CHAPTER 56

32 2 0
                                    

JAH'S POV:

         Sobrang saya ko kase finally naging okay na kami ni Sab, finally nabalik ko na siya sa akin hindi man totally pa kami nagkabalikan atleast masasabi kong akin na talaga siya, andito kami ngayon sa lugar kung saan nakaburol si Bailey my little princess, bukas na namin siya ihahatid sa huling hantungan niya, masakit sobra matagal ko ng hinihiling na magkaroon ng little sister binigyan nga ako binawi rin agad, ang sakit sobra

"Jah" napalingon ako ng tawagin ako ni Sab agad naman akong lumapit sa kaniya at umakbay

"Hmmm? Why?"

"I love you okay? Andito lang ako pakatatag ka"

     Hindi ko alam kung bakit yun ang naging dahilan upang maiyak ako sa lahat ng pinag daanan ko sa buhay ko nung wala siya pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong kahinaan ko pero pagdating sa kaniya wala, wala akong magawa kusa na lang tumutulo ang luha sa aking mga mata

"Thank you for staying in my side, thank you kase di moko iniwan, thank you kase tinanggap mo ulit ako, pag nawala ka pa ulit hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam"

"Shhhh Jah, magiging okay din ang lahat basta andito lang ako okay, andito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan, hinding hindi kita pababayaan okay? I will stay forever"

          Nagstay lang kami dun, napapansin ko yung bilis ng oras, pwede bang patigilin muna, ayaw ko pa eh, hindi ko pa kayang iwan siya, hindi ko pa kayang ihatid siya, hindi ko pa kaya, pwede bang pahintuin muna gusto ko lang makasama siya

"Jah last day na ni Bailey may hinandang simple ceremony sila tita tara na labas ka na jan malulungkot si Bailey pag wala ka dun sige ka"

"Sab, hindi ko kaya, hindi ko kayang makita siyang ilibing Sab, hindi ko siya kayang bitawan hindi ko pakaya"

        Wala na akong paki kung sobrang hina ko na sa harap niya, wala na akong pake kung anong itsura ko ngayon ang gusto ko na langilabas yung sakit, ilabas yung lungkot na bumabalot sa puso ko,

"You need to let Bailey go, hindi siya matatahimik kung hindi mo tatanggapin na wala na, na hindi na pwede, Bailey is now an angel, babantayan ka na niya, babantayan ka niya frome heaven, tyaka gusto niya maging masaya ka lang diba so don't dissappoint her, Baby look let's go outside magpakita ka na sa kanila, nag aantay si Bailey"

     Wala akong nagawa kundi tumayo at lumabas, hindi tumabi sa akin si Sab andun siya sa pwesto ng kapatid niya ng lingunin ko siya nginitian niya ako na nagsasabing kaya ko toh, dahil wala siya sa tabi ko lalo akong kinakabahan lalo akong natatakot, sanay akong humarap sa maraming tao pero di ako sanay magpakita ng emosyon sa maraming tao, they know me as a jolly person pero ako ito ngayon hindi alam kung paano magiging okay

     Habang nagsasalita sila sa harap ako nakayuko lang at pinipilit ipasok sa utak ko na kailangan ko tong tanggapin kase may buhay ako at may mga taong umaasa sa akin, nabalik ako sa realidad ng tawagin ako para magsalita sa harap, nagdadalawang isip ako kaya agad akong tumingin kay Sab, nginitian niya lang ako at tinanguan, huminga ako ng malalim bago tumayo

"Hello, honestly i don't know how would i start, hindi ko alam kung saan magsisimula, kinakabahan ako funny right humaharap ako sa maraming tao pero nahihiya ako ngayon sa harap niyo, hindi ko kase alam eh, hindi ko alam kung kaya ko, kung kakayanin ko ba, ayaw pa tanggapin ng utak ko na wala na siya eh, ayaw pa magsink in sa akin na iiwan niya na ako ng tuluyan, pangarap ko maging kuya, pangarap ko yung may tatawag sa akin ng kuya pag nauwi ako galing events, para kase sa akin pahinga ko yun eh, yun lang nag papasaya sa akin that time, then Bailey came she fulfill the dream that i want, masaya kami eh, yung mga alaala na pag uuwi ako lagi niya akong sinasalubong, yung sa tuwing nasa out of the country yung tour namin lagi niya akong tatawagan para sabihing kaya ko toh na manonood siya, lagi niya akong pinapasaya sa mga panahong lubog na lubog na ako, kaya hindi ko alam eh, hindi ko alam kung paano magsisimula ng wala na siya, hindi ko alam kung paano babangon, hindi ko alam kung paano ko ipagpapatuloy yung buhay ko kung yung taong nakasanayan ko na kasama bigla na lang akong iiwan, biglang aalis, nangako siya eh, nangako siya papanoorin niya pa ako na magperform live eh, pero wala eh, iniwan niya ako, sabi niya makikita ko pa siya maging flight attendant pangarap niya yun eh, sabi niya pag magtratravel ako makikita ko siya sa Airplane, naalala ko pa sabi niya dapat kung pipili ako ng babae dapat daw pasado sa kaniya, pero sino na yung pipili ng babae sa akin kung iniwan niya na ako, sino na yung gigising sa akin kung wala na siya, sino na yung magiging bunso ko kung iiwan niya na ako, hindi ko alam hindi ko alam paano bumangon sa bagyong pinagdadaanan ko ngayon, ang sakit eh andami kong gustong sabihin andami kong gustong pangarap na matupad para sa kaniya pero kanino ko na gagawin yun iniwan niya na ako eh"

UNTIL WE MEET AGAIN ( ON HOLD ) Where stories live. Discover now