Prologue

115K 1.4K 104
                                    

Ginger's POV :

“Sakay!” sigaw samin nung lalaking may pink hair.

“Paano pag ayaw namin?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.

“Oo nga. Saka bakit ba kami ang kinikidnap nyo? Wala naman kaming pera eh! Kita nyo nga sa bar lang kami nagtatrabaho!” inis na sigaw ni Sugar sa kanila.

“Ikaw cute ka sana. Bobo ka lang!” duro nung pink hair kay Sugar.

Aba puta to ah! Kung maka duro akala mo kung sino! Pero in fairness ang ganda ng kuko nya naka-colorless pa na nailpolish!

“Teka nga. Eh ano bang kailangan nyo samin?!” inis na tanong ko sa kanilang dalawa.

Magkamukha lang sila. Pero magkaiba yung buhok. Yung isang kanina pa tahimik, parang blonde yung buhok na yellow, madilim kasi kaya di ko masyadong Makita.

Tahimik lang din naman si Pepper sa likod namin.

“Alam nyo kung gusto nyo kaming i-take home ok lang naman eh. Ten thousanad per hour.” Simpleng sabi ni Pepper. Mukhang pera talaga. Usapan na nga namin na bawal ang take home. Table lang. Ito talaga!

“Hoy hindi kami  papatol sa inyo. Kadiri kayo. JJ ano bang gagawin ko dito? Kainis nman oh! Ayaw pumasok eh.” saka parang batang nagmaktol ito.

“Open the door. They will go inside whether they like it or not!” matalim ang tingin samin nung blonde na lalaki.

“Hoy alam nyo bang pwede naming kayong ipapluis sa ginagawa nyo!”

“Pasok!” sigaw nung blonde.

“Tara pasok na tayo.” Natatakot na sabi ni Sugar na naunag pumasok sa loob ng van.

“Tsk.” Inis naman akong sumunod kay Sugar.

“Papasok kami. Di mo kailangan sumigaw!” irap ni Pepper sa blonde saka sumunod sa aming pumasok.

“Wow ang ganda at ang lamig naman dito sa loob .. hmm bango pa!” manghang sabi ni Sugar. Saka inamoy amoy yung lalaking katabi nya na pink hair.

“Hehe talaga mabango ako?”

“Ay kingina, ikaw pala yung mabango, peace!” sabi nya sa katabi nyang lalaki.

Kahit kalian talaga napaka isip bata neto!

Tahimik lang naman kami ni Pepper  habang nanginginig na sa loob ng sasakyan. Sino ba namang hindi? Eh ang lakas ng aircon tapos mga naka mini skirt at sando lang kami.

Saan ba kasi kami dadalhin ng mga to? Kainis. Wala naman silang mapapala pag nagpa kidnap for ransom sila. Malamang walang may pake kung ano man ang mang yari sa amin.

Maya maya bumaba din kami sa isang mataas na building. Naka sunod lang kami sa dalawang lalaki na’to kanina pa familiar ang mukha ng dalawa na’to eh. Di ko lang alam kung saan ko nakita eh.

Pumasok kami ng elevator tapos nag antay kami magbilang, may pulang numero kasi na nagbi bilang sa taas nun eh ..

“1, 2 , 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10.” Malakas na bilang ni Sugar.  Bumukas ang elevator at naglakad kami, ilang pinto din ang nadaanan namin bago naglabas ng susi yung blonde hair na lalaki.

Pag eto ginahasa kami, ok lang, gwapo naman eh. Pero sisingilin pa din namin. Mahirap na mahal  bumili ng pills no!

“Kuya JR andito na sila.” May nakatalikod na lalaki na nakaharap sa malaking bintana ng kwarto.

Puta kinabahan ako ah. Hindi kaya malaking sindikato tong nakakuha samin?

“Where’s my bag?”

Bag?

Nagkatitigan kami nila Pepper at Sugar.

“Yung wallet lang nakuha ko dun. Saka yung pera.” Sagot ni Pepper.

“Binenta ko yung phone kay Kaloy. Ten thousand. May utang pa nga sya sakin na isang libo eh.”

Naupo yung lalaki sa harap ng mesa at hinilot pa yung ulo nya.

“Nasaan yung box? Yung may flashdrive. Kahit yun na lang ang ibalik nyo. That’s important.” Sabi nya pa na hindi nakikipag titigan samin.

“Yung bag nasa bahay pa namin. Hindi pa namin nadidispatsa.” Mas maganda ng umamin kesa makitlan ng buhay leche naman oh!

“Damn!” saka marahas na binagsak nung lalaki ang baso nya.

“Go to their place now!” sigaw nito.

“Teka baka naman pwedeng bukas na lang ?” tanong ko ..

Dahil sa totoo lang di ako sigurado kung saan ko ba nailagay yung bag nya.

“No. I need it right now!” inis na sabi nya.

Bahala na si batman. Lulusutan na lang naming to mamaya. Saka hindi ko alam kung anong itsura nung pesteng flashdrive na yun. Ang alam lang namin kinuha lang namin yung mga importanteng bagay na pwedeng pagkakitaan.

“Sa susunod kasi piliin nyo yung pagnanakawan nyo.” Sabi pa nung pink hair.

“Namimili naman kami ah. Anong akala mo samin cheap?” inis na sagot naman ni Sugar.

“Pwede naman kasing magtarabaho ng maayos hindi yung illegal eh.” Epal naman nung blonde.

“Kasalanan ng gobyerno natin to! Walang illegal na trabaho kung walang nangungurakot!” sagot naman ni Pepper.

Ako tahimik lang. Jusko lord. San ko ba kasi dinala yung bag pagkatapos kong kunin yung mga gamit nya. tsk

Itutuloy .. char haha. 

Three SomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon