11

186 7 0
                                    

CHERVEL


"Jess, may alam ka bang part-time job?" tanong ko habang papalabas kami ng University. It's already 2 o'clock in the afternoon at pupunta kami sa hospital para ma-meet ang doctor na magtuturo sa amin kahit three days pa kami nag aaral dito sa University. Advance ata sila dito eh.

"Bakit mo naman na tanong? Mag ta-trabaho ka?" takang tanong niya.

"Oo eh. Simula nung magkatrabaho si mama palagi na siyang pagod at late na umuuwi. Gusto ko lang matulungan siya" sabi ko at saka kinuha ang phone ko sa bulsa.

Maaga na akong nagigising dahil si mama naman ay late na nagigising dahil puyat taga gabi. Super busy na ata sa trabaho.

"Wala eh. Baka sa mga restaurant o kaya sa mall? May mga working student akong nakikita sa mga restaurant at mall. Baka may bakante dun" suhestiyon niya kaya napatango tango nalang ako.

Hayst. Busy na kami sa klase at minsan nalang kami magka-bonding ni Mama pati na si Aeon. Si Aeon naman busy na din. Hatid sundo niya ako, paminsan minsan nga lang. Mag te-text nalang siya na susunduin ako ng driver niya. Wala naman akong magawa dahil palagi nang naka abang ang driver niya sa tapat ng bahay namin.

"Hayst, di pa nga tayo nakaka one week dito sa University ang busy agad" sabi ko.

Napatingin naman kami sa harapan ng huminto din ang mga kasamahan namin. Nasa harapan na pala kami ng hospital. Sa kakaisip ko nakalimutan ko kaagad.

"Welcome nursing students! Tara tayo sa office ni Doc Rose" masayang paanyaya sa amin ng dalawang nurse. Parang pamilyar ang mga mukha nila "Kanina pa nag aantay si Doc sa inyo"

Pag pasok namin sa hospital ay agad naman akong napatunganga. Kaya pala pamilyar ang mga mukha ng dalawa! Sila yung nurse na tumulong kay Aeon na papasukin ako sa emergency room.

Kahit na wala naman akong sakit.

"Che? May nakalimutan ka ba?"
nabalik naman ako sa ulirat ng tapikin ako ni Jess sa balikat "Hayst. Sa kakaisip mo yan sa trabaho noh? Kung ako sayo sabihin mo nalang kay Aeon para matulungan ka niya"

Napatingin naman ako sa kanya ng sumabay na siya sa mga kasamahan namin. Pwede ba yun? Can I ask a favor to him? Pero baka magalit? O di kaya di niya gusto?

But I need a job. Pero di ko sasabihin kay Aeon para di na naman niya ako guguluhin. Simula nung nangyari sa cafeteria mas lalo pa siyang dumikit sa akin. But thanks sa pag-aaral, medyo busy na siya. SUPER BUSY.

"Che! Ali kana!" Napatakbo naman ako papunta kina Jess ng kumanan sila. Sa office na kami ni Tita Rose. Tsk. Nakakahiya naman.

"Pasok na kayo!" napangiti naman kami ng sinalubong kami ng isang malaking opisina. Nagmukha tuloy isang classroom ang opisina dahil sa laki at lawak nito.

And my smile disappear when I noticed that someone tapped me.
Napatingin naman ako sa kanya at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ang mukha niya.

"Welcome nursing students!"
sigaw ni Doc Rose sa gilid ko kaya naman napatingin ang mga kasamahan ko sa kanya "Before we proceed to our meeting for today, alam ko na kilala niyo ang ipapakilala ko..."

Napangiti ako ng pilit ng tumingin ito sa akin at ngumiti ng malapad. What's happening?

"Hello p-po" nahihiya kong bati pero agad namang umiwas ng tingin si Doc at tumingin sa may pintuan.

"Listen everyone! My name is Dr. Rose Marie R. Perez, I need some assistant kaya naman tinawagan ko ang anak ng kapatid ko na si Preston para mas makilala kayo" paliwanag niya kaya naman napalaki ang mata ko. Wag niyang sabihin na nandito si— "Let's welcome our guest Mr. Aeon Diem Reign!"

MY OVER PROTECTIVE BOYFRIEND| √Where stories live. Discover now