bebepink. Sige sige gusto mo ba labhan ko muna o wag na lang?”

“Ano ba bebe pink. Labahan mo naman. masyado ka talaga.”

“Sige. Akala ko kasi gusto mo yung din a-"

“Putang iang yan nakakawalang ganang kumain pag kaharap kayo sa hapag kainan ah.” Sabay baba ko ng kutsara na hawak ko.

“Eh kasi naman Pepper tumalikod ka na lang para di ka mainggit sa sweetness namain.” banat ni Boy Penk.

“gago di kayo sweet. Nakakadiri kayo pwede ba.”

“Pwede ka naman kasing kumain sa sala di dito sa hapag kainan. Hmp tara na nga bebepink, bitter lang yan eh.”

Aba puta! Ako pa ang bitter ngayon? Edi wow!

Makalayas na nga muna dito at nakakahighblood yung dalawang pink na yun.  Lumabas ako ng kusina para lang makasalubong at Makita ang pababa na si JJ. Napahinto naman ako..

Sino ba anmang hindi hihinto, eh nakatuwalya lang sya habang pababa. Nagkatitigan tuloy kaming dalawa..

I wonder kung nakabrief kaya sya? Pucha ano ba naman tong naiisip ko? Inirapan ko na lang sya at nagmamadaling naglakad papalayo sa nakalantad nyang katawan. Ang hot kasi eh.

“Sandali.” Tawag nya sakin kaya naman napalingon ako sa kanya.

“Baket?”

“Linisin mo yung kwarto ko.”

“Gabi na. bukas na lang.” ani ko,

Leche sya gabing gabi ipapalinis yung kwarto nya.

“Hindi ako makakatulog ng di malinis ang kwarto ko.”

“Leche.” Nasabi ko na lang at humarap sa kanya para umakayat na sa kwarto nya. Bwiset talaga tong lalaki na’to.

“bilisan mo..”

“Bwisit ka kung ikaw kaya ang maglinis. Dami mong alam. Leche.” Di ko na sya pinansin at nagtuloy tuloy na sa kwarto nya.

Totoo nga ang daming nagkalat na mga damit sa kama at sahig nya, pero ang nakakaloka may damit pang babae doon. OMG hindi kaya bakla si JJ? Pakyung bakla yun ah... iniisa isa ko ang mga damit, leche ang gaganda, pero hello, obvious naman na hindi kakasya sa kanya ang mga damit nato, parang pang teens, ang liit kasi eh, nagmamaganda siguro si JJ feelingerang froglet kala nya siguro kakasya sa kanya.

Teka ano kayang gagawin ko dito?

Madami dami din tong mga damit pambabae, kaya naisip kong buksan ang isa sa mga cabinet nya, walang laman, malamang doon nakalagay ang mga yun, dun ko na lang din ibabalik.

Three SomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon